Part 29

2 0 0
                                    

Puyat ako kinabukasan dahil late na ako natulog.

Humihikab tuloy ako habang nasa trabaho.

"Kumusta naman ang bakasyon with Dusk? Mukhang antok na antok ka pa ah." Sabi ni Paisley sa akin.

"Masaya kaso kulang ako sa tulog ngayon dahil madaling araw na kami nakauwi ni Dusk." Sabi ko.

"Nag-extend ka pa ng one day of vacation ha! Wala bang pasalubong dyan?" Tanong niya.

"Mamaya ko ibibigay ang pasalubong kasi nasa bahay pa. Medyo marami iyon." Sabi ko at natuwa siya.

Nagpatuloy na kami sa trabaho.

Nang dumating na ang tanghali ay umuwi muna ako sa amin para kuhanin ang pasalubong na ibibigay ko kayna Hikaru, Paisley, Johann at Brielle.

Nilagay ko sa tig-iisang paper bag ang ibibigay ko sa kanila.

Nang ayos na ang lahat ay bumalik na ako sa coffee shop.

"Oh ito na." Sabi ko at nilagay ang apat na paper bags sa lamesa.

"Thank you Celeste!" Sabi ni Brielle.

"Ang dami nga!" Sabi naman ni Johann.

"Salamat." Sabi ni Hikaru sabay taas ng paper back.

"Waah! Matutuwa sina mama dito!" Masayng sabi ni Paisley.

"Ito naman! Parang nanalo ng grocery package eh!" Pang-aasar ni Johann. Umirap naman si Paisley.

"Kumusta naman ang Baguio trip? Malamig ba?" Tanong ni Johann. Tumango ako.

Tiningnan nila ang loob ng paper bag. May snacks, souvenirs at ilang damit na nakalagay doon.

Binilhan ko sila ng tig-isang jacket dahil magaganda ang jacket doon sa ukay-ukay sa Baguio at mura pa.

Nang matapos na ang lunch break ay nag-trabaho ulit kami.

Nang matapos na ang lunch break ay nag-trabaho ulit kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang weeks na ang nakalipas at pasukan na naman.

"Hayyy... ang bilis ng bakasyon!" Sabi ni Colette. Tumango ako.

Papunta kami ngayon para sa first class namin.

Wala pa ang prof namin doon kaya nagkwentuhan kaming dalawa ni Colette.

May estudyanteng pumasok sa room.

"Hi Hikaru!" Bati ni Colette kay Hikaru.

Pumunta siya sa gawi namin at umupo sa seat na katabi ko.

"Hello." Bati ni Hikaru sa amin.

"Ita-take mo rin ang klase na ito?" Tanong ni Colette at tumango si Hikaru.

After several minutes ay dumating na ang professor namin.

Mabilis lang ang meeting namin kay sir dahil first week of classes pa lang ngayon.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon