Part 30

2 0 0
                                    

May text message mula kay Dusk.

After niya mag-text ay pumasok na ako sa coffee shop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After niya mag-text ay pumasok na ako sa coffee shop.

Nagpatuloy ako sa pagba-bake ko.

Gabi na nang makatapos ako sa pagba-bake. Medyo marami ang nagawa ko ngayong araw dahil ayokong masyadong mag-isip.

Nag-text na ako kay Dusk na tapos na ako sa work ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng changing room. Nakita ko naman na nakaupo si Dusk sa isang table dito sa coffee shop.

"Hi Celeste!" Bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya.

"How's your day? First day of classes ninyo nga pala." Sabi niya at tumango ako.

Napansin naman niya na malamig ang pakikitungo ko sa kanya.

"Hindi ka natingin sa mga mata ko. May nagawa ba ako?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko siya kinibo.

"Actually, may sasabihin ako." Sabi niya at tumingin ako sa kanya.

"I saw you with Colette, Kayden and some guy I don't know. earlier at the mall." Sabi niya at hinintay ko pa ang iba pa niyang sasabihin.

"Did you guys saw us earlier?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.

"Oh so nakita ninyo pala kami." Sabi niya.

"Ang sweet ninyo pa ngang dalawa eh." Sabi ko.

"Look, I will explain." Sabi niya.

"Averie is just a childhood friend of mine.  Ngayon lang kami nagkita after a long time kasi tumira na siya sa America. It happens to be na kanina ay nagkaroon siya ng time na mag-bonding sa akin. Please don't misunderstand." Sabi niya.

"Okay." Iyon lang ang sinabi ko.

"Are we good?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.

"Magkikita ulit kami bukas hanggang sa makabalik ulit siya ng America. Is that okay with you?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman. Sabi mo naman ay childhood friend mo siya so I understand." Sabi ko.

"Thank you Celeste!" Sabi niya at hinug ako.

Hinatid na ako ni Dusk sa bahay namin.

Habang naglalakad kami papunta sa bahay namin ay may tinanong si Dusk sa akin.

"Sino pala iyong kasama ninyo na guy kanina?" Tanong niya.

"Ah si Eros. Bagong kaklase namin ni Colette. Nag-transfer siya from other university." Sabi ko. Tumango siya.

"Mukhang close kayo ah." Sabi niya.

"Mabait naman si Eros eh. Mag-isa kasi siya kanina kaya sumama siya sa amin." Sabi ko.

"Okay. I just hope you don't get too close to him." Sabi niya.

"Bakit naman? Magkaklase namin kami." Sabi ko.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon