Part 3

5 0 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay, inisip ko kung bakit bigla na lang umalis si Dusk at sinabi iyon.

Nagseselos iyon? Seryoso? Tanong ko sa sarili ko.

Napailing ako sa thought na iyon. Imposible. Kakakilala pa lang namin tapos magseselos siya?

Kinabukasan, hinintay ko si Dusk sa tapat ng university na pinapasukan niya. Nag-text ako sa kanya na makipag-meet kami dito. Wala pa naman akong klase kaya pwede pa kaming mag-usap.

Nag-vibrate ang cellphone ko. May text message akong na-receive kay Dusk.

 May text message akong na-receive kay Dusk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nalungkot naman ako. Ang aga ng punta ko dito tapos  nag-ayos pa ako pero mamaya pa pala kami magme-meet.

Dahil mamayang hapon pa naman ang pasok ko, nagpa-print na lang ako ng resume ko at nagpasa sa mga part time jobs na nahanap ko last time.

Last na pinuntahan ko ay ang cafe na madalas naming puntahan. Pagkapasok ko doon, nagulat ako kasi naandoon si Dusk.

Nakita ko siya pero mukhang hindi niya ako nakita kasi naggagagawa siya ng kape.

Pumunta ako sa counter at tinanong kung nasaan ang manager nila. Tinawag naman ng nasa cashier ang manager nila.

Nagpasa ako ng resume at nagtanong kung kailan ang interview. Sabi ng manager ay anytime daw as long as hindi naaapektuhan ang oras ng pasok ko.

Nagpasalamat naman ako at aalis na ako pero naisipan kong mag-order ng kami at mag-stay muna dito dahil maaga pa ako para sa first subject namin.

"May I take your order ma'am?" Tanong ng nasa cashier.

Nag-order ako ng pampagising na kape at isang cheesecake na rin. Pagkatapos kong mag-order ay umupo na ako.

Hindi si Dusk ang kumuha ng order ko. Saka hindi siya natingin sa mga customers. Bakit kaya? Parang malalim ang iniisip niya. Isip ko.

Nang tinawag na ang pangalan ko ay saka lang natauhan si Dusk. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti ako. Ngumiti rin siya pero may lungkot sa mukha niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya at pumunta sa table ko.  Wala pa naman masyadong tao kaya okay lang na umupo muna siya sa table ko.

"Ano pala ang pag-uusapan natin? Sorry kanina ko lang nabasa ang text mo. Nag-ayos pa kasi ako ng gamit ko kagabi." Paliwanag ni Dusk.

"Okay lang ano ka ba! May itatanong kasi ako." Saad ko. Mukha namang naghihintay si Dusk sa sasabihin ko.

"Narinig mo ba iyong pag-uusap namin ni Kayden kahapon?" Tanong ko.

Napaisip naman si Dusk.

"Iyong tinanong ako ni Kayden na liligawan niya ako." Sabi ko.

Napatango naman si Dusk.

"Oo." Cold na sabi niya.

Nagtaka naman ako. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag si Kayden.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon