Part 36

1 0 0
                                    

Lumapit ako kay Hikaru.

"Saan tayo mag-uusap?" Tanong ko kay Hikaru.

"May pupuntahan tayo." Sabi niya at nag-commute kami papunta sa kung saan man niya ako dadalhin.

Nakarating na kami kung saan kami mag-uusap.

"Mago-order muna tayo ng pagkain. Anong gusto mong kainin?" Tanong niya at sinabi ko ang dinner ko.

Nagpa-deliver kami ng pagkain kung nasaan kami ngayon.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero kita ang city lights mula rito.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero kita ang city lights mula rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(credits to the owner)

Nakaupo kami sa bench ngayon.

Nang dumating na ang pagkain namin ay kumain muna kami bago nag-usap.

Nang matapos kami kumain ay hinarap ako ni Hikaru.

"Celeste, I'm so sorry. I didn't mean to kiss you. Lasing pa ako at that time." Paliwanag niya.

"I understand but bakit kailangan mo pa akong halikan? Pwede mo namang sabihin na lang ang nararamdaman mo para sa akin." Sabi ko.

"I want you to realize if you feel something towards me." Sabi niya.

"Alam mo na namang kami na ni Dusk. Malamang wala akong nararamdaman para sa iyo." Sabi ko.

"Even a bit? Please, Celeste. Be honest with me." Sabi niya. Tumahimik ako at nag-isip.

Umiling ako. "I'm sorry pero wala talaga. I like you as a friend." Sabi ko.

"So this is how it feels to be broken hearted." Sabi niya at napansin ko na umiiyak siya.

"Hikaru, are you crying?" Tanong ko sa kanya.

Pinunasan niya ang luha niya. Hinug ko siya.

"Alam mo, kaya ako nahuhulog sa iyo ay dahil sa mga pagganyan mo. Lahat ba ng kaibigan mong lalaki na naiyak ay niyayakap mo?" Tanong niya. 

Napangiti ako. "So inaamin mo na naiyak ka?" Tanong ko sa kanya. Pinapagaan ko ang mood.

Natawa siya. "Oo na. Ang sakit sakit magmahal." Sabi niya.

"Huwag kang mag-aalala. Makakahanap ka ng para sa iyo. Mas mamahalin mo siya ng lubusan kaysa sa akin at mas sasaya ka sa kanya. Malay mo nasa tabi mo lang pero hindi mo lang napapansin." Sabi ko.

"Paano kung ikaw na iyong para sa akin? Hindi ko pa kayang i-let go ang feelings ko sa iyo para sa iyo, Celeste." Sabi niya.

"What if lumabas tayo na tayong dalawa lang? Malay mo sa patuloy na pagkilala mo sa akin, malalaman mo na hindi pala ako ang inaakala mo." Sabi ko.

"Like date?" Tanong niya at tumango ako.

"Sasabihin ko kay Dusk lahat ng pinag-usapan at nangyari sa atin back in the camp. I don't like having secrets with Dusk. Sana lang ay maintindihan niya. Para naman sa iyo ito eh. Para malaman mo na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo." Sabi ko.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon