Part 38

2 0 0
                                    

Mga two hour ride din mula sa amin papunta sa province ng lola ni Hikaru.

Wala ng masyadong tao doon dahil nasa cementery halos lahat. Ngayon na ililibing ang lola ni Hikaru.

Nang makapasok kami sa bahay nila ay sinabi sa amin na nasa cementery si Hikaru ngayon kaya pumunta kami doon.

Bumili kami ni Dusk ng bulaklak para sa lamay ng lola ni Hikaru.

Pagkarating namin doon ay paalis na ang mga tao.

Nakita ko si Hikaru na nakatingin sa burol ng lola niya. Sobrang lungkot niya.

Lumapit kami sa kanya.

Pumunta ako sa tombstone ng lola ni Hikaru at nilagay doon ang isang piece ng bulaklak. Hindi na kami nakahabol noong ilalagay ang bulaklak sa loob ng libingan ng lola niya.

Bumalik ako sa gawi nina Hikaru at umiiyak na ngayon si Hikaru sa bisig ni Dusk. Siguro ilang araw din niyang kinimkim ang iyak niya.

Nang tumahan na si Hikaru ay inabutan ko siya ng tubig. Kinuha naman niya ito at ininom.

Nang medyo um-okay na siya ay inalalayan namin siya na maupo sa bench.

Inabutan ko siya ng pastry na binake ko.

"Kumain ka. Baka mag-alala ang lola mo nyan." Sabi ko. Napansin ko na namayat si Hikaru kahit isang linggo ko lang siyang hindi nakita.

Tinanggap niya ang binigay ko pero kakaunti lang ang kinain niya.

"Pwede bang iwanan ninyo muna akong mag-isa? Gusto ko lang mapag-isa." Sabi ni Hikaru.

"Sige. Uwi ka agad kapag naambon na ha." Sabi ko at umalis na kami ni Dusk.

Madagim kasi ang langit. Parang nakikiramay sa libing ng lola ni Hikaru.

Nararamdaman ko na close talaga sila ng lola niya. Bago kami umali ay lumapit siya sa grave ng lola niya at parang kinakausap ito.

Dumaan muna kami ni Dusk sa convenient store para magpagpag.

Since naandoon na rin naman kami, bumili kami ng snacks. Hapon na kasi nang makarating kami dito sa probinsya.

Mamayang gabi ay uuwi rin kami at baka hindi na kami makakain ng dinner dahil mahaba ang oras sa byahe.

"Anong gusto mo? May korean foods dito." Sabi niya.

"Kunin natin lahat ng variations? Nagugutom na ako eh." Sabi ko at tumango siya.

Pumunta ako sa chichirya section at kumaha ng chichirya. Pagkatapos naman ay sa cold drinks.

Parang gusto kong i-try ang coffee in can kaya pinili ko ito saka tubig.

Napadaan ako sa mga ice cream kaya pumili ako ng dalawa. Gusto ko iyong sandwich kaya pinili ko ito.

Lumapit ako kay Dusk at tinanong siya.

"Anong gusto mong flavor ng ice cream?" Tanong ko.

"Iyong vanilla na lang." Sabi niya at bumalik ako sa fridge.

Dahil gusto ko rin ng ice cream in cone, kumuha pa ako ng isa para sa akin.

Pumunta na kami sa cashier at binayaran ito.

Nang mabayaran na umupo kami sa isang table dito.

"Ang dami mo namang binili." Sabi niya.

"Eh gutom na gutom na ako eh. Saka gusto ko rin i-try itong mga bagong nakita ko dito." Sabi ko.

"Oh, dalawa pa ang ice cream mo?" Tanong niya at tumango ako. Napailing na lang siya.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Siguro dahil gloomy ang araw na ito.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon