Part 7

5 0 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay nila ay namangha ako kasi may kalakihan ang bahay nila.

Pagakapasok namin sa bahay nila ay may kaunting decorations ito. Parang silang family lang ang naandito.

"Hello Celeste!" Bati sa akin ni Ate Daisey.

"Hello ate!" Bati ko sa kanya sabay abot ng mga regalo ko sa kanya.

"Ang dami naman nito! Nag-abala ka pa!" Sabi niya sabay kuha nito.

"May regalo rin kasi si mama kaya marami." Sabi ko.

"Oh pati rin si soon mother-in-law? Pasabi thank you!" Sabi niya at namula naman ang mukha ako sa sinabi niya.

Nakita ko na dumating ang mga magulang nila papalapit sa amin.

"Welcome iha! Nice meeting you!" Bati sa akin ng mama ni Dusk at nag-beso.

"Nice meeting you too po!" Sabi ko.

Nginitian naman ako ng tatay ni Dusk.

"How's your trip, ma and pa?" Tanong ni Dusk.

"Okay lang. May hangover pa pero okay lang para sa birthday ng ate mo." Sagot ng tatay niya.

Nang makarating kami sa dining area ay maraming pagkain ang nakahain dito. May iba pa pala silang kasama. Mga kamag-anak nila.

"Oh who is this girl? She looks pretty!" Tanong ng isang bata kay Dusk at binuhat naman ni Dusk ang bata.

"June, this is Ate Celeste. Celeste, June, my cousin." Pagkilala sa amin ni Dusk.

"Hi Ate Celeste! Nice meeting you!" Sabi niya sabay ngiti. Kinurot ko naman ang pisngi niya.

"Hello! Ang cute mo!" Sabi ko.

Binaba na ni Dusk si June at pumunta na kami sa dining hall.

"Just get what you like dear then pasama ka kay Dusk kapag tapos na kayo kumain sa loob ng bahay." Sabi ni tita at nauna ng pumasok sa loob.

Pumunta na ako sa mga plates pagkatapos ay kumuha ng makakain. Ganoon don ang ginawa ni Dusk.

"Mukha marami kayong kamag-anak ah." Sabi ko.

"Oo. Inimbitahan nina mama at papa ang both sides ng kamag-anak nila kaya maraming tao ngayon." Sabi niya.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay umupo kami sa isang table. May lumapit naman kay Dusk.

"Bro! Long time no see!" Sabi ng lalaki at nag-hug silang dalawa.

"Yo! Kumusta na?" Tanong ni Dusk. Nagkamustahan silang dalawa. Patuloy lang ako sa pagkain ng may biglang lumapit sa akin na mga bata.

"We haven't seen you before ate. Are you dating our Kuya Dusk by any chance?" Tanong ng isang bata.

"No. We're just friends." Sabi ko.

"But you two don't look like one. You're more bagay together!" Sabi naman ng isa.

Nakita ni Dusk na kinakausap ako ng mga bata. "July! Stop bothering Age Celeste and play with your cousins!" Saad ni Dusk.

"Oh! So ate's name is Ate Celeste? So she was the one you were telling to us kuya, is she?" Tanong ni July. Hinila na lang ni Dusk si July sa mga pinsan nito.

Nang makabalik si Dusk sa table namin ay umupo ito. "Sorry for my couskn bothering you. Sadyang friendly lang siya." Sabi niya.

"It's fine. She's cute." Sabi ko.

"Nga pala, sadyang June at July ang pangalan ng dalawa mong pinsan?" Curious na tanong ko.

"Oo. Wala kasing maisip na name si tita kaya pangalan na lang ng months ang pinangalan niya sa nga pinsan ko." Sabi niya at natawa kamk pareho.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon