Part 35

1 0 0
                                    

Nang makabalik na ako sa cottage namin ay napansin ko na gising si Colette.

"Oh, gising ka pala." Sabi ko kay Colette.

"Nagising ako kasi may umalis sa tabi ko eh." Sabi niya. Magkatabi kasi kami ni Colette na matulog.

"Ah, kumuha lang ako ng tubig. Nauhaw kasi okay." Sabi ko.

"Okay ka lang ba Celeste? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin. Saka ko lang napansin na may luha na palang pumapatak sa mga mata ko.

"Wala lang ito. Napuwing lang ako." Sabi ko at pinunasan ang luha.

"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari bukas, makikinig ako. For now, matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas." Sabi niya at umayos ng higa.

"Sige, magpapahangin lang ako malapit sa beach." Sabi ko.

"Sige. Bilisan mo lang ah. Balik ka agad dito." Sabi ni Colette at natulog ulit.

Naglakad ako sa beach side. Tiningnan ko naman ang paligid ko kung may tao at nang wala akong taong nakita ay umupo ako sa sand.

Nakatingin lang ako sa stars at moon ngayon. Ang liwanag ng buwan ngayong gabi.

Bigla na lang akong umiyak. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Hikaru sa akin.

Akala ko okay na kami na magkaibigan lang, iyon pala ay hindi para sa kanya.

Umiikot sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Aagawin niya ako mula kay Dusk? Paano kapag nalaman ni Dusk na hinalikan ako ni Hikaru kanina?

Hindi ko namalayan na may tumabi sa akin. Akala ko noong una ay si Hikaru. Mabuti na lang at si Kayden ito.

"Oh Celeste, ikaw pala." Sabi niya.

"Oh ako nga." Sabi ko.

"Teka, naiyak ka ba? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko na namalayan at niyakap na lang siya.

"Kayden..." Naiiyak kong sabi.

"Tahan na. Ano bang nangyari?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

Nang medyo tumahan na ako ay sinabi ko kay Kayden ang lahat.

"Hayop na Hikaru iyan! Alam naman niyang kayo na ni Dusk pero nagawa pa rin niya iyon! Malilintikan siya sa akin bukas!" Galit na sabi ni kayden. Pinakalma ko siya.

"Huwag na. Kakausapin ko siya kapag ready na akong harapin siya. Hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Akala ko magkaibigan na lang kami pero hindi ko alam na ganoon na pala ang pagtingin niya sa akin." Sabi ko.

"Kahit na! Sinabi mo na naman na magkaibigan lang kayong dalawa. Akala ko ba may something sa kanila ni Autumn? Hinalikan nga niya ito kanina eh." Sabi niya.

"Tinanong niya ako kung may naramdaman daw ako habang hinahalikan niya si Autumn. Sinabi ko naman wala pero pilit niya pa ring tinatanong kung totoo ba ang sinasabi ko." Sabi ko.

"Alam mo, kung tunay siya na lalaki, dapat panindigan niya ang mga sinabi niya! Ipaliwanag mo sa kanya na hanggang kaibigan lang ang maituturing mo sa kanya." Sabi niya.

"Kakausapin ko siya mag-isa bukas. Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Dusk ang nangyari. Ikaw ang magsabi sa kanya kung kailan mo gusto." Sabi ni Kayden.

"Salamat Kayden ha. Mabuti na lang nagising ka at nailabas ko itong damdamin ko." Sabi ko.

"No worries. Naandito ako at ang mga kaibigan mo para samahan ka. Mabuti na lang pala at naisipan kong magpahangin dito sa beach side. Medyo nawala ang antok ko eh." Sabi niya.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon