Part 14

1 0 0
                                    

Nagpaalam ako kay Ate Daisey na hindi ako makakapasok ngayong araw at naintindihan naman niya ito. Sinabi ko na nagkalagnat si Dusk at nagpasalamat siya sa akin sa pag-aalaga sa kapatid niya.

Hapon na at naisipan ni Dusk na umuwi na sa kanila.

"Sige. Ingat ka." Sabi ko kay Dusk nang maihatid ko siya sa kanila.

"Salamat sa paghatid. Ako naman ang hinatid mo sa amin." Saad ni Dusk.

"Syempre naman! Para quits tayo!" Sabi ko at natawa kami parehas.

Umalis na ako nang biglang umambon. May narinig naman ako na yapak at may shadow ako na nakita sa ibaba.

"Ito payong." Sabi ni Dusk sabay abot sa akin ng payong.

"Salamat." Sabi ko habang namumula ang mukha ko.

"Sige. Babaeng kumakausap sa tulog." Sabi niya at tumako papasok ng bahay nila.

Teka! Hindi siya tulog kanina habang nagsasalita ako? Isip ko at mas lalong namula ang mukha ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho dahil hindi ako pumasok kahapon.

Bumungad agad sina Paisley at Brielle sa harapan ko.

"Bakit kaya hindi pumasok si Celeste kahapon?" Tanong ni Brielle.

"Balita ko ay inalagaan niya ang kapatid ni Ate Daisey?" Sabi ni Paisley. Napailing na lang ako sa dalawang ito.

"Teka lang. Pwede munang magbihis bago ang kwento?" Sabi ko. Natuwa naman ang dalawa at hinayaan akong magpalit muna ng damit.

Nang matapos na ako ay bumuntot agad sa akin iyong dalawa.

Nag-kwento ako noong wala masyadong customer.

Umupo muna kami sa isang table doon sa dulo.

"So anong nangyari? Spill the kwento na sis! Kanina ko pa gustong marinig ang sasabihin mo!" Sabi ni Paisley. Tumango naman si Brielle bilang pagsangayon.

Kinuwento ko sa kanila iyong nangyari simula ng nalaman ko na may lagnat si Dusk hanggang sa sinabi ko ang nasa isip ko habang "tulog" si Dusk.

"So... kinausap mo siya habang tulog siya?" Tanong ni Paisley. Tumango ako. 

"Sure ka ba na tulog nga siya?" Tanong naman ni Brielle.

"Iyon na nga. Nalaman ko kanina na narinig pala niya iyong mga sinabi ko." Sabi ko at kinilig naman iyong dalawa.

"Hala dzai! This is it!" Sabi ni Paisley.

"Trulalu!" Sabi naman ni Brielle.

Hindi ko sila ma-gets sa mga pinaggagagawa nila.

"Paki-inform ako kung ano ang nasa isip ninyo dalawa?" Tanong ko sa kanila.

"Girl! Ayan na iyong sign!" Sabi ni Paisley.

"Anong sign?" Nagtataka kong tanong.

"There is a possibility na umamin siya ng nararamdaman niya sa iyo!" Sabi ni Paisley habang kinikilig.

"Hay girl! Kung ako iyan, sobrang mae-excite ako! Sakto at malapit na ang Valentine's Day!" Sabi naman ni Brielle.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Oo nga ano. February 10 na ngayon.

Nawala sa isip ko na February na pala. Maglalabasan ang mga magjo-jowa.

May dumating na na mga customer kaya bumalik na kami sa pagtratrabaho.

Nang closed na ang coffee shop ay inayos na namin ito.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon