Part 13

2 0 0
                                    

Weeks have passed at araw na ng presentation namin na kagrupo ko si Hikaru.

"Ready ka na ba?" Tanong sa akin ni Hikaru. Kinakabahan kasi ako.

"Oo." Sabi ko.

"Calm down. Nakapag-practice naman tayo these past few days kaya magiging okay ang kalalabasan ng presentation natin." Saad ni Hikaru.

Ilang days kami nag-practice ni Hikaru at isa naming ka-groupmate sa presentation namin kaya medyo naging busy ako. Idagdag pa ang work ko sa coffee shop ni Ate Daisey kaya ginagabi na ako lagi ng uwi.

"Okay. Let's start." Sabi ng professor namin at napaayos ako ng upo.

May business proposal kami na ipre-present ngayon. Nag-provide din kami ng hard copy sa professor namin para may guide siya. I made sure na maayos ako mentally ngayon para hindi ako kabahan at ma-distract habang nagpre-present.

Nang kami na ang sunod ay sabay-sabay kami pumunta sa harapan ng klase.

After ng presentation ay nag-comment si ma'am ng mga kailangan pa naming i-improve but all in all ay okay daw ang business proposal namin.

"Class dismissed." Sabi ni ma'am at lumabas na kami ng room.

Pumunta ako sa CR para magpalit ng damit. Nagpalit kasi ako kanina ng formal attire kasi sabi ni ma'am ay magsuot kami ng ganoon para presentable.

Nang matapos na ako magpalit ay lumabas na ako. Nasa labas pala ng CR si Hikaru.

"Good job!" Sabi niya.

"Whew! Buti naging okay ang presentation natin! Worth it ang pag-practice ng ilang araw." Sabi ko.

"Syempre naman!" Sabi ni Hikaru.

Naglakad na kami papunta ng cafeteria. Lunch time na.

"What do you like to eat?" Tanong sa akin ni Hikaru.

Sinabi ko sa kanya ang gusto kong kanain at siya na ang nag-initiate na kumuha nito.

Habang hinihintay ko si Hikaru ay dumating sina Colette at Kayden ng sabay.

"Kayden! Ang tagal na noong huli nating kita." Sabi ko.

"Busy sa thesis." Sagot niya.

"Busy sa thesis o busy pakikipag-date?" Tanong ko at namula naman ang mukha ni Colette at Kayden.

"If I know, sinagot ka na ni Colette. Huwag ninyo ng itago sa akin. Halata naman dati pa." Sabi ko.

Nakita ko kasi na kinikilig si Colette habang nakatingin sa phone niya last time.

Naghawak-kamay sa harapan ko ang mag-jowa.

"Hindi na pala natin kailangan itago eh!" Sabi ni Kayden. Napailing na lang ako.

Pumunta silang dalawa sa counter at kumuha ng food. Dumating namansi Hikaru na may dalang tray.

"Dinamihan ko na ang gravy dahil alam kong favorite mo iyan." Sabi niya at nilagay sa harap ko ang pork chop with rice ay isang bowl ng gravy.

"Sobrang dami naman nito!" Saad ko.

"Napansin ko na ginagawa mong soup ang gravy kaya dinamihan ko na. Tiningnan tuloy ako na weird ng mga nasa pila." Sabi niya. Natawa na lang ako.

Nagsimula na kaming kumain. Napansin naman ng dalawa na may kasama ako kaya sa malapit na table sila umupo.

Ilang beses na kaming sabay kumain ni Hikaru ng lunch at lagi niya akong nililibre.

Nag-usap lang kami ni Hikaru habang nakain.

Nang matapos na kami ay pumunta na kami sa room namin. Magkaklase pa rin kami sa next subject.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon