Part 18

1 0 0
                                    

Nagswi-swimming lahat doon sa beach. Nagkwentuhan silang lahat doon. Mukhang close na agad si Colette kayna Paisley at Brielle samantalang nagtatawanan sina Kayden, Johann, Hikaru at Dusk.

Nag-volunteer akong pumunta sa restaurant para um-order ng lunch namin. Tinanong ko kung pwede kumain doon sa beach. Okay naman daw as long as doon sa may malaking table kami kakain. Sinabi ko na i-serve ang pagkain ng 12 PM.

Ngayon ay nakaupo lang ako sa sand habang nakatingin sa kanila. Nag-swimming na ako kanina pero tumirik na kasi ang araw kaya umupo na lang ako dito.

"Celeste! Halika dito!" Sabi ni Colette pero ngumiti lang ako at umiling.

Napansin naman ni Hikaru na mag-isa lang ako kaya sinamahan niya ako.

"Oh bakit ka mag-isa dyan? Nagkakatuwaan sila doon oh." Saad ni Hikaru.

"Wala lang. Gusto ko lang kayo panoorin." Sabi ko.

"Pagod ka na ba? Gusto mo ihatid kita sa vacation house." Sabi ni Hikaru.

"Huwag na. Okay lang ako. Nga pala, mamayang 12 PM ay ise-serve doon sa mahabang table ang lunch natin. Mabuti't pumayag sila na doon tayo kumain kaysa sa loob. Mas presko ang hangin sa labas." Sabi ko.

"That's good. Sasabihan ko lang sila na magtuyo na. Mukhang malapit na mag-12 PM." Sabi niya at umalis na.

Tumayo na ako at nagpagpag ng likod ko. Napansin ko na pumunta si Dusk sa gawi ko.

"Bakit ka hindi nagswi-swimming? Kanina pa kami nagkwe-kwentuhan doon." Sabi niya.

"Medyo wala ako sa mood mag-swimming ngayon eh." Sabi ko sabay hawak sa bandang tyan ko. Napansin naman ni Dusk ito.

"Masakit ba ang tyan mo?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango ako.

"Okay lang na tumalikod ka?" Tanong niya sa akin. Tumalikod naman ako sa kanya.

"Mayroon ka na." Sabi niya at kumuha siya ng towel para i-wrap sa ibabang part ng katawan ko.

"Mayroon na pala ako. Akala ko tyan ang masakit sa akin. Puson pala." Sabi ko.

"Irregular ba ang period mo?" Tanong niya sa akin at tumango ako.

"Paano mo naman nalaman ang mga bagay na ganyan?" Tanong ko sa kanya.

"Si ate kasi sa tuwing mayroon siya ay moody siya o minsan ay gusto niyang mapag-isa. Minsan pa nga ako ang pinabibili niya ng sanitary napkin niya kapag naubusan na siya kaya alam ko ang mga bagay na iyan." Sabi niya at tumango ako.

"Ihatid na kita sa vacation house. Magpalit ka ng damit. Dadaan ako ng convenient store para bilhan ka ng kailangan mo." Sabi niya at hinatid niya ako sa vacation house.

Habang nasa CR ako ay naisipan ko ng maligo. May kumatok naman sa pinto ng CR.

"Baks! Bigay ni Dusk. Kailangan mo daw ito." Sabi ni Colette at inabot sa akin ang isang paper bag.

"Pasabi kay Dusk salamat." Sabi ko at tumango siya.

Tiningnan ko naman ang nasa loob ng paper bag. May sanitary napkin, panty liner at feminine wash. May tissue pa.

Ang thoughtful naman ni Dusk. isip ko.

"Bakit ba nakalimutan ko magdala ng ganito? Hindi ko tuloy ine-expect na ngayon pa ako magkakaroon." Sabi ko.

Nag-ayos na lang ako saka lumabas ng CR.

Sabay-sabay kaming apat na babae na pumunta sa kakainan namin. Naligo na rin sila after mag-swimming para hindi sila sipunin.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon