Part 17

1 0 0
                                    

"Puro seafoods pala ang naandito saka inihaw." Sabi ni Johann.

Nang makaupo na kami ay kinuha ng waiter ang orders namin.

"Si Dusk pala? Hindi siya magdi-dinner?" Tanong ko kay Hikaru.

"Not sure. Pinuntahan namin siya kanina sa room pero tulog siya." Sagot ni Hikaru. Tumango ako.

Habang nakain kami ng dinner ay may napansin ako na isang lalaki na naglalakad sa isang table malapit sa amin. May umupo na babae sa harap ng upuan niya pagkatapos.

"Si Dusk ba iyon?" Tanong ni Paisley sa amin.

"Mukhang si Dusk nga iyon." Sabi naman ni Johann.

"Sino iyong kasama niya?" Tanong naman ni Brielle. Napailing naman kaming lahat.

Dumating na iyong order ng dalawa at hindi ko maalis ang mata ko sa kanila.

"Tama na ang titig baka matunaw." Sabi sa akin ni Johann. Napailing naman ako at nagpatuloy kumain.

"Ah! Nakakabusog ang dinner natin!" Sabi ni Brielle.

"Sa true! May pa-dessert pa!" Sabi naman ni Paisley.

"Maglalakad-lakad lang ako sa beach." Sabi ko sa kanila.

"Sige. Una na kami ni Brielle sa room. Pagod na ako kaka-swimming kanina." Sabi ni Paisley sa akin at pumunta na sila sa vacation house.

"Ako rin. Pagod na rin ako. Bye bye!" Sabi ni Johann at sumabay sa dalawa.

Napansin ko naman na kami na lang dalawa ni Hikaru ang natira.

"Should I join you? Medyo madilim na sa beach baka maligaw ka." Sabi niya.

Tumango ako. "Sure. Tara na?" Sabi ko at bago kami umalis sa restaurant ay tumingin ako kay Dusk at sa kasama niya.

Sino kaya iyong kasama niya? Isip ko.

Habang naglalakad kaming dalawa ni Hikaru ay may hawak siyang flashlight para makita namin ang daan. Siya lang ang ngkwe-kwento habang ako ay nakatulala sa kawalan.

"Nakakatawa 'di ba? Huy? Celeste?" Sabi ni Hikaru at natauhan lang ako ng i-wave ni Hikaru ang kamay niya sa mukha ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Ah okay lang ako. Ano pala iyong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina pa ako ngkwe-kwento dito pero mukhang hindi ka pala nakikinig." Sabi niya.

"Sorry. Medyo napagod lang ako kasi naglakad-lakad tayo tapos nag-swimming." Sabi ko. Tumango siya.

"Gusto mo bumalik na tayo sa bahay?" Tanong nya. Tumango ako.

Nang madaanan namin ang restaurant kung saan kami kumain kanina ay wala na si Dusk at iyong kasama niya.

Umupo muna kami ni Hikaru sa sala at inabutan niya ako ng tubig.

"Ito. Baka nauuhaw ka na." Sabi niya at nagpasalamat naman ako.

Nang matapos ko mainom iyong tubig ay inilagay ko ang baso sa lamesa.

"You want to watch a movie?" Tanong niya at binuksan ang TV na nasa harapan namin.

"Sige." Sagot ko.

Pumili lang siya ng movie doon.

"Teka lang ah. Maggagawa lang ako ng tea." Sabi ko kay Hikaru at tumango siya.

Habang nagpapainit ako ng tubig ay may pumunta sa may ref.

"Oh naandito ka pala." Sabi ko kay Dusk.

"Kukuha lang ako ng tubig. Bigla kasi akong nauhaw." Saad ni Dusk.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon