Part 20

2 0 0
                                    

"Eh kayo naman ni Dusk? Wala kayong ginawa habang kayo lang dalawa?" Tanong ni Colette. Nasa kwarto na namin kaming dalawa.

"Wala. Inalagaan lang niya ako." Sabi ko. Tumango siya.

"As expected. Maalaga talaga si Dusk sa iyo. Hindi mo ba napapansin? Napaka-thoughtful niya noong ibinili ka niya ng sanitary pads and such last tine tapos sinamahan ka niya kagabi. Speaking of kagabi, anong nangyari? Spill na!" Excited na sabi niya.

Sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Dusk. Kilig na kilig siya.

"Halata naman na may gusto sa iyo si Dusk! Mabuti't umamin na siya." Sabi niya.

"Bakit naman hindi mo sinagot iyong tanong niya?" Tanong niya.

"Manliligaw siya ano! Eh hindi ko pa nga sure kung more than crush ang nararamdaman ko para sa kanya." Sabi ko.

"Sabagay, lalo na't first time mo ma-experience ang ganyang bagay. Ako kasi since high school pa, kerengkeng na." Sabi niya at natawa siya. Napailing na lang ako.

Napaisip ako. "May tips ka ba kung paano mo malaman kapag gusto mo na ang isang lalaki?" Tanong ko sa kanya.

Napaisip namn siya. "Hmmm... Kapag bumabagabag na siya sa iyong isipan? Iyong tipong kahit sa pagkain, alam mo iyong gusto niya sa hindi. Minsan naman hinahanap mo ang presence niya. Namimiss mo soya sa hindi malamang dahilan. Mga ganoon." Sabi niya. Napatango ako.

"Minsan hinahanap ko ang presence ni Dusk. Madalas pa naman kami tumambay sa library kaya sa tuwing mag-isa ako ay hinahanap ko siya." Sabi ko. Tumango naman si Colette.

"Ano pa?" Tanong niya.

"Minsan hinahatid niya ako aa amin kaya minsan kusa akong naghihintay sa may gate kahit na wala naman siya doon. Tapos sa tuwing nagbabasa ako ng libro, naaalala ko kung gaano ka-seryoso ang mukha ni Dusk habang nagta-type sa tuwing napapatigil akong magbasa. Mga ganyang bagay." Sabi ko.

"Hmmm... I must say na may crush ka nga sa kanya. Pero hindi pa sapat iyan para masabing gusto mo rin siya." Sabi ni Colette.

"Have you ever think of Dusk in a romantic way?" Tanong ni Colette. Umaling ako.

"I guess hindi pa ganoon ka-deep ang pagkagusto mo sa kanya compared to Dusk's feelinga for you but I hope you realized it as soon as possible kasi ayaw mo naman paghintayin si Dusky boy." Sabi ni Colette. Tumango ako.

"Of course. Kaya pag-iisipan kong mabuti ang magiging sagot ko sa tanong niya." Sabi niya.

Natulog na kami parehas sa sobrang pagod.

Kinabukasan ay Wednesday na agad. Grabe, apat araw na pala ang lumipas.

"Good morning!" Bati ni Paisley sa amin t binati rin namin siya.

"Breakfast is ready! And coffee for the girl who doesn't eat breakfast is ready." Sabi ni Johann at nilagay ang last dish sa lamesa.

"Ako mismo ang nag-brew ng coffee na iyan. Mabuti na lang at may coffee maker dito." Sabi niya.

Humigop na ako ng kape. "Masarap! May cinnamon ba ito? Amoy cinnamon kasi." Sabi ko.

"Oo. Para maiba naman ang lasa ng kape mo. Lagi na lang black coffee eh." Sabi niya. Natawa naman ako.

Lumapit naman sa akin si Hikaru. "Okay na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

"Okay na." Sabi ko. Tumango naman siya.

Nagsimula na silang kumain habang ako ay nasa terrace. Nakaupo lang ako dito habang nainom ng kape at nakatingin sa beach.

Ang ganda ng view! Isip ko.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon