Part 15

1 0 0
                                    

Nag-ayos na ako para sa date namin ni Hikaru mamaya. Nagsuot lang ako ng simpleng yellow dress, naghikaw at nagsuot ng necklace. First date ko ito kaya nag-ayos talaga ako.

Hindi na ako nag-high heels tutal concert naman iyong pupuntahan namin kaya nag-sandals na lang ako.

Nang 5:45 PM na ay tumawag sa akin si Hikari.

"Ready ka na?" Tanong niya.

"Yup." Sagot ko.

"Alright. Nasa labas na ako ng bahay ninyo." Sabi niya.

"Ang aga mo naman!" Saad ko at sinuot na ang sandals ko.

Nang lumabas ako ay hindi ko makita si Hikaru. Tanging ang kotse lang niya ang naandoon.

Lumabas siya sa gilid ko saka inabot sa akin ang bulaklak.

"Hindi ko alam kung mahilig ka sa flowers pero pinili ko iyong pinakamaganda at mabangong bouquet na nasa flower shop. Sana magustuhan mo iyan." Sabi ni Hikaru.

Kinuha ko naman abg bouquet sa kanya. "Salamat." Sabi ko.

Nang nakasakay na kami sa kotse niya ay nilagay ko muna sa likod ang flowers na bigay niya sa akin.

Nang makarating na kami sa venue ay maraming tao ang nakapila. Pumila kami kung saan iyong VIP.

"This way po ma'am and sir!" Sabi ng staff doon at pumasok na kami.

Buti na lang at VIP seated ang kinuha ni Hikaru kaya hindi mahihirapan ang legs ko habang may concert na.

Umupo na kami sa designated seats namin. Nagpaalam sa akin si Hikaru na bibili siya ng inumin at snacks kasi ilang oras din kaming manonood ng concert.

Nang magsimulaa na ang concert ay diretso lang akong nanood at kumakanta habang nakanta rin sila. Ang saya pala manood ng concert.

"Sino ang mga single dito?" Tanong ng singer.

Marami naman ang sumigaw from the crowd.

"Sino naman ang kasama ang mga mahal nila?" Tanong ng isa pang singer.

Nagsigawan naman ang may mga jowa.

"Sino naman ang mga nasa getting to know stage? Or malapit ng sagutin?" Tanong pa nila.

Naghiyawan ang mga tao na nasa crowd.

"Next song na kakantahin namin ay 'Upuan!'" Sabi ng singer at nagsimula na kumanta.

Nakikanta rin ako. Hindi ko namalayan na nakatitig pala si Hikaru sa akin sa buong oras na nasa concert kami.

Nang matapos na ang concert ay nagpapicture kami sa banda ng Ben&Ben. Dahil VIP kami, may chance kami na makipag-interact sa kanila ng ilang minuto at magpa-picture.

Nilapitan kami ng isang bandmate.

"Mag-jowa ba kayo! Bagay kayo sa isa't isa!" Sabi niya.

"Nako hindi po! Magkaibigan lang po kami." Sabi ko.

Inakbayan naman ako ni Hikaru.

"Actually, sasagutin na niya ako mamaya. Thank you po!" Sabi ni Hikaru. Namula naman ang mukha ko.

After naming magpa-picture ay sumakay na kami ng kotse.

"Grabe! Nakita ko ng malapitan ang Ben&Ben tapos nakapagpa-picture pa tayo!" Sabi ko.

"Oo nga eh." Sabi ni Hikaru.

"Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" Tanong sa akin ni Hikaru.

"Ay oo nga pala. Before that, pwedeng kumain muna tayo ng dinner? Nagutom ako dahil buhos ang energy ko kakapanood kanina." Sabi ko.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon