Part 25

1 0 0
                                    

Nagpalit muna si Dusk ng damit. Ako naman ay naghihintay doon sa inupuan ko kanina.

Ngumiti ako nang dumating siya.

Dumating na rin ang order namin.

"Happy anniversary ma'am and sir! Here's your free food and drinks given by our coffee shop. Enjoy!" Sabi ng isang waiter doon nang mailagay niya sa lamesa ito.

Nagpasalamat kami sa kanya. Pinicturan pa niya kami dahil ipo-post daw nila ito sa Facebook page nila. Nagpa-picture naman kami.

After that ay umalis na ang waiterkaya nagsimula na kaming kumain.

"Kumusta naman ang pag-aasikaso mo sa Japan? Natapos mo ba lahat?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Binilisan ko talaga ang pag-aasikaso dahil alam kong may namimiss sa akin." Sabi niya at ngumiti ng nang-aasar.

"Umalis ka ng walang paramdam. Sa tingin mo hindi kita mamimiss?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam na tatagal ako sa Japan eh." Paliwanag niya.

"Kumusta naman ang mga linggo na wala ako?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang. Naging busy ako dahil sa work at sa pag-aaral. Kakatapos lang ng finals namin, ikaw ba? Nakakuha ka ng exam?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Binigyan ako ng mga professors ko ng special exam." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Gusto mo maglaro tayo sa arcade mamaya? Ang tagal din nating hindi nagkita." Sabi niya at tumango ako.

"Sige." Sabi ko.

Nang matapos na kami kumain ay pumunta na kami sa arcade. Bumili muna kami ng tokens at saka naglaro.

Ang una naming nilaro ay iyong may barilan. Favorite ko itong laruin at us versus iyong nasa screen ang mga kalaban namin.

Next naman na nilaro namin ay iyong basketball. Si Dusk ang nanalo sa aming dalawa. Palibahasa matangkad at malapit na niya maabot ang ring.

Sumunod naman na nilaro namin ay iyong cars. Tuwang-tuwa ako sa racing cars na ito.

Naglaro pa kami ng kung ano-ano doon hanggang sa mapagod kami.

Ang last ginawa namin doon ay pumasok kami sa isang karaoke room at kumanta.

"Anong kanta ang kakantahin mo?" Tanong ko kay Dusk.

"'Binibini' ni Zack Tabudlo." Sagot niya.

Nagsimula na ang minus one at kumanta na siya.

Bagay sa kanyang boses ang napili niyang kanta. Nakatingin lang siya sa akin the whole time na kumanta siya.

Nang matapos na siya ay ako naman ang kumanta.

Natawa siya nang mabasa ang title sa screen ng TV. 

"Seryoso? Iyan ang kakantahin mo?" Tanong niya.

"Oo! May dance steps pa!" Sabi ko at nagsimula ng kumanta.

Ang napili kong kanta na kantahin ay "Sumayaw Sumunod".

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon