P *28*

404 14 3
                                    

P *28*

Kinabukasan........

Katulad nang nakasanayan ay maaga akong pumasok sa paaralan. Ilang estudyante pa lamang ang nadatnan ko sa loob ng campus base sa katahimikan ng paligid. Hindi na yun bago sa akin dahil karamihan sa mga estudyante rito ay malapit nang magsimula ang klase sila pumapasok o 'di kaya'y late na. Typical na kaugalian ng mayayamang estudyante.

Agad kong binuhat si Tuning nang makita ito sa pintuan ng room ko, tila hinihintay ako. Nakangiteng hinaplos haplos ko ang katawan niya.

"Magandang umaga! Kamusta ang naging gising mo?" pagka-usap ko rito bagama't hindi niya ako masasagot.

"Meow! Meow! Meow!" sunod sunod na paggawa ng tunog mula sa kaniya.

Kakatuwang tila naintindihan ko ang kaniyang ginawang tunog dahil kusa akong napangite nang mas malawak ko.

"Ken!"

Iginalaw ko ang aking ulo paharap sa boses na pinanggalingan non. Agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan na naglalakad papalapit sa akin. Binati nila ako at ganon din ang ginawa ko pabalik.

"Usap tayo roon sa likod. Baka may makarinig sa atin," pag-aaya ni William at sumunod kami sa kaniya sa likod ng room namin kahit takang taka ako kung ano man ang pag-uusapan namin dahil wala naman kaming usapan kahapon na mag-uusap ngayon. Nagkanya kanya kaming uwi pagkatapos ng laban sa pagitan ng dalawang grupo kagabi.

Umupo kami sa malaking katawan ng puno roon. Pinakawalan ko si Tinang upang makapag-concentrate nang maayos sa anumang pag-uusapan namin ngayon ng mga kaibigan ko.

"Ano bang pag-uusapan natin?" pag-uumpisa ko ng conversation.

"Gusto lang namin tanungin kung anong alam mo tungkol kay Charlyn since nakasama mo na siya ng isang linggo," sagot ni Ron na diretsong nakatingin sa akin.

Napaisip ako at inalala ang mga araw na magkasama kami. "Halos kabaliktaran lahat ng mga naririnig ko tungkol sa kaniya ang mga nakita at naramdaman ko sa kaniya. Yung mga negatibong ibinabato sa kaniya ay hindi ko nasaksihan noong nakakasama ko siya," naalala ko kung paano niya ako inalagaan noong mga panahong nagkasakit ako, kung paano siya makipag-usap sa mga bata sa ampunan, at kung paano mag-alala ang mukha niya. "Mabait, may malasakit sa kapwa at maalalahanin siya, pero madalas moody," napatawa ako sa huli.

Napailing iling si Ron, "Hindi yan ang ibig kong sabihin o malaman."

Napakunot noo ako, "Eh ano ba?"

Naramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko kaya napatingin ako kay William, na siyang gumawa non.

"Grupong kinabibilangan ng kung ano mang nakakatakot ang tinutukoy ni Ron," sumulyap siya kay Ron. "Napanood mo naman kahapon kahit medyo madilim na kung paano siya makipaglaban. At nakakataka rin kung papaano niya nagagawang maging kalmado sa kabila ng mga matatalim na nakatutok sa leeg niya. Pre, kunting galaw lang niya, pwede na siyang mamatay," nanlalaking dagdag niya.

Sandali akong napaisip at inalala ang mga nangyari kagabi. "Hindi naman na kataka taka yun dahil kalat naman dito na napapaaway na siya noon pa. Pero inaamin ko kagabi na nagulat ako sa mga galaw niya sa pakikipaglaban," napahinto ako at naalala ang mga galaw niya sa tuwing may umaapi sa akin kasama siya. "Napansin ko ang mga mabibilis na galaw ng katawan niya sa tuwing ipinagtatanggol niya ako mula sa mga bullies na masyadong mabilis. Tila hangin na dumadaan sa paningin ko."

Napahawak sa nakaawang bibig si Ron, "Halla! Hindi kaya may powers siya?"

Nagkatinginan kami ni William at binatukan nito si Ron, "Baliw! Ang tali-talino mo, naniniwala ka sa mga ganyan!" singhal niya.

Inis namang hinimas ni Ron ang kaniyang ulo. "Tse! Nakita niyo naman kung gaano kalakas ang sapak ni Charlyn at agad pa na nakatulog yung kalaban niya sa isang beses na pagdampi ng kamao niya," patuloy na pangungumbinse sa amin.

Napatango tango naman si William, "May point ka. Hindi magagawa non ang isang babae na sa isang sapak lang ay napatumba na niya ang lalaki. Mabuti sana kung lalaki siya at malaki ang kamao nito, talagang malakas na energy ang magagawa nito. Pero babae siya at payat si Charlyn, maliliit ang kamao nito. Maliban na lamang kung may powers niya," nakahawak pa sa baba na nakatingin sa taas na wika niya.

Nagsalubong ang kilay ko sa mga pinag-iisip nila. "Mga baliw kayo! Kung ano ano ang iniisip niyo!"

Matapos ang pag-uusap naming iyon ay bumalik na kami sa aming room dahil nagsisidatingan na ang mga kaklase namin. Dumating na ang unang subject teacher namin pero wala pa ring Charlyn ang pumapasok. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pakikinig bagama't hindi na nawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi at napag-usapan namin kanina.

Natigil sa pagtuturo ang teacher nang walang sali-salitang pumasok si Charlyn dito sa loob habang nakayuko. Ang akala ko'y uupo siya sa tabi ko dahil doon siya umuupo noong nakaraang linggo. Ngunit nagtataka akong nakatingin sa kaniya nang umupo siya sa katabi ni Mark na nagtaka pero agad ding napalitan ng ngite.

Napalingon sa gawi ko si Charlyn at nagtama ang mata namin dahil hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kaniya. Binigyan ko siya nang nagtatanong na tingin pero mabilis niyang iniiwas ang paningin sa akin. Itinuon ko na lang ang mata ko sa guro namin nang ipagpatuloy nito ang itinuturo kanina.  Bagama't naramdaman ko ang mata ng dalawang kaibigan ko ay hindi na ako nag-abalang lingunin sila.

Buong maghapon ay hindi ako pinansin ni Charlyn bagama't hindi ako nagtangkang lumapit sa kaniya. Nag-aalinlangan din kase ako na baka hindi ako nito kausapin kapag lumapit ako. Hindi naman ako ma-pride, pakiramdam ko lang ayokong abalahin siya.

Nang uwian na ay mabilis siyang lumabas ng room. Agad kong inayos ang gamit ko at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya upang mahabol siya.

Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa kamay kong nakapatong sa balikat niya. Hindi ko napansin na napahawak pala ako roon. Inalis ko agad at nahihiyang tumingin sa kaniya.

"Mauuna na ako, Ken. May pupuntahan pa ako," anya na mabilis tumakbo papunta sa kotse niya at agad na pinaharurot ito.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko talagang iniiwasan niya ako. Napatingin ako sa kotse niyang umaandar palayo hanggang sa tuluyang mawala ito sa paningin ko. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot.

"Bakit mo ako iniiwasan?" wala sa sariling wika ko.

The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now