L *35*

348 13 1
                                    

L *35*

LUNES

"Ano yan? Pancake? Andami naman niyan!"

Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na tinititigan ang dala kong tray na may pancakes.

"Oo. Ibebenta ko kase. Birthday na ni Nanay bukas pero kulang pa rin yung ipon ko pambili ng cake."

Alas kwatro pa lang ng umaga nang bumangon na ako para magluto ng ibebenta kong pancakes. Mabuti na lamang at hinayaan ako ni Nanay na magluto nang ganoon kaaga at hindi na nag-usisa pa pagkatapos kong sagutin ang kaniyang tanong kung para saan ito.

Ito na lang ang marangal na pagkakakitaan na alam ko. Mas mabilis magkapera at sana lang ay mabili lahat. Ayoko namang mangutang sa dalawa kong kaibigan dahil marami na silang naitulong sa akin. At isa pa, gusto kong paghirapan ang pagbibigay handa kay Nanay.

Masyadong maaga pa nang pumasok ako kaya hindi na ako nagtaka nang ako pa lang ang andito sa room. Kakarating lang ng dalawa ko at agad na napansin ang dala ko.

Inakbayan ako ni Ron. "Hindi mo naman na kailangang magpakahirap para magkapera. We are willing to help you financially. Para naman kay Tita yang pinaghahandaan mo e."

"Oo nga. Parang wala naman kaming kwenta sa lagay na ito. Para saan pa't kaibigan mo kami. You should open up your problem with us," dismayadong gatong ni William.

Napangite ako sa minungkahi nila. Ang swerte swerte ko talaga dahil meron akong kaibigan na tulad nila.

"Huwag niyo sanang isipin na wala kayong pakinabang bilang kaibigan ko. Sa katunayan, marami na kayong naitulong sa akin. Gusto ko lang ngayon na paghirapan ang ibibigay ko kay Nanay."

"It's up to you. Bibili na lang kami niyan at sasamahan ka na magbenta."

Unti-unting nagsidatingan ang mga classmates namin. Mabilis nilang napansin ang benta ko at hindi nagdalawang isip na bumili. Halos lahat ng dumadating ay bumibili. Mabuti na lamang at sinamahan ako nitong dalawa kaya smooth ang nangyayari. Kalahati na lang ang natitira sa benta ko. Nakakatuwa dahil ang bilis!

"What's that?"

Hindi ko napansin ang pagpasok at paglapit ni Charlyn sa room dahil abala ako sa pag-asikaso sa mga bumibili.

"Benta ko na pancakes."

"Charlyn, bili ka na! Ang sarap! Tikman mo!" Si Miguel na inilapit ang  biniling pancake sa bibig niya. Inagaw naman iyon ni Charlyn at siya na ang mismong sumubo sa sarili.

"I'll buy five pieces."

Mabilis akong kumuha ng lima at inilagay sa supot. Iniabot ko iyon sa kaniya at nagbayad siya pagkatapos.

Nagsi-ayos na kami ng upo nang dumating ang first teacher subject namin. Masaya ako sa tuwing inaanyaya ng mga classmates ko na bumili sa tinda ko ang mga guro namin. Natutuwa naman ang mga guro sa tuwing nalalaman nila kung bakit ako nagbebenta. Para sa Nanay ko!

Nang dumating ang recess time ay napagdesisyonan kong maglibot libot para ibenta ang natitira. Sumama ang sila William at Ron sa akin gaya nang sabi nila kanina.

"Wait! I'll come with you guys!"

Napatigil kami sa sigaw na iyon. Nakita namin si Charlyn na mabilis na naglalakad patungo sa direksiyon namin. Napaki-igtad ako nang bahagya akong sindutin ng dalawa sa magkabilang tagiliran. Andoon na naman yung nanunukso nilang tingin sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin.

Sinimulan na namin ang paglilibot sa campus pagkalapit ni Charlyn. Marami ang bumibili at karamihan ay lalaki. Marahil sila ay may gusto kay Charlyn dahil agad silang bumibili kapag siya na ang may hawak ng tray. Malaki talaga ang tulong niya sa akin.

Tatlong piraso na lang ng pancakes ang natitira nang may limang grupo ng babae ang humarang sa dinaraanan namin, dahilan ng paghinto namin.

"Balita namin ay nagiging okay na sa Ball Section at ano tawag ng mga boys sayo? Queen?" Hindi ko malaman kung sarkastiko ba ang pagkakasabi ng isa sa lima.

Alam na agad namin na si Charlyn ang kausap nito. Wala namang ganang tinapunan sila ng tingin ni Charlyn. Inaya lang niya kami na kasama niya na sa ibang direksyon na lang kami dadaan.

Akmang aalis na sana kami nang hawakan nila si Charlyn sa braso dahilan para mapahinto kaming lahat. Kitang kita ko na sobrang higpit ang pagkakahawak at bumabaon ang malalaking kuko ng babeng nagsalita kanina.

"How dare you turned your back against us! I am still talking to you!"

Walang kahirap hirap na tinanggal ni Charlyn ang kamay ng babaeng humawak sa kaniya. Nanatiling malamig ang kaniyang tingin sa kanila.

"What do you want?"

"You! We want you to get out of this school!"

"Bhie that will not happen. Remember, she's the daughter of the owner of this school!" Sumabat ang isa.

"Ano ka ba bhie! Have you forgotten? Hindi siya anak ng may-ari. Ampon lang siya!" Nang-iinsultong pagsasalita nong isa nilang kasama.

Tinignan ko ang reaksyon ni Charlyn pero gaya kanina ay walang makikitang anuman kundi malamig na tingin. Napabuntong hininga siya na parang pinagpapasensyahan niya lang itong limang nasa harap niya. Muli niya kaming inaya na umalis ngunit napatigil ako nang hablutin ng malapit sa akin ang hawak kong tray. Akmang ihahampas niya ito kay Charlyn kaso mabilis na tumagilid ito upang umiwas. Tila naramdaman niya ang balak ng taong nasa likod niya!

Humarap siya sa babaeng nagtangka. Nagdilim ang kaniyang mukha nang makita ang tatlong pancakes na natira sa mga benta ko at ngayon ay nagkalat na sa sahig. Kinabahan ako nang mas naging seryoso ang kaniyang ekspresyon habang mariing nakatitig sa babae.

"Pick up those pancakes and eat them in front of me."

Hindi makapaniwalang tinignan siya ng babae. "What?! Are you insane? Ang dumi dumi na n'yan! And what kind of food is that? Gross!" Mahihimigan ang inis at pandidiri sa tinig ng kaharap.

"I don't care. Just do what I have said."

"Ayoko nga! Bakit hindi na lang Ikaw? Besides you look beggar. Asking for parents' love!"

Kinakabahan ako sa sagutan nilang dalawa. Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mukha ni Charlyn pagkatapos marinig ang sinabi ng kasagutan. Nanginginig na ang kaniyang mga kamay at nakakuyom na ito. Pinipigilan niya ang sarili na saktan ito. Kawawa itong babae kapag nagkataon!

"What's the problem here?"

Nakahinga ako nang maluwag  nang magsidatingan ang mga kaklase namin. Kasama nila ang grupo ni Hanz.

"Charlyn, anong nangyayari?" Nag-aalala si Hanz sa naabutang ekspresyon ni Charlyn. Ibinuka nito ang kamaong nakakuyom para pakalmahin ito.

Hindi nagpatinag si Charlyn sa presensya nila at mariing nakatitig sa babae. "Ipakain niyo sa kanila ang pancake na natapon."

Nagulat sila at tinignan ang lupa na kung saan andoon ang mga magkakahiwalay na pancake. Magsasalita sana ang mga babae nang samaan sila ng tingin ng grupo ni Hanz.

Hinatak naman ako ni Charlyn at tinalikuran sila. Nakabuntot naman sila Ron at William sa likod ko. Hindi ko man lang nakita kung papaano napunta sa kanila yung tray. Marahil ay pinulot nila iyon kanina habang nagkakasagutan ang dalawa.

"Ah Charlyn, bakit mo naman ipapakain sa kanila yung marumi na pancake?" Alam kong hindi ko na dapat pa tanungin ito pero nag-aalala ako sa mga babaeng yun.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin kami. Binitawan niya na rin ang kamay ko na hawak hawak niya kanina.

"Dahil hindi ako makakapayag na masayang ang pinaghirapan mo. K*ngina nila, luto mo yun!"

The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now