T *45*

313 13 1
                                    

T





Ingay sa paligid ang gumising sa natutulog kong diwa. Bagkus, nanatiling nakapikit ang mga mata. Kasabay ng pagkakaroon ng ulirat ay ang pag-alala sa huling nangyari sa akin.

Muli kong nakita ang sarili na binubugbog ng tatlong lalaki habang hawak ng tig-dalawang lalaki ang dalawa kong kaibigan na si William at Ron. Hindi ko malilimutan kung papaano ako balewalaen ni Charlyn sa gitna ng mapanganib kong sitwasyon. Kaya naman, nagbalik ulit sa akin yung sakit na naramdaman ko sa dibdib ko ng mga oras na yun. Ito yung sakit na hindi ko kilala, hindi ko alam kung saan nanggaling. Sakit na ayaw kong maramdaman dahil daig nito ang mga pasa dulot ng suntok.

Matapos non, ay wala na akong maalala pang iba.

Dahan dahan kong iginalaw ang aking mga daliri kong talaga nga bang nakaligtas ako. Kasabay non ay ang pagbukas ng aking mata na sinalubong ng puting kisame. Sandali akong nakatitig doon pagkatapos inilibot ang paningin. Doon nakita ko ang mga kaklase ko kasama ang dalawa kong kaibigan na siyang nangunguna sa paglapit sa akin.

"Gising na si Ken!"

"Wahhhh na-miss ka namin!"

"Thank God you're awake!"

"At last!"

Ilan lang yan sa mga narinig kong komento nila. Agad silang lumapit sa akin at niyakap na siyang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang kanilang biglaang aksiyon!

"Ahh!" Daing ko ng matamaan nila ang aking sugat.

Napakilos sila na lumayo. "Ay sorry, Ken. Masaya lang talaga kami."

Binigyan ko lang sila ng pilit na ngite. At bigla ay nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. "T-tubig......"

Nagkandauga naman si Ron sa pagkuha ng tubig at mabilis na inalalayan akong uminom. Naka-limang baso ako na parang noon lang natubigan ang lalamunan ko pagkatapos ng ilang araw.

"A-anong nangyari?" Pagbubukas ko ng uusapin tungkol sa huling nangyari bago ako mapunta rito sa hospital.

Tumukhin si William kaya sa kaniya ako napatingin. "They were a group of guy attacked us, specifically you because you are the only one they hit. And then, after a minute our classmates came up. I didn't know why they suddenly ran. As they let you go, that was the time we knew you already lost your conscious. Maybe it was because of the impact of their punch. We fastly brought you here, to the hospital."

Napatango tango ako kahit na alam kong kulang yung sinabi niya. Hindi niya nabanggit yung pagdating ni Charlyn at ang harap harapang pagpapamukha sa akin na wala lang ako sa kaniya. Mas lalo lang niyang pinatunayan dahil siya lang ang classmates namin na wala rito. Masama man ang pakiramdam ko sa isiping iyon ay hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin.

Nakaramdam ako ng kaba ng maalala ang mga magulang ko. Tiyak na nag-aalala na yung mga yun!

"Sila Inay at Itay, alam ba nila ang nangyari?"

"Yes. We informed them about your situation since they have right to know about what's going on with you," si Winz ang sumagot sa tanong ko.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napalunok ako ng paulit ulit. Ayokong nag-aalala sila sa akin!

"If you are going to ask where they are, well they just went back to your house to get some rest since they were here for three consecutive days. We knew they didn't have enough sleep so we volunteered to look after you and let them rest," pagsasalita ni Gino na parang nabasa niya ang nasa isip ko. Yun sana ang tatanungin ko kanina kung hindi niya ako inunahan na magsalita.

Muling umulit sa aking pandinig ang kaniyang sinabi. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko sa katotohanan na binantayan nila ako ng tatlong araw kaya naman kulang kulang ang tulog nila. Panigurado rin na pagod na pagod sila.

Pero ano?!

"Tatlong araw akong tulog?!" Gulat na gulat kong pagtatanong.

Isa isa ko silang tinignan at pagtango lang ang nag-iisang tugon nila.

"Pero bakit ganon katagal?" Wala sa sariling usal ko. "Paano na lang yung mga klase na hindi ako naka-attend?"

Narinig ko ang buntong hininga ni Ron kaya sa kaniya natuon ang paningin ko. "You are physically weak, Ken. The doctor said, you can only regain your energy through getting so much time to rest. Probably,  long sleep. The doctor assured us it is normal." Huminto siya saglit bago muling nagsalita. "About your classes, don't worry our teachers already know your situation and have consideration. Fortunately, you have no work as a President of Math and Science club these past days. All you need to do is to catch up with the lessons you missed after you get well."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Para akong nabunutan ng tinik. Napangite ako sa kaginhawaan.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya sabay sabay kaming napalingon doon. Pumasok ang isang doctor at ang dalawang nurse. Maya maya lang ay pinaulanan ako ng sangkatutak na tanong.

Matapos ang ilang minuto na pagka-usap sa kanila ay lumabas na sila. Bahagya nilang hinanap ang magulang ko para sila mismo ang magsabi sa kalagayan ko. Pero okay lang naman na sa akin muna raw habang wala sila. Babalik na lamang sa mamaya para kausapin sila. Ayon sa kanila ay pwede na akong lumabas bukas dahil maayos naman na raw ako. Nakabawi na ako sa lakas ko sa tatlong araw na pagtulog ko. Masaya naman ako dahil makakabalik eskwela na ako. Iyan lang ang tumatak at naintindihan ko. Hindi ko na alam ang mga ibang pinagsasabi nila kanina. Panay lang ang aking pagtango.

Kakalabas lang nila ay siyang pagdating naman ng mga magulang ko. Patakbo silang pumunta sa gawi ko para lamang yakapin ng sobrang higpit. Ininda ko ang sakit sa pagdikit nila sa sugat ko at matindi ang pagpipigil ko na hindi mapahiyaw. Ayoko kaseng mag-alala sila sa akin at humiwalay sa yakap. Miss na miss ko sila.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Okay na ba? Jusko, buti at gising ka na anak ko." Naluluhang sambit ni Inay pagkakalas sa yakapan namin. Titig na titig siya sa akin habang nakahawak sa kamay ko.

Ngumite ako. "Maayos na po ako. Sa katunayan kagagaling lang ng doctor dito at sinabi niya na pwede na akong umuwi bukas."

Ginulo ni Tatay ang buhok ko. "Mabuti naman dahil miss na miss ka na namin. Aba, ginawa mong bahay itong hospital sa tagal ng pagkakatulog mo rito ah."







Hindi ako makatulog kinagabihan. Mulat na mulat ang mata ko at gising na gising ang diwa. Siguro'y sobra sobra na ang tulog ko kaya hindi ako dalawin ng antok. Ang tahimik na ng paligid, patunay na gabing gabi na.

Umuwi na ang mga classmates ko kasama ang dalawa kong kaibigan. Sila Itay at Inay na lang ang narito para bantayan kami at sabay sabay na uuwi bukas. Nakahanda na rin ang mga gamit ko.

Inaamin kong hinihintay ko ang pagdalaw niya. Ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita. Nahihiya naman akong magtanong sa mga classmates ko. Wala na talaga siyang pakealam sa akin. Wala sa sariling napangite ako ng mapait.

Napatingin ako sa mga magulang ko na nakaupo sa maliit na sofa. Malalim ang kanilang paghinga, pahiwatig na nasa gitna na ng pagtulog. Dahan dahan akong tumayo habang nakataas ang isa kong kamay na nakahawak sa dextrose. Naisipan kong lumabas para magpahangin.

Nasa kalagitnaan ako ng hallway nang may mahagilap ang mata ko sa isa sa mga room na nadaanan ko. Napahakbang ako pabalik para makumpirma kong tama ba ang nahagip ng mata ko. Bahagya akong lumapit sa salamin non at tinitigang maigi ang mga nakahiga sa kwartong iyon.

Napakunot ang noo ko nang makumpirma na sila nga iyon. Nakahilera ang magkakatabing kama. Dahil sa nakabukas na ilaw ay nakikita ko nang maigi ang kanilang pamilyar na mukha. Kahit puro para na halatang binugbog ay namumukhaan ko pa rin sila.

Ang mga lalaking bumugbog sa akin!

The Playgirl In Boys Section ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin