N *37*

348 20 0
                                    

N *37*

Pagkatapos ng klase ay agad kaming nagtungo sa bahay. Napagdesisyonan ng mga classmates ko na sabay sabay kaming pupunta sa bahay namin. Gaya nang sinabi ko kahapon na after class gaganapin ang munting celebration sa kaarawan ni Nanay.

"Ah daanan natin yung Ate Candy's Cake shop. Bibili lang ako ng cake," saad ko nang maalala na hindi pa nga pala ako nakabili ng handa.

Nakasakay ako sa kotse ni Ron kasama si William. Iisa lang daw ang destinasyon namin kaya makikisakay na lang ako sa kanila.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang marating namin ang binanggit na shop. Napatingin ako sa likuran at nakita ang sampung kotse na lulan ang mga kaklase ko. Napahinto sila dahil ang kotse ni Ron ang sinusundan nila. Napailing ako sa kagalantian nila.

"Inyong anak na lang po ang ilalagay niyo," sagot ko sa tanong niya kung anong ilalagay sa from sa ibabaw ng cake.

Agad kong inabot ang bayad na inipon ko. Nakangiteng bumalik ako sa sasakyan. Coffee yung flavor ng pinili kong taste ng cake. Ito ang favorite ni Nanay!

Mabilis na nagkumpulan ang mga tao sa bungad ng aming compound at isa isang pinarada ang kotse sa parking area roon. Halos hindi na magkasya dahil sa daming sasakyan. Panigurado kase na mahihirapang ipasok ang kanilang kotse sa palooban sa sikip nito. Nababahala ako na baka magasgasan ang magagara nilang awto.

Napuno ng bulangan sa paligid nang bumaba kami. Ang mga ka-edaran namin ay tila kinikilig na nakatingin sa mga classmates ko. Ang mga bata naman ay panay ang pagbati sa kanila na sinusulklian naman ng ngite at kaway ng mga classmates ko. Masasama naman ang tingin ng mga kalalakihan na animoy naghahamon ng away.

"Grabe, feeling ko artista na ako!" Humahagikgik na usal ni Frits.

"Nakakatakot naman. Parang anumang oras, susunggaban na tayo ng mga babae. Ang gwapo kase natin! Bwahahahahaha!" Pagsasalita ni Leo na kinikindatan pa ang mga kababaihan na halos mangisay sa kilig ang mga ito sa kaniyang ginagawa.

"Pero bro, tignan niyo yung mga lalaki. Parang gusto na nila tayong resbakan." Si Winz na nakatutok ang tingin sa kalalakihan.

Tinapik siya ni Gino, "Hayaan na lang natin sila. Pero kapag kinanti tayo, hindi tayo uurong. Fight!"

Nagsimula na akong maglakad patungo sa loob na agad namang sumunod ang mga classmates ko. Naririnig ko pa rin ang mga komento nila sa lugar namin. Bagama't mga anak mayaman sila, hindi naman kakikitaan ng pandidiri sa mukha nila. Para bang sanay na sila makapunta sa ganitong lugar. Hindi na yun kataka taka dahil kung saan saan sila napapaaway.

"Nanay, tatay, andito na po kami!" Pag-anunsyo ko nang nasa bakuran na namin kami.

Pinaupo ko ang mga classmates ko sa malaking kama na gawa sa kawayan doon para makapagpahinga sila. Lumabas si Nanay at Tatay. Nakasuot lang sila ng simpleng damit, lalo na si Nanay na parang walang espesyal na okasyon ngayon sa kaniya. Ngunit hindi nakasagabal iyon upang hindi makita ang magandang itsura nito.

Tumayo ang mga classmates ko at sabay sabay na kumanta ng Happy Birthday nang inilabas ko ang cake mula sa bahay nito. Kinuha ang lighter sa bulsa at mabilis na sinindihan ang kandila. Lumapit ako sa kaniya at nakisabay sa pagkanta.

Naluluha naman siyang nakatingin sa akin at inilibot ang mata. Hinipan niya ang kandila matapos naming kumanta.

"Maraming salamat sa inyo," madamdaming usal niya. "Naku, diyan na muna kayo at ihahanda ko lang ang makakain natin. Ken, samahan mo na lang muna sila dito sa labas. Kami na ng Tatay mo ang bahala."

Tumango lang ako at ibinigay sa kaniya ang cake. Pumasok siya sa loob kasama ni Tatay at ako naman ay hinarap ang classmates ko.

Napatingin kami sa babaeng naglalakad malapit sa amin. Palinga linga siya na parang may hinahanap. Napahinto siya sa paglalakad ng mapadako ang kaniyang tingin sa kinaroroonan namin at mabilis na humakbang papunta rito.

"Charlyn, hindi namin napansin na hindi ka pala nakasama kanina papunta rito."

"Oo nga! Buti na lang natagpuan mo kami rito at hindi ka naligaw."

"At hindi ka pinagkaguluhan ng mga kalalakihan sa bungad!"

"Sakto lang ang dating mo. Hindi pa nagsisimula ang kainan."

Pinaulanan siya ng sangkatutak na komento mula sa mga classmates namin. Tinapunan lang niya ng tingin ito at napabuntong hininga. Ang akala ko'y magbibigay siya ng saloobin tungkol sa mga sinabi nila pero hindi. Tinitigan niya lang ako habang nasa bulsa ng kaniyang palda ang mga kamay niya.

Inilabas niya ang kaniyang cellphone nang mag-ring ito. Napakunot ang kaniyang noo at bakas din ang iritasyon sa mukha.

"Okay, I'll be there within 15 minutes," yun lang at ibinaba na ang cellphone.

"Charlyn......"  tawag ko habang nakatitig siya sa akin.

Napabuntong hininga siya ng mahaba. "Dad wants me to be there at the mansion. Just send your Mom my greetings and wait for my gift for her. It will arrive within minutes. I'm sorry, I really have to go."

Magsasalita pa sana ako upang ayain man lang na kumain muna pero mukhang importante talaga ang lakad niya at kailangan nang umalis. Ngumite na lang ako at ipinakita na naiintindihan ko siya para hindi masama ang pakiramdam niya sa hindi pagsama sa amin na kumain at celebrate.

"Ayos lang. Ingat."

Isa isa niyang binigyan ng tango ang mga classmates namin na binigyan naman siya ng ngite. Patakbo siyang umalis, ganon na siguro kaimportante ang presensya niya na dapat maka-uwi siya agad agad.

Saktong tapos na sa paglalabas ng mga handa si Nanay at Tatay nang may tatlong grupo ng lalaki. Ang dalawa ay buhat buhat ang napapalibutan ng puti, na hugis baboy. Ang isa naman ay may hawak na papel at siyang taga-bigay ng instructions.

"Manong, dyan na lang po sa lamesa. Salamat." Si Miguel na nakangite na ngayon.

"Sir, pakipirmahan na lang po yung tapat ng pangalan niyo." Anang tagapagbigay ng instructions matapos ilapag ng kasama niya sa nasabing kalalagyan.

Nagpasalamat sila sa isa't isa at mabilis na umalis sa harapan namin.
Hinarap naman ni Miguel si Nanay na nagtataka.

"Hindi po namin alam kung anong gusto niyo kaya handa na lang po ang ireregalo namin. Letchon baboy po!"

"Happy Birthday po ulit!" Sabay sabay na bati ulit ng mga classmates ko.

Nagtubig ang mata ni Inay at akmang magsasalita nang may dalawang lalaking nakaputi ang may hawak ng bouquet of flowers. Nanlaki ang mata ko nang sa loob noon ay nakahilera ang tig-iisang libo!

"Magandang hapon po. Kayo po ba si Ken Lhord Zamora?"

Tumango ako, "Opo."

"Ah eto pala yung inorder ni Ms.Charlyn sa amin. Hindi niya alam ang pangalan ng Nanay mo kaya sayo ko na lang i-aabot."

Tinuro ko si Nanay na nasa likod ko lang. "Ah heto po yung Nanay ko."

Napatingin sila sa itinuro ko at lumapit dito. "Happy Birthday po, Nay. Eto nga pala  yung regalo ni Ms. Charlyn."

Nanginginig ang kamay ni Nanay na inabot ang bouquet at tuluyan ng tumulo ang kaniyang luha.

"38,000 po yung pera since 38 years old po kayo."

Matapos magpasalamat sa isa't isa ay agad na silang umalis. Nagsimula nang buksan ng mga classmates namin ang letchon baboy. Samantalang kami nila Nanay, Tatay, at ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga regalo nila.

Ang yayaman naman ng mga 'to!

The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now