O *47*

318 12 2
                                    

47



Gaya ng mga nagdaang araw, hindi na naman ako nakatulog nang maayos kakaisip sa mga bagay bagay. Magmula talaga nang madiskubre ko sa sarili kung ano si Charlyn sa puso ko ay wala na akong sapat na tulog. Lagi akong binabagabag ng kung ano-ano.

Bangag na inilapag ko ang aking bag sa aking upuan at wala sa sariling umupo. Inilagay ko ang aking mga kamay sa armchair at yumuko, iidlip saglit habang wala pa ang guro namin. Inalis ko lahat ng bagay sa isip ko dahil pagod na pagod na ang utak ko. Gusto ko na itong ipahinga.

Nang i-announce na wala ang mga guro namin sa dalawang unang subject ay nagtungo ako sa library para doon aralin ang mga na-miss kong subject nung nasa hospital ako. Nung hapon ay binigyan nila ako ng modules, naroon na rin ang mga sasagutan ko. Ayos lang naman sa akin na marami ang sasagutin dahil mabilis naman akong matuto.

Nalipat ang tingin ko sa babaeng hirap na hirap abutin ang libro sa shelf. Masyadong mataas ang parte at hindi kakayanin ng height niya. Marahang inilapag ko ang libro na hawak at nagtungo sa direksiyon niya.

Kinuha ko ang librong inaabot niya kanina at nakangiteng inilahad sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin kaya nagsalita na ako.

"Napansin kong nahihirapan kang abutin yung libro kaya tinulungan kita."

Dahan dahan niyang hinawakan ang libro mula sa pagkakalahad ko. "S-salamat."

Mas lumapad ang ngite ko at mabilis na nagpaalam. Ramdam ko ang mga mata niya hanggang sa bumalik ako sa kinauupuan ko. Pinilit ko na lang na huwag pansinin iyon at ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Napaigtad ako nang ginulat ako nila Ron at William. Muntik ko ng mabitawan yung cookies na kinakain ko. Inayos ko ang eyeglasses ko. Andito ako ngayon sa cafeteria. Dito ako nagtungo pagkatapos maubos ang dalawang oras kong bakante.

"Okay na yang mga sugat mo?" Tanong ni William pagkaupo sa tabi ko, ganun din si Ron sa kabila.

"Naghihilom na."

"Eh yang puso mo? Naghihilom na rin ba?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang laman ng tanong niya.

"Oh c'mon Ken, you can't keep secret  from us. We've been friends for how many years."

Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Maya-maya pa ay bumaling ako kay Ron nang may maalala akong itanong.

"Ron, nakita ko yung mga bumugbog sa akin sa hospital, maraming pasa sa mukha. Halatang binugbog."

"Maybe they got into trouble?" Si William ang sumagot.

"Hindi kaya mga classmates natin ang may kagagawan nun?" Pagbibigay ideya naman ni Ron.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam. Tatanungin ko na lang sila."












Gaya nang sinabi ko ay tinanong ko sila nung nagluluto kami para sa lunch namin. Sinuguro kong hindi magtunog nambibintang ang tinig ko dahil hindi naman yun ang intensiyon ko.

"Ha? We did nothing to them. We let them after they got scared and ran. And we fastly brought you to the hospital," kunot noong sagot ni Gino. Kita ko naman sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

"Why are you asking?" Pagtatanong naman ni Fritz.

"Kuryos lang at naawa lang ako sa kanila."

"Ts! Bakit ka naawa sa mga yun eh sila ang bumugbog sayo?"

Sumingit na rin si Manuel, "Oo nga. Palibhasa, anghel ka e."

Napailing ako, "Kahit ganun ang ginawa nila sa akin ay hindi pa rin nila deserve yun."

"Hayaan mo na lang kase yun, Ken," pagsasabat ni William na kanina lang ay naghihiwa ng sibuyas.

"Ano rin kase e. Yung reaksyon nila nung dinalaw ko sila kahapon. Takot na takot sila nang makita ako," pagbanggit ko sa napansin ko.

"Scared? Why they reacted like that?"

"Yun nga rin ang pinagtataka ko e."

"Stop thinking them. Why did you visit them? Ts, 'wag masyadong maging mabait."

"They're right. What happened to them is what we called karma."

Nabigla ako nang marinig ko ang boses ni Charlyn galing sa bungad. Walang emosyon na diretsong nakatingin sa akin habang nasa bulsa ang parehong kamay. May kamay na umakbay sa kaniya at inilipat ang tingin sa nagmamay-ari nun. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita ko ang masayang mukha ni Hanz.

"Oh? Andito pala kayo. We thought you two will have a lunch outside. Mabuti na lang at marami ang niluluto namin," litantya ni Winz na siyang nagluluto ngayon.

Hindi ko alam kung papaano kakain habang nararamdaman ko ang presensya niya. Matagal na kase mula ng makasabay namin siyang kumain dahil sa isang linggo niyang absent at nang maging sila ni Hanz ay sa labas na siya kumakain kasama ito. Iyon din ang araw na pumasok ulit siya. Mabuti na lamang ay kinakausap ako ng dalawa kong kaibigan na katabi ko kaya nalilipat sa kanila ang atensiyon ko.

"How's your relationship?"

Napatingin kami kela Charlyn at Hanz dahil sa tanong ni Mike. Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon ng ice cream bilang dessert. 

Ngumite ng malaki si Hanz at inakbayan si Charlyn na kasalukuyang nakatitig sa kawalan, malalim ang iniisip. "Getting stronger. Right Charlyn?"

Kumunot ang noo nito at doon tinignan si Charlyn at bahagyang pinisil ang braso. Doon lang natinag si Charlyn at agad na napunta ang tingin sa akin saka ibinaling kay Hanz. "Why?" Kuryos na tanong niya.

"Are you with us?"

Nag-iwas siya ng tingin, "Yeah."

Kahit gusto pang magtanong ni Hanz ay pinili na lamang niyang hayaan si Charlyn dahil muli na naman itong tumulala sa kawalan habang kumakain ng ice cream. Nagpatuloy naman sa pagkwekwentuhan ang mga kasama namin hanggang sa napunta sa usapan na naging dahilan ng pagkabigat ng dibdib ko.

"You guys already 'did' it?" May ngise sa labi ni Gino, nang-aasar.

Mas lalong lumaki ang ngite ni Hanz at pumula ang mukha niya. Napakagat din siya sa labi na animoy pinipigilang mapangite ng sobra. Ngunit hindi sinagot ang tanong.

"Oy, ano? Ginawa niyo na? Hahahahaha nice!"

Umugong ang kantyawan ng mga kaklase namin. Napalunok at wala sa sariling napatayo dahil sa hindi mapangalanang negatibo na pakiramdam ang bumabalot sa loob ko. Bago makalayo ay narinig ko ang boses ni Charlyn na siyang nagpawala ng bigat sa akin.

"We didn't do that and we don't have plan to do that."

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon