Y *31*

383 16 0
                                    

Y *31*

"Paparating na siya! Ihanda niyo na ang lahat!"

Nataranta kami lahat sa hiyaw ni Miguel na nagsilbing bantay namin sa pagdating ni Charlyn. Mabilis naming tinapos ang dapat tapusin at niligpit ang kalat.

Pagkarating sa room ay nagulat ako na halos andito na lahat ng classmate namin, na ngayon lang nangyayari. Abala sila sa pag-decorate sa room. Ang mga upuan ay nasa gilid at may malaking mesa sa gitna nang maabutan ko ito. May mga nakalatag na dahon ng saging at punong puno ng masasarap na pagkain.

Sinabi sa akin nung dalawa kong kaibigan na handa para sa pagkapasa ni Charlyn sa mga quizzes noong nakaraang linggo. Nagulat nga rin ang dalawa dahil hindi nila akalain na ma-iisip nila ang gan'tong ideya. Dahil sa nalaman ay tumulong na rin ako.

Inilibot ko ang tingin kung okay na ba ang lahat. Nakasara ang mga bintana upang hindi niya makita ang kung nasa loob if ever man na sumilip siya. Bukod doon ay iniharang ang kurtina na kanina lang inilagay. Ang black board ay may sulat na "Congratulations Queen ng Section Ball! " May mga nakasabit na balloon sa ceiling at para itong nakalutang lang dahil kulang puting sinulid ang ginamit na pangtali. Ang kinalabasan ay simple kaya malinis tignan.

Naghilera kami sa magkabilang gilid ng pinto nang ilang hakbang na lang ay makakapasok na si Charlyn. Pinindot ang confetti na hawak ng dalawang classmate sa magkabilang gilid nang tumapat si Charlyn sa bungad ng pintuan. Sumabog ang makikinang at maliit na plastik.

"Congratulations Queen!!!" Malakas at sabay sabay naming pagbati sa kaniya.

Nagulat siya sa nadatnan at medyo napaatras. Naguguluhan siyang tinignan kami isa isa. Magtatanong na sana siya nang tuluyan siyang ipasok ni Frits sa loob upang makita ang ginawa namin. Nakangite lang kami habang inililibot niya ang tingin sa buong room. Ang malamig niyang mata ay unti-unting natunaw nang mabasa ang nakasulat sa blackboard.

"Para yan sa pagpasa mo sa mga quizzes mo," usal ni Miguel. Naramdaman niya siguro na magtatanong si Charlyn kung para saan ang mga nasa paligid niya kaya inunahan niya na ito.

Nasa gitna siya at nasa gilid lang kami, hinihintay ang magiging tugon niya. Humarap siya sa amin at dahan dahang napangite. "Thank you for throwing a simple celebration. I appreciate all your efforts and time for making this."

Mas lalong lumaki ang ngite namin dahil nagustuhan niya. At sinsero ang kaniyang pagkakasabi.

Lumapit sa kaniya ang mga iilan na nakabangayan niya nitong mga nakaraang linggo. Iyon yung mga nambubuyo sa akin noon at pinagbuntunan nila siya dahil sa pagtatanggol sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago ang mga tao sa paligid dahil nag-sorry lahat ng nam-bully sa akin kanina. Tinanggap ko iyon kaagad.

'Napatawad ko na sila una pa lang kahit hindi sila huminge ng tawad.'

"We're sorry for everything we did to you these two weeks. I know we became rude to you. We already asked for Ken's forgiveness and immediately accepted it. We are hoping you will do the same," sinserong saad nong isa, umaasa talaga na mapapatawad sila nito agad.

Napaangat ng tingin sa akin si Charlyn bago tinignan ang nasa harap niya. "Forgiven. And besides I am aware of my mistakes."

Matapos ang pangyayaring iyon ay agad kaming kumain. Walang ginamit na kutsara at tinidor, tanging kamay lang pangsubo. Magkakaharap na pinagsaluhan ang nakahandang pagkain sa mahabang dahon ng saging. Oo, nag-boodel food fight kami!

Bahagya pa akong nagulat dahil alam ko kung gaano karangya ang kanilang buhay pero game na game sila sa gan'tong klase ng kainin. Walang Arte sa katawan, pate na rin ang nag-iisang Reyna sa section namin. Mas ikinagulat ko pa na nakisalo ang aming first subject teacher sa amin nang maabutan kaming kumakain pa rin. Ang inaasahan ko ay magagalit siya ngunit kabaliktaran ang nangyari.

Agad naming niligpit ang dahon at mga ginamit pagkatapos kumain. Hinayaan na namin ang mga lobo na nakasabit dahil puputok o liliit din ito kapag tumagal.

Masayang kaming nakinig sa sumunod na teacher na pumasok. Nagulat pa ang aming teacher dahil sa pagbati naming lahat pabalik sa kaniya. Kadalasan kase ay kaming tatlo lang nila William at Ron ang gumagawa noon. Hindi rin sila gumawa ng ingay o gulo sa loob, bagay na ngayong araw lang nangyari. 

Nakakabigla ngunit maganda ang nangyayari. Sana ay magtuloy tuloy na ito.

Lumipas ang oras na ganoong nga ang nangyari. Nakakapanibago pero lubos kong nagugustuhan. Lunch break na kaya nagsipunta na sa cafeteria ang mga classmates namin.

Dali dali namang lumapit ang dalawa kong kaibigan. Alam kong kahit sila ay nagtataka sa biglaang pagbabago ng mga classmates namin.

"Totoo ba talaga itong nangyayari? Isang himala ang kanilang magandang pagbabago," hindi pa ring makapaniwala si Ron.

Nakita ng dalawa kong mata ang aking alagang pusa at mabilis siyang binuhat. Andito kami ulit sa likod ng room namin. Madalas na kaming pumupunta rito para lang mag-usap na hindi nalalaman ng iba.

"Hindi ko naman maramdaman na nagpapanggap lang sila dahil kitang kita ang sinseridad sa kanila," pagkomento ko.

Hinaplos haplos ko ang malambot na katawang ni Tuning. Ibinaba ko ito at inilabas ang baon na tinapa. Inilapag ko iyon sa harap niya na mabilis niyang sinunggaban. Marami akong nakain kanina at ngayon ay busog pa rin ako kaya ibibigay ko na lang lahat sa kaniya ang baon ko.

Tumayo ako at hinarap ang dalawa. "Lahat ng tao ay pwede magbago. Walang impossible," pagpapatuloy ko.

Tumango tango ang dalawa. "Sabagay, baka na-realize na nila yung mga mistakes nila at nagsisi na sila. " Si William na bahagyang yumuko para haplusin si Tuning na busy sa pagkain.

"Ganon din yung nangyari kay Charlyn. Hindi ko na siya nakikitang nakikipaghalikan sa kung saan saan at kaninong lalaki. Marami rin akong nababalitaan na nagrereklamong lalaki dahil hindi na siya sumisipot sa mga date," pagsasali ni Ron sa pangalan ni Charlyn.

Napatigil si Ken nang maalala ang sinabi ni Charlyn noong Linggo.

"I stopped dating guy since I met you."

The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now