59

302 9 4
                                    

59


"Ken!!!!"

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malakas na sigaw ni Ron. Kunot noo ko siyang tinignan, nagtataka sa pagtaas ng kaniyang tinig samantalang magkatabi lang naman kami.

"Bakit ka naninigaw?"

"Eh kanina pa kase kita tinatanong pero hindi ka sumasagot at tulala ka lang dyan. 'Diba, William?"

Naramdaman ko ang braso ni William sa aking balikat. "Yeah. Problem?"

Umiwas ako ng tingin. "Wala. Ano nga pala yung tanong mo, Ron?"

"Tinatanong namin kung bakit mo iniiwasan si Charlyn. Akala mo hindi namin napapansin 'yon ah."

Napatigil ako. Iyon ang iniisip ko kanina at problema ko. Hindi pa rin nawala sa isip ko yung nalaman ko nang dukutin ako ng ama ni Hanz. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan ko siya dahil sa nalaman kung siya ang pumatay sa Nanay ni Hanz.

Hindi ko rin alam kung ano ang buong nangyari dahil dala ng pagod at sakit ay nawalan ako nang malay sa kalagitnaan nang paghaharap ni Charlyn at ni Mr. Dexa.

"Akin na lang yun." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang nalaman ko dahil unang una ay wala ako sa lugar para ipagsabi yun.

Napabuntong hininga sila matapos akong tinitigan ng mariin. "Hindi ka namin pipilitin. But make sure you're doing the right decision and not regret soon. Isang buwan nang pasimpleng tinutulak palayo ang babae. Sana lang hindi yun mapagod sayo dahil kung nagkataon........ panigurado mahihirapan ka nang maging masaya."







Hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Ron sa akin. Lalo na yung huli. Isang buwan na ang nakalipas mula nang magbago ang pakikitungo ko sa kaniya. At sa loob nun, pilit siyang lumalapit sa akin. Sinusuyo ako.

Paano nga kaya kapag napagod siya kakasuyo sa akin? Totoo kayang mahihirapan na akong ngumite? Sumaya ng totoo?

Hindi ako pinatulog ng mga posibleng mangyari sa amin. Kaya naman kinabukasan, napagdesisyonan kong kausapin siya ukol sa nalaman ko. Oo, 'yon yung tamang gawin para malinawan ako. Na dapat una pa lang iyon na ang ginawa ko, hindi ang umiwas sa kaniya.

Nagmamadaling naglakad ako patungo sa kaniya nang makitang naglalakad siya sa hallway. Malapit na ako sa kinaroroonan niya nang mapahinto sa biglaang pagsulpot ni Mika sa harap ko.

"Good morning!" masayang masaya bungad niya sa akin.

Binati ko siya pabalik. "Alis na ako. May pupuntahan lang ako."

Hahakbang na sana ako palayo sa kaniya nang hinigit niya ako pabalik. Masyadong mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang na nakadikit ang labi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad siyang naitulak palayo sa akin.

Mabilis na napatingin ako sa direksiyon ni Charlyn at agad na umusbong ang takot sa buong katawan ko nang makita siyang nakatitig sa aming dalawa ni Mika. Malapit lang siya sa akin kaya kitang kita ko ang halo-halong emosyon sa mukha niya. Gulat, sakit, at galit.

Akmang hahakbang na sana ako palapit sa kaniya upang makapagpaliwanag nang ilagay niya sa harap ang kaniyang palad. At sa isang iglap, naging blanko ang kaniyang ekspresyon.

"Don't come near me. Never again."

Agad siyang tumalikod at tumakbo palayo. Napatingin ako sa kamay na humawak sa akin. Napailing iling ako, ipinapakita kung gaano ako ka-disappointed sa ginawa niya. At agad na binawi ang kamay ko mula sa kaniya't sinundan ang babaeng mahal ko. Oo, sa kabila nang nalaman ko, hindi nawala ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Sa unang pagkakataon, hindi ko sinunod ang nais niya. Dahil hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.





"Charlyn, please kausapin mo naman ako. Magpapaliwanag ako." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya nang maabutan ko siya.

Inilibot ko ang paligid at napagtanto kong nasa garden kami ng school.

Mabilis niyang hinugot ang sariling kamay mula sa hawak ko at hinarap ako. Napaatras ako nang makitang punong puno ng luha ang mata niya. Wala na roon ang galit, lungkot at sakit na lang.

"I was expecting when you wake up, everything will be alright. We can make happy memories together. I was even imagining us doing something that makes us laugh. Pero bakit paggising mo, nawala yung Ken na nakilala ko? The Ken I used to be with, the Ken he used to care for me. Ken.....ano bang kasalanan ko sayo? is it hard for you tell me what I've done wrong? Is it hard for you to communicate with me?" Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy ulit. "Yung pag-iwas mo sa akin sa loob ng apat na linggo, makakaya ko pa. But that? Seeing you being kissed by other girl, is too much. I can't stand you two in that state. I told you I like you so much! Sana man lang naging sensitive ka what I might feel. And whatever the shit my fault is, sana hindi gan'to yung kabayaran. Kase masakit. Sobrang sakit."

Tinakpan niya ang mukha habang patuloy na lumuluha. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya, hindi alam ang sasabihin.

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay pinunasan niya ang luha gamit ang palad at tinitigan ako nang mariin.

"I'm tired of chasing you. I'm tired of pretending you evading me doesn't hurt me. And I'm tired of questioning myself where I went wrong. I guess, this is the end of us although in the first place, wala namang namagitan sa -"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Lumapit ako at niyakap ng sobrang higpit. Ayoko. Ayokong marinig kung paano na siya sumusuko sa akin, sa aming dalawa.

"I'm sorry......." mahinang usal ko ngunit sapat na yun para marinig niya. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang akong nakayakap sa kaniya. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mga braso niyang pumalibot sa akin, niyayakap ako pabalik.

Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas para sabihin sa kaniya ang dahilan kaya ko siya iniiwasan.

"Sinabi sa akin ni Mr. Dexa na ikaw raw ang pumatay sa asawa niya, sa nanay ni Hanz. 'Yon ang dahilan Kung bakit kita iniwasan."

Kumalas siya sa akin. "Hindi ko siya pinatay. That was an accident." At doon niya sinabi ang totoo.

Punong puno ng pagsisisi ang loob ko dahil nagkamali ako. Dapat pala talaga ay kinausap ko muna siya. Hindi yung iniwasan ko siya at hinusgahan.

"Sorry kung hinusgahan kita agad. Sorry. Sana mapatawad mo ako."

Binigyan niya ako ng ngite at ngayon, siya ang yumakap sa akin.

"Naiintindihan ko, Ken."

Tama ang mga kaibigan ko, mahihirapan akong maging masaya kapag nawala si Charlyn sa akin.

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon