L *29*

404 19 3
                                    

L *29*

Lumipas ang Wednesday, Thursday at umaga at hapon ng Friday na hindi ako kinakausap ni Charlyn. Araw araw akong sumusubok na kausapin siya at tanungin kung bakit biglang hindi na niya ako kinakausap pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Nalulungkot tuloy ako nang sobra dahil kahit papaano, kaibigan na ang tingin ko sa kaniya.

Noong Wednesday ay lumabas na yung resulta nong quizzes ni Charlyn. Nabanggit niya na kaya hindi niya nasabi yung scores ni Charlyn noong ? Tuesday ay dahil hindi niya pa ito tapos i-check lahat. Natuwa ako nang malaman na na-perfect niya lahat. Natuwa rin naman siya bagama't hindi katulad ko yung naging reaksyon niya. Kasama ako sa binati nong guro namin dahil ako ang nagturo sa kaniya. Akala ko papansinin na niya ako pero hindi ganon ang nangyari.

Naalala ko tuloy yung napag-usapan namin nila Ron at William kaninang umaga lang.

"Ano? Hindi ka pa rin pinapansin ni Charlyn?" tanong ni Ron nang mapansin na malungkot ako habang nakatingin kay Charlyn na natutulog.

Napatingin ako sa kaniya at tumango, "Sinubukan kong lapitan pero talagang lumalayo e."

"Hindi kaya, kaya hindi ka na niya pinapansin dahil hindi ka na niya kailangan? Diba kaya naman kayo naging magkalapit ay para tulungan siyang mag-review para makapasa siya sa mga quizzes? At ngayon tapos na, eh etsupwera ka na sa kaniya?" pagbibigay opinyon ni William na mas nagpalungkot sa akin.

Siguro nga tama ang sinabi ni William. Pero hindi ko talaga maiwasan ang malungkot dahil inakala ko na kaibigan na ang tingin niya sa akin. Inaasahan ko pa man din na makakasama ko siya palagi dahil doon na ako nasanay. Napapabuntong hininga na lang ako at napapailing iling.

Napahinto ako sa paglalakad malapit sa gate nang may limang pares ng paa ang humarang sa daraanan ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Uwian na namin.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang limang hindi pamilyar na lalaki sa harap ko.

Humakbang ako sa kabilang side para maglakad paharap ng walang harang nang biglang may humawak sa braso ko. Napatingin ako rito at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Hindi ba ikaw ang laging nakakasama ni Charlyn?

Kahit takang taka ay sinagot ko pa rin siya. "Hindi na, noong nakaraang linggo lang."

"Hindi ko siya makausap ni sa tawag o personal dahil lumalayo siya sa akin. Pakisabi nga sa kaniya na sumipot siya sa date namin!" nang-uutos ang kaniyang tinig.

Paano ko yun gagawin? Eh ni kahit ako hindi pinapansin.

Napailing ako, "Pasensya ka na, hindi kita matutulungan. Kahit ako kase, hindi niya na pinapansin."

Maglalakad na sana ako palayo nang hablutin niya ang likod ng damit ko. At nagulat ako nang hawakan niya ang panga ko paharap sa kaniya.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya rito dahil masyadong mahigpit ang hawak niya roon at nasasaktan ako. "Bitawan mo ako."

"Susunod ka sa akin o malilintikan—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may boses ang pumutol sa kaniya.

"What's going on here?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Charlyn na walang emosyong nakatingin sa amin. Agad niya ring iniwas ang kaniyang tingin nang magtama ang aming mata.

"Charlyn...." bakas ang gulat at tuwa sa mukha nong lalaking may hawak sa panga ko.

Nakita ko ang biglaang pagtalim ng mata ni Charlyn nang makita ang kamay nong lalaki na mahigpit nakahawak sa panga ko. Mabilis niya rin iyon pinalitan ng walang emosyon. "Get your hands off him."

"Sure. But in one condition, sumipot ka sa date natin. Ang daya mo kase e, pumayag ka nang makipag-date sa akin pero hindi ka naman sumisipot!"

"Okay," walang kagatol gatol na pagsang-ayon ni Charlyn.

Binitawan na ako nong lalaki at nabigla ako nang hatakin ako ni Charlyn papalapit sa kaniya papunta sa likod niya.

"Ngayon na tayo mag-date total andito ka na."

Ngumise si Charlyn, "Asa ka namang sasama ako sayo. Silly."

Napalitan ng inis ang nakangiteng mukha kanina nong lalaki. "Sinungaling ka talaga!" Sinugod niya si Charlyn.

Akmang pipigilan ko na sana yung lalaki nang marinig ko ang boses ni Charlyn, "Stay on my back."

Gaya ng sabi niya, nanatili lang ako sa likod niya. Nakakatuwang ako ang lalaki pero ako pa itong prinoprotektahan niya. Nakakalalaki pero ayoko namang suwayin siya at baka lalo lang maging kumplikado ang lahat.

Pinanood ko na lang kung paano sila maglaban sa harap ko. Sunod sunod ang pag-atake nong lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Walang kahirap hirap namang naiilagan nito ni Charlyn. Pagkamangha ang naramdaman ko nang si Charlyn naman ang umatake. Sunod sunod na sipa at suntok ang pinakawalan niya na hindi magawang ilagan nong lalaki dahil masyadong mabilis ang galaw ni Charlyn. Sa ilang segundong pag-atake niya ay napatumba na niya ang lalaki.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa magkabilang kamay ko at napagtantong ang mga kasama nong lalaki ang mga ito. Napalunok ako nang maglabas ng kutsilyo ang isa at itinutok ang patalim malapit sa leeg ko.

"Sige! Ipagpatuloy mo pa ang pagbugbog sa kaniya at mamatay itong nerd na ito!" pagbabanta nong lalaking nakatayo lang. Ang dalawa namang may hawak sa akin ay mas lalo nilang hinigpitan. Samantala ang isa naman na siyang nakahawak ng kutsilyo ay mas inilapit pa ang patalim sa akin.

Kinakabahan man at palakas nang palakas ang tibok ng puso ko ay hindi ko ipinakita ang matinding takot na nararamdaman ko. Sinikap kong maging kalmado sa kabila ng sitwasyon ko. Ayokong ma-pressure si Charlyn at mas lalo na ang mag-alala.

Binitawan naman ni Charlyn ang lalaking nanghihina na dahil sa sapak niya. Namimilipit ito sa sakit na nararamdaman at halos hindi na maibukas ang mga matang namamaga na.

Nanlisik ang mata ni Charlyn at salubong na salubong ang kilay niya. "Let him go, now." Mahina lang ang kaniyang boses ngunit sapat na yun para marinig namin. Ang tono ng kaniyang tinig ay hindi nakikiusap kundi nang-uutos.

Humalakhak sila, "Sino ka ba sa akala mo? Sa tingin mo tanga kami para sumunod sayo? Bobo!"

May binunot si Charlyn sa bulsa niya at diretsong ibinato ang hunter knife sa kamay nong lalaking may hawak ng kutsilyo dahilan para mabitawan ito. Napahiyaw ang lalaki sa sakit. Nataranta ang dalawang may hawak sa akin at bago pa man sila makagawa ng hakbang, mabilis na pumunta sa likod namin si Charlyn at may kung ano siyang ginalaw sa batok nila at maya maya lang ay natumba na sila.

Natakot ang isang natitirang lalaki dahil tumakbo ito palayo nang akmang susugudin siya ni Charlyn.

Nagkatinginan kami ni Charlyn at parehong natawa. 

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon