B *38*

334 14 0
                                    

B *38*

Mabilis na dumaan ang mga araw. Isang buwan na ang lumipas mula noong magka-ayos ang lahat sa section namin. Habang patagal nang patagal ay mas nagiging malapit ang bawat isa. Marami na kaming mga memories na magkakasama dahil madalas kaming lumabas. Minsan naman ay hindi ako sumasama dahil may mga activities sa school. Ayoko namang mapabayaan ito.

Ang Reyna sa Section namin na si Charlyn ay unti-unti na ring nag-iba. Hindi na tulad ng dati na malamig siya sa ibang tao at mainitin ang ulo. Madalas na rin siyang tumawa. Yung malambot na side na niya ang ipinapakita niya ngayon.

"Don't you dare try the cigarette."

Banta niya isang araw nang maglabas ng sigarilyo ang mga kasama namin para mawala raw ang stress nila. Nakipaglaban kase sila at nakakapikon yung mga nakasagupa nila. Kami naman nila Ron, William, at Charlyn ay nanood lang noong oras na yun. Bagama't gustong sumali ni Charlyn sa laban, hindi siya pinayagan ng mga classmates ko. Reyna raw namin siya kaya dapat prinoprotektahan.

Minsan talaga ay mahigpit siya sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang mga galaw niya minsan, mahirap intindihin. May mga pagkakataon na nagtatawanan lang kami kanina, pagkatapos ng isang oras, nagsusungit na. Weird.

Ang sabi ng mga kaibigan ko ay gusto raw ako ni Charlyn kaya ganon. Hindi naman ako naniniwala dahil wala naman siyang sinasabi.

"Ken, wear this. Don't take this off. You look better when you have this in your face."

Isang umaga nang wala akong suot na eyeglasses. Hindi naman kase talaga malabo ang mata ko nang ganon. Sadyang mas malinaw ang tingin ko kapag nagsasalamin. Pero okay lang kahit walang salamin. Ngunit ginawa ko pa rin ang sinabi niya, sinuot at hindi na tinanggal pa.

Ang ibang mga classmates ko naman ay sumusubok pa rin na ligawan si Charlyn. Umaasa na pagbibigyan sila ni Charlyn.

"I don't like you and I'm pretty I will never."

Yan ang parati niyang sinasagot sa mga nagtatangka. Malaking kaginhawaan naman na naiintindihan ng mga classmates ko. Dahil kapag nagkataon, malaking gulo ang mangyayari. Babae pa man din si Charlyn at dehado siya kapag pinatulan siya ng mga classmates namin. Kahit naman sabihin na magaling siya sa pakikipaglaban, mas malakas pa rin ang mga lalaki keysa sa kaniya.

Si Hanz naman ay halos araw araw bumibisita sa room namin para pormahan si Charlyn. Pero gaya nang mga classmates ko, prinapranka na niya ito na hindi niya ito magugustuhan kailanman. Consistent si Hanz kaya tuloy pa rin siya sa ginagawa na parang hindi napapagod at nagsasawa makatanggap ng rejection.

"Ampon! Feeling maganda at mayaman, sampid ka lang naman sa pamilya ng Valdez!"

"Oo nga! Ang landi landi mo pa!"

"Nagmana ka sa Nanay mong malandi!"

Pero hindi ganon kaayos ang lahat dahil may mga bully pa rin. Lagi nilang pinagsasabihan ng kung ano-ano ang grupo nila Mitch, ang babaeng na-encounter namin noong nagbebenta kami ng pancake.

Labis labis ang pagpipigil ni Charlyn na igalaw ang kamay patungo sa mukha nila. Nanginginig ang nakakuyom na kamao nito at mariing nakatikom ang bibig. Salubong ang kilay at masamang masama ang matang nakatingin sa grupo nila. Ito ang isa sa mga nagbago sa kaniya, natuto na siyang magpigil.

"Ano ba, Mitch?! Aren't you get loathed of the scene? Paulit-ulit na lang ang nangyayari! Please, stop!"

Gaya nang inaasahan, dumadating agad ang mga classmates namin para ipagtanggol si Charlyn. Kung hindi sila ay grupo ni Hanz. Nagpapasalamat naman ako dahil naiiwasan ang gulo. Wala naman akong kakayahan na magpakalma ng sitwasyon.

"Oh? Ikaw pala si Ken."

Anang ng isa sa mga tatlong kaibigan ni Charlyn na pumunta sa school noong nakaraang linggo. Nakangiseng sinulyapan niya si  Charlyn na agad naman siyang binigyan ng nagbabantang tingin. Napapailing naman ang dalawa pa nitong kaibigan.  Ang natatandaan ko ay Kim ang pangalan nito.

Last Friday lang ay ginanap ang maliit na program dito sa school. Iyon ay pa-welcome sa mga new students. May mga nag-perform din na mga estudyante ng sayaw o kanta. Isa na roon ang grupo ng mga classmates ko. Hindi ko alam na magaling pala silang sumayaw. Nagwala ang mga babae nang naghubad sila sa mismong stage. Talagang nagkagulo ang madla. Buti naman at hindi sila na-guidance dahil doon. Inintindi na lang mga teachers at other school stuffs na para sa event lang yun.

Napatigil ako sa paglalakad papunta sa faculty office nang humarang ang grupo nila Mitch. Nagtataka ko silang tinignan.

"Anong sadya niyo?" Mahinahon ang boses na pagtatanong ko.

Napaigtad ako nang bigla akong hinawakan sa balikat at hinaplos haplos ito.

"I just wanna ask if you like Charlyn." Hindi ko alam kung sinadya niyang magtunong malandi. Pero inisip ko na lang na ganon talaga ang boses niya.

Tumango ako, "Oo. Gusto ko siya."

Napabitaw ito sa akin at gulat na gulat na tumingin sa akin. Hindi makapaniwala ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin.

"Are you sure you like her?" Pagsasalita ng isa niyang kasama.

"Oo. Gusto ko siya."

"Then why you didn't court her?"

Napakunot ang noo ko. Napailing ako nang mapagtanto na iba ang pagkakaintindi nila.

"Hindi gusto na maging nobya ang ibig kong sabihin."

"Do you mean it's not what we think? If that's the case, then what?"

"Gusto ko siya bilang kaibigan."

Dahan dahan silang ngumise at tila nagningning ang mga mata. Lumagpas ang tingin nila sa akin at natuon ang mga mata nila sa likod ko.

"Ow Hi Charlyn! You're here pala. Kanina ka pa ba dyan? I guess you heard what we were talking about," natutuwang anas ni Mitch.

Umikot ako para kompirmahin na si Charlyn nga ang nasa likod ko. Hindi ko maintindihan ang biglaang pagkalas ng kabog ng dibdib ko. At hindi ko lalo maintindihan na sa unang pagkakataon ay nagulat ako sa presensya niya. Si Charlyn nga!

Nakatayo siya tatlong dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Tinitigan ko ang mukha niya at hindi ko mabasa kung ano ang naroon. Nakatitig siya sa akin habang nakakuyom ang mga nanginginig niyang kamao. Hindi ko masabi kong ano talaga ang reaksyon dahil masyadong marami ang nakikita kong emosyon doon. Ngunit isa lang ang malinaw sa akin, negatibo ang mga iyon.

Lumunok siya ng ilang beses at huminga ng malalim. At dahan dahang tumalikod hanggang sa tumakbo na ito palayo sa akin.

The Playgirl In Boys Section ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang