I *33*

360 14 1
                                    

I *33*

"Aalis na po ako," paalam ko kela Mother Fatima pagkatapos kong magpaalam sa mga bata.

Ngumite sila, "Salamat sa walang sawang paglilingkod sa kanila."

"Hindi niyo po kailangang magpasalamat. Masaya ako sa ginagawa ko at bukal ito sa puso ko."

Mabilis akong umuwi sa bahay para magpaalam kay Nanay at Tatay. Kukuha ko rin ang tuwalya at pares ng damit at short.

Napatingin ako sa orasan at alas tres pa lang ng hapon. May dalawang oras pa ako para makapag-bonding sa mga classmates ko. Panigurado namang andoon na sila dahil ang usapan ay umaga, alas dies. Pero dahil may ginawa pa ako ay ngayong hapon pa lang ako pupunta.

"Mag-iingat ka. Uwi ka rin agad. Huwag kang magpapagabi para hindi ka mapahamak," paalala ni Nanay.

Laking ginhawa ko nang nagkataon na nasa bukid pa rin sila noong ginabi ako nang uwi. Ito yung oras na sinundan namin ang grupo ni Hanz at nasaksihan ang kakayahan ni Charlyn sa pakikipaglaban.

"Opo, mauuna na ako."

May tricycle agad na pumunta sa tapat ko pagkalabas ng compound namin. Pinaalam ko na sa A&R resort ang punta ko. Medyo malapit lang ito sa amin kaya mabilis akong nakarating doon.

Pagkababa ay inabot ko ang bayad ng pamasahe. May nagbabantay sa entrance, marahil ito rin ang naniningil para sa entrance fee. Lumapit ako rito.

Kinabahan ako nang singilin ako. Wala akong ibang dala kundi gamit lang na tuwalya at t-shirt at shorts. Ang alam ko kase ay ililibre ako ni Charlyn gaya ng sabi niya kahapon.

Sumulpot si Winz—classmate ko na dating nam-bubully sa akin. Siya yung dahilan kaya naging alaga ko na si Tuning.

"Kasama po namin siya. We already paid his entrance fee. Remember? He's the one we are pertaining." Sumulyap siya sa akin at ngumite.

"Ah siya pala. Sige po, pasok na po kayo."

Mabilis akong inakbayan ni Winz pagkapasok. Hinayaan ko naman siya dahil okay naman na kami. Panatag ang loob ko na hindi siya gagawa ng masama sa akin.

"Mabuti at nakasunod ka. Kumpleto na tayo." Mahihimigan ang saya sa kaniyang tinig.

Nasa kalagitnaan na kami nang bigla siyang magpaalam na hindi niya ako maihahatid.

"May chix. Maiiwan na kita. Basta diretso ka lang at makikita mo na yung cottage natin."

Tumango lang ako at nagtuloy na sa paglalakad. Hindi ko maiwasang ilibot ang aking mata. Maraming tao dito sa loob, may matanda, binata/dalaga, bata. May namukhaan pa akong school mate namin. Nakakamangha ang resort na ito dahil sa pagkaka-ayos nito. Ang mga malaking halaman na nagsilbing palamote sa gilid ay nakakadagdag ganda ng paligid. Ang mga cottage na kulay blue at white ang kulay na talagang bumagay sa resort. Marami ring pool at sobrang linaw kapag titignan ang tubig. Malinis at talagang inaalagaan ng may-ari ang business niyang ito.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang mga classmates sa malawak na cottage. Agad naman nila akong napansin kaya ngumite ako sa kanila.

"Oy, andito na si Ken!"

Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang mapahinto ako. Nasaksihan ko ang dahan dahang paglingon ni Charlyn papaharap sa akin. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. Napalunok ako sa nakikita ko.

Naka-swim suit siya kaya lantad ang makutis niyang balat. Halata rin ang hubog ng kaniyang katawan. Malalaki ang kaniyang legs pero maliit ang kaniyang tiyan. Ang balakang niya ay malapad.

Lihim akong huminge ng tawad sa Diyos nang sa huminto ang aking tingin sa kaniyang hinaharap. Malalaki iyo at sobrang puti! Mas lalong lumakas ang dating niya sa gulo ng kaniyang buhok.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang biglaang pag-init ng aking katawan. Naramdaman ko ang namuong pawis sa noo ko at dahan dahang tumutulo pababa.

Tuluyan na akong nawala sa wisyo nang ngumite ito sa akin. Wala sa sariling nagpatuloy sa paglalakad. Ang mga mata ay nasa kaniya lang at bigla ay hindi ko na marinig ang ingay sa paligid. Hindi ko alam pero parang hinahatak ako ng presensya niya patungo sa kaniya.

Nabalik ako sa reyalidad nang bigla ay napunta ako sa tubig. Ang mainit na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng lamig dahil sa tubig sa pool. Nahulog ako sa swimming pool!

Hindi ko maitapak ang aking paa sa sahig, patunay na malalim itong pool na kinaroroonan ko. Binitawan ko na ang mga gamit na hawak ko para magamit ang kamay sa paglutang. Pilig kong winawagwag ang kamay upang iparating na nalununod ako dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Marami na ako nainom na tubig at nararamdaman ko na rin ang pagod sa katawan ko.

Bago tuluyang kainin ng tubig ang buo kong pagkatao ay nakita ko si Charlyn na mabilis na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Naririnig ko pa ang mga tinig ng aking kaklase na pilit sinasabing panatilihin ang paglutang ko.

Nagising ako sa malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Napadilat ako at napaubo ng ilang beses kasabay ng tubig na lumalabas sa bunganga ko. Inilibot ko ang tingin at nakita ang mga classmates ko na alalang nakatingin sa akin. Nakapalibot sila sa akin. Nahinto ang aking mata sa harap ko, kay Charlyn na alalang alala ang mukha. May sinasabi siya pero hindi ko marinig.

Inalala ko ang nangyari at bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize na muntik na akong malunod.

Nagulat naman ako sa biglaang pagyakap sa akin ni Charlyn. Ang higpit ng yakap niya na parang ayaw na akong pakawalan.

"I am glad you are awake," paulit-ulit niyang sabi.

Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya marahil sa pagdikit ng aming katawan. Lumayo ako nang bigla ay naramdaman ko ang hinaharap niya sa dibdib ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ayoko ng madagdagan ang kasalanan ko. Nasa harap ko ang kaniyang hinaharap at malinaw kong nakikita iyon!

Tumayo ako at pinasalamatan sila. Inabot ko ang mga gamit ko na basang basa na. Tumalikod ako sa kanila upang tunguhin ang shower room nang mapatigil sa narinig.

"Halik lang pala ni Charlyn ang magpapagising sa kaniya."

"Oo nga! Kanina pa natin siya ginigising!"

"Parang gusto ko na ring malunod para i-kiss din ako ni Charlyn!"

Hindi ko na narinig pa ang iba pa nilang sinabi dahil sa unang narinig.

Labi niya ang dumampi kanina sa akin.

The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now