C *44*

316 14 4
                                    

44


Hindi ako pinatulog ng mga pangyayari kinagabihan. Ang mga nangyari ng hapon na iyon, lalo na ang naramdaman ko ay hindi nawala sa isip ko. Kaya naman para akong nakalutang na gumalaw para pumasok. Wala sa sarili.

Mabuti na lamang at hindi tinanong ni Nanay ang naging akto ko kahapon bagama't halata sa kaniya na gusto niyang alamin ang nangyayari sa akin.

"Huwag mong kakalimutan na andito lang kami ng Tatay mo palagi para sayo."

Iyan lang ang narinig ko mula sa kaniya kaninang kumakain kami ng pang-umagahan. Marahil ay naiintindihan niya na gusto ko munang suluhin ang bumabagabag sa akin. Ganon din si Tatay dahil hindi siya nag-usisa sa akin. At malaki ang pasasalamat ko sa pagkakaroon ng ganong klase ng magulang. Hindi man marangya sa pera, ngunit mayaman naman sa unawa at pagmamahal.

"Good morning!"

Bahagya akong nagulat sa malakas na sigaw na iyon mula sa dalawang boses kasabay ng paghawak sa magkabila kong braso. Patungo ako sa room namin nang sumulpot ang dalawa kong matalik na kaibigan. Dahil doon, napahinto ako.

Agad na nawala ang ngite sa mukha nila at napalitan ng pag-aalala.

"What's with that face?" Si William na humakbang palapit bago tinanggal ang eyeglasses ko na bigay ni Charlyn. "You don't have enough sleep? Okay, you didn't sleep," siguradong aniya na napabuntong hininga.

"Ken, we will not force you to speak up even we know it related to what happened yesterday. But please, alagaan mo ang sarili mo," si Ron na nagsusumamo.

Pilit akong ngumite at niyakap sila. "Salamat sa pag-iintindi. Huwag kayo mag-alala, ayos lang ako." Sana maging okay na ako dahil ayokong maapektuhan ang mga bagay na meron ako ngayon.

Mabilis na nagsimula ang pang-umagang klase pagkarating ng unang guro namin. Hindi ko maiwasang tignan si Charlyn na lumipat ng upuan. Diretso lang ang tingin niya sa harap at nasisiguro kong ni minsan, hindi niya ako tinapunan ng ganting tingin man lang. Blanko lang ang mukha at nakaupo nang maayos. Parang noon lang.

Salitan man ang tingin ko sa guro namin at kaniya ay hindi ko hinayaan na mawalan ako tuluyan ng atensiyon sa harap. Nakakasabay ako kahit papaano at nagagawa kong sumagot ng tama kapag tinatawag ako. Na madalas talagang nangyayari dati pa kaya dapat lang na hindi ako mawalan ng pokus.

Bilang nangunguna sa klase ay masasabi kong mahirap. Naroon ang pressure, na kelangan alam mo ang tinuturo ng guro para kung sakali mang tanungin, masasagot ko ito ng maayos at tama. At ang isipin na mataas ang tingin sa akin ng mga guro pagdating sa akademiko.

Sumusunod sa posisyon ko sa klase ay ang dalawa kong kaibigan. Matalino rin sila. Kaya siguro magkakasundo kami dahil pareho kami ng gusto bagama't hindi ako katulad nila na mayaman. At yun ay ang seryosohin ang pag-aaral.







Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko nang marinig ang pangalan ni Hanz. Tapos na ang dalawang subjects namin sa umaga at recess time na.

"Oy Hanz! Ang aga ng dalaw mo ah!" Tudyo ng isa namin kaklase.

Nakatayo sa tapat ng pintuan kasama ang madalas kong nakikitang kasama niya. Nakaukit ang ngite at halatang masayang masaya siya. Mas lalo siyang naging gwapo sa awra niya ngayon.

"I wanna give this snack to my girl for her not to go to the cafeteria and get tired. And of course, to see her angelic face."

Napatingin ako sa kamay niya at nakita ko nga ang hawak niyang meryenda. Mukha itong masarap dahil sa itsura nito. Tiyak din na mamahalin ito.

"Naks! Lover boy!" Kantyaw ng mga kaklase namin na siyang nagpapalaki sa ngite niya.

Naglakad palapit sa kaniya si Charlyn. Nasa bulsa ng kaniyang maikling palda ang dalawang kamay. Walang mababang emosyon sa mukha. Hindi nagulat sa pagpunta ng nobyo at hindi man lang kakitaan ng kilig o saya sa mukha.

"Babe—"

Nanlaki ang mata ko at bahagyang napanganga sa sunod na nangyari. Nagulat sa nasaksihan. At sa tingin ko'y ganon din ang naramdaman ng mga kaklase kong nakatuon ang atensiyon sa dalawa kanina pa.

Nag-tip toe si Charlyn sa harap niya at mabilis na hinalikan sa labi. Tumagal iyon ng sampung segundo at ganon din katagal kong pinigilan ang sarili na huminga ng hindi namamalayan.

Hindi makagalaw si Hanz sa kinatatayuan, hindi inaasahan ang naging aksiyon ni Charlyn. Dahan dahan siyang napangite kasabay ng pamumula ng pisnge. Kahit malayo ay kitang kita ko kung gaano siya kinikilig sa ginawa ng nobya.

"I missed you."

Hindi ko maintindihan kung papaano ko narinig ang mga sinabi non ni Charlyn kay Hanz, dahilan para mas lalo siyang pamulahan ng pisnge.

"Wooooohhhhhhh!!!! Ang lupit mo tagala, Charlyn!!!!!!" Hiyawan ng mga kaklase namin ng maka-get over sila sa nangyari kanina.

Iniiwas ko ang tingin ko at saktong napunta ito sa dalawa kong kaibigan na may nagtatanong na tingin. Na para bang alam nila kung ano ang nararamdaman ko kaya ganon ang reaksyon sa mukha nila. Ngumite lang ako kahit na medyo mahirap para hindi sila mag-alala sa akin.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagligpit sa gamit ko. Kusa na lang na gumagalaw ang katawan ko kahit na iba ang nasa isip ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib ko at iyon ang dahilan kaya para akong nahihirapan na huminga. Ito na naman yung pakiramdam na gusto kong maglaho bigla.









Naglalakad na ako palabas ng campus ngayon kasama ang dalawa kong kaibigan. Napaaga ang uwian ko at napasabay sa mga classmates ko dahil wala kaming meeting o kahit na anong activity kasama ang mga member ng club ngayon. Nagpapasalamat naman ako roon dahil ngayon ko na lang ulit nakasama itong dalawa sa uwian.

"Ken!"

Narinig kong sigaw ng dalawa kasunod ng sunod sunod na suntok sa akin sa iba't ibang parte ng katawan. Wala akong nagawa kundi ang indain ang mga iyon at ilagay ang kamay ko sa ulo para protektahan. 

Hindi ko napansin ang pangyayari, masyadong mabilis. Ang alam ko lang ay masaya kaming nagkwekwentuhan ng mga kaibigan ko nang may mga grupo ng lalaki ang sumulpot at bigla na lang akong sinuntok.

Pinilit ko ang mata na ibukas ito para tignan ang dalawa kong kaibigan. Hawak sila ng tig-dalawang lalaki kaya hindi sila makawala kahit anong pilit nila. Tinignan kong maigi ang katawan at mukha nila. Nagpapasalamat naman ako dahil parang walang masakit sa kanila. Iyon ang mahalaga sa akin, ang okay lang sila.

"Charlyn! Tulungan mo si Ken, please!"

Napatingin ako sa tinitigan ni Ron at bigla akong nakakita ng liwanag ng makita si Charlyn na walang emosyong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngunit malakas ang kutob ko na tutulungan niya ako gaya ng ginagawa niya noon. Ang katotohanang andito na siya ngayon ang nagpawala ng takot sa loob ko sa maaring mangyari sa akin.

Pero ganon na lang ang pagsakit ng buo kong katawan sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

"It's not my obligation to protect him so I don't care. And he's nothing to my life."

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon