51

347 16 5
                                    

51











"Please, don't break my heart."

Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso at napako ang tingin sa mata niyang naglalabas ng tubig. Bakas ang lungkot at sakit sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung papaano tutugon sa gan'tong sitwasyon. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan sa ganong ekspresiyon. Nasasaktan ako sa sitwasyon namin ngayon. At hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Pero nabigo ako dahil sa oras na 'to, pagod na akong intindihin ang lahat. Gusto ko nang ilabas lahat ng sakit, lungkot, tampo, lito, at tanong sa kaniya.

"Bakit ganiyan ka?" Panimula ko sabay balik ng tingin sa kaniya.

Napahinto siya at tinignan ako nang may pagtataka, nagtatanong kaya nagpatuloy uli ako.

"May mga oras na ipinapahiwatig mo na gusto mo ako. Tapos sa susunod na araw, parang wala lang ako sayo. Hind ko alam kung assuming lang ba ako o talagang pinaglalaruan mo ang damdamin ko—"

"No, don't say that!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko habang umiiling.

Ngumite ako nang pilit, nang mapait. "Hindi kita maintindihan, Charlyn. Masyado mong ginugulo ang isip ko. At mas lalo mong sinasaktan ang dadamin ko." Nabawasan ang bigat sa dibdib ko nang bitawan ko ang mga katagang iyan ngunit ang siyang dahilan ng pamamasa ng mga mata ko.

"Gusto kong question'n yung mga mixed signal na ipinapakita mo sa akin umpisa pa lang. Ayokong mag-assume pero hindi ko maiwasan lalo na't hindi ka napapagod magpakita ng motibo. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa kase unang una, alam kong mali ang makaramdam ng ganon sayo. Lalo na kung wala naman akong karapatang magalit. Imbes na magalit sayo, naiirita ako sa sarili ko dahil—"

"Gusto kita!"

Napahinto ako sa biglaan niyang pagsigaw ng mga salitang iyon at napatitig lalo sa kaniya.

Napailing iling ako at hindi ko alam kung bakit biglang bumuhos ang mga luha ko.

"Ken......" Pag-aalala ang rumihestro sa mukha niya at sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit umatras ako palayo sa kaniya.

"Hindi ko alam pero nasasaktan ako ng sobra sa mga sinasabi mo, Charlyn. Imbes na matuwa ako, bigat at sakit sa dibdib ang epekto sa akin." Dahil ang hirap paniwalaan, Charlyn. May boyfriend kang iba. Hindi pare-parehas ang sinasabi mo, sitwasyon, desisyon, at galaw mo.

"Ken, please stop feeling that way. I like you so much."

"Kung talagang gusto mo ako, bakit sinagot mo si Hanz? Bakit nakikipaghalikan ka sa kaniya? Bakit siya ang kasama mo na dapat ay ako?"

Napailing iling siya nang wala siyang maisagot na mas lalong nagpapatindi ng sakit na nararamdaman ko. Wala sa sariling lumabas sa room na iyon at tumakbo ng sobrang bilis para lamang makalayo sa lugar na iyon, sa kaniya.

Dinala ako ng paa ko sa likod ng gymnasium. Napaupo ako sa panghihina at doon hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak. Nakasubsob ang basang basang mukha sa tuhod na magkalapat habang yakap yakap ito. Ramdam na ramdam ko ang pagyugyog ng mga balikat ko at mga mahihinang hikbi mula sa akin.

Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili kung bakit kelangang makaramdam ako ng gan'tong klaseng sakit. Pinapahina lahat ng kalamnan ko at naapektuhan ang pag-iisip ko na umintindi.



Hindi ko inaasahan na gan'to pala talaga kasakit ang magkagusto.


The Playgirl In Boys Section ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt