A *30*

399 18 0
                                    

A *30*

Matapos ang nangyari kanina ay masinsinan ko siyang kinausap. Akala ko ay tatanggi siya at aalis agad gaya nang ginawa niya nitong mga nakaraan. Kaya naman nagulat ako sa mabilis niyang pagpayag.

Napagpasyahan naming mag-usap sa coffee shop na kung saan doon ko siya tino-tutor noong nakaraang linggo. Nag-alangan ako noong una dahil paniguradong bibili kami ng menu roon at ayokong gumastos. Nag-iipon ako para sa kaarawan ni Nanay at sa susunod na linggo na iyon.

Nang mapagtanto ni Charlyn kung bakit nag-aalangan ako ay agad niyang sinabi na siya ang magbabayad. Tatanggi sana ako pero sinabi niyang para yun sa pagtuturo ko sa kaniya. Nakakahiya man ngunit pumayag na rin ako. Ang sabi kase ni Nanay na huwag dapat tanggihan ang grasya.

Heto kami ngayon at tahimik. Pagkarating namin dito ay agad kaming nag-order ng black coffee at cakes. Pagkatapos kunin ng crew ang aming order ay wala nang nagtangka pang magsalita ni isa sa amin. Kaya habang hinihintay ang order ay napagdesisyonan kong buksan ang aking napapansin.

Bumuntong hininga ako at tinitigan siya. "Charlyn bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraan?"

Tinitigan niya rin ako na para bang pinag-aaralan ang aking reaksyon. Napabuntong hininga siya nang malalim at tumingin sa ibaba. "I was scared," mahina lang ang kaniyang pagkakasabi ngunit sapat na iyon upang marinig ko.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkunot ng aking noo sa sagot niya. Nang ibalik na niya ang tingin sa akin ay ayun na naman ang malungkot niyang mata na kanina lang ay malamig. "I was scared of what your thoughts about me after witnessing how I hurt them. And I didn't want to know what it is so that I put distance between us."

Nakuha ko agad ang tinutukoy niya at yun ay yung hapon na kinidnap siya ng mga kalaban ni Hanz. Iniisip niya siguro na masamang tao ang tingin ko sa kaniya at ayaw niyang ma-confirm iyon mula mismo sa akin kaya lumayo siya. Hindi muna ako nagsalita dahil pakiramdam ko'y may sasabihin pa siya.

Dahan dahang siyang ngumite at muling bumuka ang bibig upang magsalita. "But I think, I was wrong. Because you kept on approaching me although I often pushed you away."

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa lamesa at naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Hindi ko iyon pinansin at nginitian siya. "Aaminin ko na nagulat ako at nakaramdam ng takot sayo noong mapanood kita," pagpapakatotoo ko.

Bumalatay ang lungkot sa mukha niya at inagaw ang kamay niya sa akin.

"Pero hindi mabubura non ang tingin ko sayo. Hindi nagbago ang tingin ko sayo. Ikaw yung Charlyn na maraming good side na itinatago. Ikaw yung Charlyn na nakasama ko sa maikling panahon," pagpapatuloy ko.

Dahan dahang nagliwanag ang mukha niya at bahagyang napangite.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pupunta ako sa Orphanage. Kada-Sabado ay doon ang punta ko upang bisitahin ang mga bata at magbahagi ng aking nalalaman. Matagal ko na iyong ginagawa at nakasanayan na ng katawan ko. Ibang tuwa naman ang nararamdaman ko kapag nakikita na natuto sila dahil sa tulong ko. Lubos namang natutuwa ang mga Madre.

Pagdating doon ay hinanap ng mga bata ang presensya ni Charlyn. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na wala siya at kaya ko lang naman siya isinama noong nakaraang ay dahil sa pag-tutor ko sa kaniya. Malungkot nilang inintindi ang aking minungkahi. Ayaw ko naman makita iyon kaya agad kong sinabi na yayain ko si Charlyn sa susunod. Lumupas ang araw na iyon sa pagtuturo sa kanila. Pagod man na umuwi ay may ngite sa labi.

Ang sumunod na araw ay siyang punta ko sa Simbahan. Isa akong sakristan na dati lang ay mang-aawit. Ang pahinga ko sa pag-aaral ay inalalaan ko sa paglingkod sa ibang tao lalo na sa Diyos. Nagpapasalamat ako at naiintindihan ako ng aking pamilya. Ramdam ko ang kanilang suporta sa lahat ng mga ginagawa ko.

Mula sa unahan ay nakita ko sila Nanay at Tatay na masayang nakatingin sa akin sa likod. Ganito lagi ang nangyayari, ako ang unang pumapasok sa Simbahan para makapag-ayos at sila naman ay dumadating kapag malapit ng magsimula. Napakaswerte ko dahil imbes na kontrahin ako sa ginagawa ay sinabayan ako.

Nagsimula ang pagsasalita ni Father sa gitnang bahagi ng harap na kung saan kita siya. Inilibot ko ang paningin habang nakikinig. Nahinto ang aking mata sa dulo na maraming nakatayo. Tinitigan ko iyon at napangite nang makompirma ang aking nahagip. Si Charlyn!

Nag-iisa lamang siya sa maraming hindi kakilalang tao. Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko na nagulat siya nang magsalubong ang mata namin. Alanganin siyang ngumite at itinaas nang bahagya ang left hand at nag-wave sa akin. Nabasa ko ang pagbukas ng kaniyang labi na 'Hi'

Pagkatapos ng mesa ay lumapit ako sa aking magulang na agad akong niyakap. Sandaling nag-usap at agad na nagpaalaman na mauuna na sila. Inilibot ko ang paningin, hinahanap si Charlyn ngunit hindi ko siya makita. Lumabas ako sa gate at nakita siyang papasok na sa kaniyang kotse. Nakaparada ito sa tapat.

Tinawag ko siya at napahinto sa akmang gagawin. Ayun na naman yung ekspresyon niya na tila gulat na gulat sa tuwing nakikita ako. Agad ding bumalik ang kaniyang dating ekspresyon, ang walang emosyon.

"Why?" tamad niyang pagtatanong nang makalapit na ako sa kaniya.

"Wala. Hindi ko lang inaasahan na makikita kita rito."

"Trip lang."

"Bakit hindi mo kasama yung parents mo?"

Huli na nang ma-realize ko na ampon lang pala siya.

Nagdilim ang kaniyang mukha bago lumungkot. Umiwas siya ng tingin at napabuntong hininga. "They are all busy with their business and other stuff."

Gusto ko pa sanang tanungin yung mga kaibigan niya kung meron man pero baka hindi na niya magustuhan ang pag-uusisa ko. Tila nabasa niya ang takbo ng utak ko at nagsalita.

"My friends are busy, too."

"Yung mga manliligaw mo? Or boyfriend?"

Tinitigan niya ako nang maigi at bumulong, "I already stopped dating anyone since I met you."





The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now