S *42*

318 14 0
                                    

42

"Ken Lhord Zamora!"

Napabalik ako sa reyalidad at wala sa sariling napatayo nang marinig ang aking pangalan. Nasalubong ng aking mata ang naiiritang mukha ng aming last subject teacher sa umagang klase. Nasa bewang niya ang kaliwang kamay at hawak ang kawayan sa kabilang kamay. Salubong ang mga kilay at bahagyang nakunot ang noo na mariing nakatitig sa akin.

"What's wrong with you, Mr. Zamora? I've been calling you for five times. It seems like your mind isn't here. If you are not interested in my lessons, you may leave this class now."

Napapahiyang yumuko ako. "Pasensya po."

Narinig ko ang buntong hininga niya. "I will let it pass this time. I hope it won't happen again. You may sit."

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na pailing iling habang nakatingin sa akin pagkatapos kong maupo. Napabuntong hininga lang ako at pilit na itinuon ang atensiyon sa guro na nagpatuloy ulit sa kaniyang pagtuturo.

Miyerkules na ngayon pero mas lalo lang ako lumalala. Nagsimula akong maging occupied mula noong Linggo.

Muling dumating ang mga kaibigan ni Charlyn matapos ang isang oras na dumating ako sa Simbahan. Bumalik ako roon para kunin ang mga gamit ko at sandaling nanatili roon dahil nagkaroon ng biglaang meeting tungkol sa Simbahan. Sakto paglabas ko ay niyaya akong mag-lunch. Agad din nila sinabi ang kanilang pakay.

"Ken, Charlyn likes you, a lot. And it is the reason why she's not herself for the past days."

Ang mga sinabi ng kaibigan niya ang bumabagabag sa akin. Tatlong araw na akong wala sa sarili dahil sa pag-iisip. Hindi rin ako makatulog nang maayos. Nawawalan na ako ng konsentrasyon sa pag-aaral gaya na lang kanina. Hindi talaga mawala sa isip ko ang kanilang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko sa sinabi nila. Pero ang pinakauna ay kung maniniwala ba ako o hindi.

Napaka-impossible naman na gusto niya ako. Walang wala ako sa mga nakaka-date niya.

Bahagya akong nagulat nang umakbay sa akin si Frits. "Huwag mo nang isipin yung kanina, Ken. Hindi naman totally nagalit si Ma'am." Tuloy niya sa nangyari kanina.

"Nakakainis naman din kase yun! Parang hindi nasanay sa section natin. Porke nagbago lang tayo. At isa pa, noong tayo noon ang hindi nakikinig at magulo sa class niya, hindi naman niya tayo pinagalitan!" Pagmamaktol ni Winz.

"Ganiyan talaga kapag top notcher na yung nahuling hindi nakikinig. Buti na lang, nasanay si Ma'am sa pagiging bobplaks ko!" Si Gino na tila pinagpapasalamat niya ang pagiging kilala bilang ganon.

Binigyan ko lang sila ng bahagyang ngite. Ang sumunod na umentrada ay ang dalawang matalik kong kaibigan. Hinatak nila ako sa walang masyadong tao at tahimik.

"What's happening to you? Noong Lunes ka pa pare na ganyan ah," nag-aalalang tanong ni William.

"Kung akala mo hindi namin napapansin, nagkakamali ka. You're too obvious. Bilis! Magkwento ka!" Atat na pag-uutos ni  Ron.

Huminga ako ng malalim at tinitigan sila. Kaibigan ko sila kaya okay lang na sabihin sa kanila. Ikwenento ko ang lahat ng nangyari noong Linggo. Mula noong nakita ko yung tatlo sa Simbahan sa unang beses hanggang sa bumalik sila at sabihin ang pakay. Pate na rin ang pagpunta namin sa Condo ni Charlyn.

"Sabi na eh!"

"I knew it!"

Sabay na komento nila matapos akong magkwento. Hindi sila nagulat sa sinabi ko kaya inisip ko na alam nila na gusto ako ni Charlyn.

"She's so obvious, pre. Ikaw lang itong manhid at parating binibigyan ng rason lahat ng ginagawa niya sayo," si Ron na napapailing.

"That's not surprised us coz we already know even you didn't tell us. Palagi naming sinasabi sayo ang mga napapansin namin sa kaniya pero ikaw talaga itong hindi naniniwala," William na bahagyang inaayos ang kaniyang salamin sa mukha.

Tinignan ko lang sila. Inaya ko na silang pumunta sa likod ng room namin na kung nasaan andoon ang mga classmates namin na nagluluto na. Natuto na rin magluto ang mga classmates namin sa tulong ni Charlyn.

"Ken, do you have any update about Charlyn? Matagal na siyang absent," si Miguel na sinadyang lapitan ako.

Napatigil ako sa pag-cucut ng sibuyas at napalunok. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila yung nangyari noong Linggo o hindi.

Hanggang ngayon ay wala pa ring Charlyn ang pumapasok. Nakapagtataka na hindi man lang siya hinahanap ng mga guro namin sa kabila ng maraming araw siyang wala. Mahalaga ang attendance kahit noon pa. Maaring bumagsak si Charlyn sa sunod sunod na araw niyang hindi pumasok.

Sa kabilang banda, naiintindihan ko siya. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng guilt dahil ako ang dahilan kung totoo talagang gusto niya ako. Naalala ko na naman yung araw na nakita niya ako kasama sila Mitch at narinig ang usapan namin. Marahil nasaktan siya sa naging sagot ko. Gusto kong magsisi pero ayoko namang magsinungaling. Hindi ko ugali ang magsinungaling pero ayoko rin namang makapanakit gamit ang katotohanan.

Umiling ako, "Hindi ko pa siya naka-usap." Napagdesisyonan kong huwag na lang banggitin ang nangyari noong Linggo. Totoong hindi pa kami nag-usap dahil pinaalis niya na agad ako. Ang tanging mukha niya lang ang alam ko. At ang hindi ko alam kung totoo ba talaga ang sinabi ng mga kaibigan niya sa akin.

Sabay sabay kaming nagulat nang makita si Charlyn malapit sa room namin pagkatapos naming kumain. Naka-uniform siya na maikli with 3 inches black sandals, makapal na make-up at mamula mulang lipstick. Bahagyang nakabuhaghag ang mahaba niyang buhok. Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan siya. Naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko sa napansin ko. May nagbago sa kaniya!

"Charlyn!" Pagtawag ng classmates namin at mabilis na lumapit sa kaniya.

Wala namang emosyon na tinapunan niya ng tingin ang mga ito. Napaharap siya sa kaniyang kaliwa nang dumating si Hanz kasama ang kaniyang laging mga kasama. May dala itong bungkos ng bulaklak at napapakamot sa ulong inilapit kay Charlyn para kunin niya ito.

"I know how many times you rejected me but I wanna still try my luck. Charlyn, pwede ba akong manligaw?" Kabado man ay nagawa niya pa ring tapusin ang pangungusap na hindi nanginginig ang boses.

Bigla ay pinagpawisan ako at kinabahan sa nasasaksihan. Tuluyang naging abnormal ang tibok ng puso nang tumingin sa akin si Charlyn. Ang kaniyang katawan ay nakaharap kay Hanz ngunit ang ulo nito ay sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin yan," sagot niya na nasa akin pa rin ang kaniyang mata.

"B-bakit?"

Hindi agad nakasagot si Charlyn. Nakikipagtitigan siya sa akin ngunit wala akong makitang kahit ano sa mukha niya. Tanging ang mata niya lang na walang kasing lamig.  Nanginginig na ako at paulit ulit na lumulunok.

Tila may pumitik sa sintido ko at may binuhusan ng malamig na tubig sa lumabas sa bibig niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Dahil tayo na."

The Playgirl In Boys Section ✔️Where stories live. Discover now