Chapter 7

911 38 75
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)

Isabella Cloud

"Bakit ang lungkot mo?" tanong ni Frinn habang nagmemeryenda kami sa labas ng building ng Villacia Corporation na siyang pinagtra-trabahuan namin ni Frinn.

Hindi pa kami head. Kung tutuusin ay Site Engineer palang si Frinn. Ako naman ay Assistant Architect palang.

Kung tutuusin ay hindi pa permanente at 6 months lang ang binigay sa amin. Kapag maganda ang performance na pinapakita namin ay tsaka kami magiging permanente.

Si Gillion naman ay pumasok sa nirekomenda ni Baste at malapit lang sa hospital ng mga ito.

Si Finn naman ay pumasok sa isang kumpanya rin at naghihintay na lang ng lisensiya lalo't naging contractor siya.

Buti mabilis nga ang proseso at nakuha namin ang lisensiya namin at natanggap sa trabaho.

Ang bilis lumipas ng mga buwan. Sa susunod na araw na ang kaarawan ko. Isa pa ay madalang na kaming magkita maliban na lang kay Frinn na katrabaho ko nga.

"Nagsasawa na ako sa mukha mo," mahinang sabi ko. Babalik kami sa Makati mamaya para tignan ang progress ng pinapatayong bahay doon.

Nag-meeting lang talaga kami kaya nandito kami sa main building ng Villacia Corporation.

"Me too, you're boring too, Cloud. I just want to sink into the ground. The gluta I'm using is a freaking waste."

"Sigurado na talaga akong binabae ka na," tumatawang sabi ko.

"Porke't? 'Yang balat mo kasi tuyot na tuyot, hindi mo man lang bigyan ng pahinga tsaka okay lang sa 'yong maarawan," sabi ni Frinn kaya napairap na lang ako.

Nadadalas na ang pang-aasar sa akin ni Frinn na para bang close na close kami.

"Boba, maarte ka lang talaga," inis na sabi ko kaya naman tumawa si Frinn.

"Bar tayo, Cloud, sama natin sila Finn," aya sa akin ni Frinn kaya malakas ko naman siyang sinuntok sa braso.

"Ayoko nga... wala pa nga tayong sinasahod e," inis na sabi ko kay Frinn kaya napanguso naman siya.

Lately ay mas naging abala kaming lahat na pati sa group chat naming magkakaibigan ay nabulok na rin. Hindi na rin kami nag-uusap ni Baste. Noong isang araw ay tinatanong ni Tita Kate, ang mama ni Baste kung kailan ako pwede.

Alam ko namang ipagsho-shopping niya na naman ako lalo't malapit na ang birthday ko. Hindi ko nga alam kung anong selebrasyon ang gagawin ko kung free din sila Frinn.

"Anong balak mo sa birthday mo?" tanong sa akin ni Frinn at sasagot na sana ako ako nang makita ko si Gia na papalapit sa pwesto namin.

"Magandang umaga, Engineer Lim... Architect Miguel," mahinang sabi ni Gia sa amin. Ang pagkakaalam ko ay pamangkin ito ng may-ari ng Villacia Corporation at nag-aaral pa ito.

"Magandang umaga, Madam," sabi ni Frinn at tumayo pa kaya naman tumawa ako at tumayo rin lalo't alam naming isa ito sa tagapagmana ng Corporation.

"Magandang umaga," nakangiting sabi ko at ngimiti rin si Gia sa akin bago tumingin kay Frinn.

"Can I join you for lunch today?" Gia asked politely.

"Yes, Madam, upo ka," agad na sabi ni Frinn kaya napailing naman ako.

Isa pa 'to kaya siguro nagpapagwapo si Frinn lately kahit madalas naman siyang makasinghot ng semento.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon