Chapter 42

1K 39 135
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)








Isabella Cloud















Mahal kong Maldita

Marahil ay kasama mo ang kabiyak ng iyong puso sa mga araw na lumilipas na magkalayo tayong dalawa. May pangamba man ang puso ko na baka ang liham na ito ang ikakapahamak mo ay nais kong iparating ang bugso ng aking pagmamahal. Maayos naman ako at sa kabila ng panganib na aking kinakaharap sa misyon na 'to alam kong sa 'yo pa rin uuwi ang puso ko. Iba man ang tahanan mo, hayaan mo akong makisilong sa lugar ng kapayapaan ko.

Buhay akong uuwi sa 'yo, Katelyn. Hindi pwede ang kahit na anong telepono sa kampo kaya tanging papel at panulat ko lamang maipaparating ang kasabikan ko sa 'yo. Hindi ko na kayang managalog, Katelyn. Hindi ako si Rizal. Kiligin ka o hindi, mahal kita.

Nagmamahal
Delivery Boy <3



Malakas akong natawa nang mabasa ko ang liham ni Sir Silvian alam na uso pa rin 'to noon.

Para silang nasa panahon ni Rizal. Hindi lang nakayanan ni Sir Silvian at hindi na talaga kayang managalog.

Sabi ni Sir Silvian noon ay ito ang naging komunikasyon nila ni Mama lalo't wala namang makakapansin kay Mama na kumuha ng mga liham lalo't hindi naman 'yon uso sa mayayaman noon sabi ni Sir Silvian.


I think he just gave it to me to make me laugh. Delivery boy.

Muli akong nagbukas ng liham. Nakasilong ako ngayon at pinagmamasdan ko si Keith na ngayon ay nakatira na kay Bea. Hindi ko alam, gusto ko lang talagang sagadin ang puso ko hanggang sa mamahid na 'to at tuluyan nang piliin na kalimutan si Keith.

Muli akong nagbukas ng panibagong liham mula kay Sir Silvian. Halatang luma na ang mga papel na ginamit at nagbago na ang dating puting papel.

Napaisip ako lalo't mas matanda sila Nanay kila Sir Silvian. Baka meron din silang ganito sa panahon nila.

Mahal kong Maldita

Ililipat ako sa Iraq, utos 'to mula sa Presidente. Kailangan ko muling lumayo ng panibagong milya sa 'yo. Katulad ng pangako ko, pipiliin ko pa rin umuwi sa 'yo. Hindi ko man alam kung kailan ngunit pangakong masisilayan mo ang gwapong mukha ko.

"Hindi ba nahihiya si Sir Silvian sa pinagsusulat niya rito?" mahinang tanong ko lalo't hindi nagustuhan ang pagiging mahangin niya.

Tumigil man siya sa pakikipagtalo sa akin tungkol sa kagandahan ni Katerine ay hindi pa rin ako papayag na basta-basta na lang niyang pinupuri ang sarili niya.

Dapat ako lang.

Don't be hard headed, Katelyn. Oo nga't may mga bantay ka ngunit ako ang personal bodyguard mo. Mas mapapanatag ako kung ako ang makakasama mo sa paglabas-labas. Huwag ka na munang lumabas ng madalas kasama ang mga kaibigan mo hanggang wala ako.

Bumili rin nga pala ako ng sing-sing. Alam kong malabong suutin mo at hindi kasing mahal ng sing-sing na bigay ni Yohan sa 'yo pero puno ng pagmamahal ang sing-sing na binili ko. Katulad ng relasyon nating dalawa, isuot mo na lang nang patago. Mahal kita, sa susunod na sahod ko ay ibibili kita ng mamahaling bag na ninanais mo. Mag-iingat ka. Ang kaligtasan mo ay ang kaligtasan ko.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon