Chapter 52

937 32 34
                                    

Enjoy Reading, Sweeties!



Isabella Cloud


"'Nak ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Nanay nang magsalita siya. Kanina pa kasi ako nasa labas, dalawang araw na ang lumipas noong nagkausap kami ni Keith.

Nagkaroon na kami ng relasyon ni Cy ay bumabalik pa rin ang isip ko sa sinabi ni Keith sa akin.

"Opo," mahinang sabi ko at ibinalik ang tingin ko sa binabalot kong mga regalo.

Christmas is coming. I'm happy to be with my family but I'm starting to think about never going back to Canada.

"Iimbitahin mo ba sila Frinn? Sanay akong naririnig ang mga ingay ng kaibigan mo kapag may salo-salo tayo. Hindi ba talaga makakapunta ang batang 'yon sa pasko? Kasal na niya bukas, hindi ba?" tanong ni Nanay na tinutulungan na ako sa pagbabalot ng regalo para kila Frinn.

"Nanay may mga pamilya na po sila Frinn, siguradong ilalaan nila ang buong araw nila sa pasko kasama ang pamilya nila," mahinang sabi ko pero sa kaloob-looban ko ay bumabalik ang mga ala-ala naming magkakaibigan.

Hindi rin pala masayang tumanda.

"Katulad na lang kayo ni Cy? Paniguradong magiging masaya si Zoe," nakangiting sabi ni Nanay kaya napangiti na rin ako.

Nasa kwarto ko si Zoe at natutulog. Dahil nga bibong bata ay may mga kalaro na siya ilang araw palang kaming naririto.

Ngumiti na lang ako.

"Kamusta naman si Gillion? May nobya na ba 'yon?" makulit na tanong ni Nanay kaya naman mas nakaramdam ako ng kalungkutan.

Maybe I'm just not ready that the relationship between him and Frinn really came to an end.

I know I'm being very unfair to Frinn's soon-to-be wife, especially since their wedding is tomorrow, but I'm still thinking about Frinn and Gillion's broken relationship.

"Mukhang trabaho lang po umiikot ang buhay ni Gillion Ngayon."

"Katulad si Keith?"

Natigilan ako sa tanong ni Nanay sa akin kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko.

Katulad ni Keith?

Wala akong nababalitaan na nale-leaked na babae kay Gillion at lalong-lalo naman Kay Keith lalo't ako nga ang nililigawan niya.

Kung gano'n silang dalawa na lang ni Gillion ang walang karelasyon?


As we get older as friends, I feel that the opportunity for the five of us to be together is slowly being put aside.


May kan'ya-kan'ya na kaming buhay ngayon kaya alam kong nagiging mababa na rin ang pagkakataon na magsama-sama kami.




"Isa pa si Keith... ang batang 'yon, matapos ang nangyari sa inyo ay mukhang isinubsob na ang sarili sa pagtra-trabaho," mahinang sabi ni Nanay kaya napakagat naman ako sa ibabang labi ko.

I don't know what's going on with Keith these past few months, especially since I moved away and worked in Canada.


Hindi ako nagsalita lalo't wala naman akong gustong sabihin. Tiyak makikita ko bukas na bukas si Keith. Kasal na ni Frinn bukas.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon