Chapter 20

1.2K 43 150
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)







Isabella Cloud

"Pa-Santiago ka na ba agad, Cloud?" tanong sa akin ni Helen. Nasa labas na kami ng building at may form lang kaming pinermahan. 'Yong time-in tsaka time-out lalo't tapos na ang seminar namin.

Kanina pa nakaalis ang Bus nila Bea kaya kami na lang ang naiwan. May kailangan kaming permahan kung magpapaiwan kami rito sa Manila at hindi na sasakay sa bus.

Napatingin ako sa gawi ni Baste na naghihintay sa akin.

"Hindi na. Hindi naman agad-agad ay pasok na natin kinabukasan kaya rito na muna ako at dadalawin ko ang mga kaibigan ko," nakangiting sabi ko kila Helen kaya ngumiti rin siya pabalik sa akin.

Naging abala ako sa cellphone ko lalo't hinihintay ko si Gillion. Sinabi niyang susunduin niya ako. Ngayon din ang balik ni Frinn.

Kumaway ako sa huling pagkakataon ngayong araw kila Helen nang makasakay na sila sa bus.

"Cloud."

Napatili ako nang bigla na lang akong tawagin ni Baste. Nasa tabi ko na siya, buti na lang talaga ay hindi ko nabitawan ang hawka kong cellphone.

"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot?" inis na tanong ko sa kan'ya kaya naman humingi siya ng tawag sa akin.

Lumapit siya sa akin at maya-maya lang ay naramdaman kong humawak siya sa t'yan ko ay hinaplos 'yon.

My heart is beating too fast again. I was surprised when Baste suddenly grabbed me.


"Pwede ba sa susunod magpaalam ka naman bago hahawak sa akin?" tanong ko sa kan'ya kaya naman nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"S-sorry, gusto ko lang maramdaman ang umbok ng t'yan mo," mahinang sabi niya sa akin kaya naman tinalikuran ko siya para makahinga ako ng maayos.

Pasimple akong humawak sa puso ko na umaasang kakalma kapag nakatalikod na ako kay Baste.

"Cloudy." Biglang sulpot din si Gillion. Pero imbis na mainis ay napangiti ako at marahang tuakbo habang hila-hila ang maleta ko.

Napatingin ako sa likod ko nang makita kong malalaki ang matang nakatingin sa akin si Baste.

"You're pregnant. Why did you run?" he asked. Parang ngayon lang siya huminga nang maitanong niya sa akin 'yon.

Hindi ko na-realize na meron na pala akong baby sa sinapupunan ko kaya naman nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Gillion bago ako humawak sa t'yan ko.




Sinalubong ang noo ko ng isang mahinang pitik mula kay Gillion.

"Sa susunod huwag kang tumakbo," sabi niya bago tumawa. Halos magningning naman ang mga mata ko nang makita ko ang nag-iisa niyang biloy.

Ang sarap tusukin sa totoo lang.

"Halika na, na-miss ko na si Lilo," nakangiting sabi ko at binuksan ang passenger seat.

"Mauuna na kami, Keith," mahina at naiilang na sabi ni Gillion kay Baste kaya naman humarap ako kay Baste bago magpaalam.

Kaso hindi ko pa nasasara ang pinto ng kotse ni Gillion at hindi pa napapasok ni Gillion ang maleta ko nang magsalita si Baste.

"Akala ko sa sasakyan ko ikaw sasabay," mahinang sabi niya kaya natigilan naman ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya pala naghihintay siya sa akin.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon