Chapter 11

869 35 22
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)



Isabella Cloud

Nasa labas ako ng hospital kung saan nagtra-trabaho si Baste. Balak kong ipakita ang lumabas na news sa internet tungkol sa asawa ni Bea ngayon. 

Maraming nagsasabi na anak sa labas si Giovanni Guiverra pero sa kan'ya pinamana ang Car Company ng mga Guiverra.

"Cloud? What are you doing here?" 

Napatingin ako kay Baste nang sa wakas ay lumabas na siya sa operating room.

"Kanina ka pa rito?" nakakunot ang noong tanong niya kaya naman natigilan ako at napatingin sa relo ko.

Anim na oras na akong naghihintay. Madilim na rin kung tutuusin lalo't dito agad ako dumeretsyo pagkatapos na pagkatapos ng oras ng trabaho ko. Iniwan ko na muna sa opisina ang ilan sa mga gamit ko para hindi hassle na bitbit-bitbit ko pa.

"Busy ka pa ba?" tanong ko kaya naman napaisip siya at tumingin sa pinto ng operating room bago nagkibit balikat.

"Kung walang emergency 'yon na ang huling pasyente ko ngayong gabi. Duty ko rin agad mamayang alas kwatro ng madaling araw, why?" 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at naubusan ako ng sasabihin.

Bakit nga ba ako nandito? Gusto ko na lang tawanan ang sarili ko.

"Magpahinga ka na muna," mahinang sabi ko kaya mas kumunot ang noo niya.

"Cloud, what is it? You don't come here from work just to see me. What do you want to say?"

Wala pa ba talaga siyang alam? Gano'n ba siya ka-busy na hindi na niya inaalam ang nasa paligid niya? 



"G-Gusto mo kumain sa labas? A-ayoko kasi rito, a-ang baho ng amoy," mahinang sabi ko kaya naman tumango agad si Baste bago magpaalam na magbibihis muna lalo't marumi pa raw siya.

Kinagat ko naman ang kuko ko sa hinliliit sa kanang kamay lalo't pinag-iisipan kong mabuti kung pangungunahan ko si Bea. Kaso kung hindi ako ang magsasabi kay Baste ay sino?



Maya-maya lang ay inaya na ako ni Baste na lumabas. Nasa sasakyan na kaming dalawa pero hindi pa rin ako nagsasalita, ano ba kasing sasabihin ko? 

"Cloud... may nangyari bang hindi ko alam?" seryoso niyang tanong sa akin. Naka sakay lang kami sa kotse niya pero hindi pa naman kami umaalis. Nakaupo lang kami sa loob.

"A-Alam mo na ba 'yong balita?" tanong ko kay Baste lalo't mukhang hindi nga nagche-check ng social media account si Sebastian.

Kung tutuusin kaya lang naman nagkaroon ng account si Baste ay dahil kailangan sa University noon para lagi siyang updated pero wala namang pino-post si Baste kahit isa sa account niya.

"Balita? Tungkol saan ba? Masyado akong busy lately," mahinang sabi niya sa akin kaya naman tinitigan ko siya bago ko binuksan ang phone ko at pinakita 'yon sa kan'ya.

Kunot noo siyang tumitig sa cellphone ko. Binabasa siguro ang article na binabasa ko kanina tungkol kay Bea at Giovanni. Wala pa namang kasiguraduhan sa mga balita sa social media.

Napailing na lang ako habang unti-unting nagbabago ang emosyon sa mukha ni Baste. Tila mas nakita ang pagod sa gwapong mukha nito.

"What the fuck is this?" he asked angrily.

Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo at mahigpit na ang pagkakahawak sa cellphone ko.

"H-Hindi ko alam,," mahinang sabi ko kaya naman nakita ko ang galit sa mga mata ni Baste, "hindi ka ba nagvivisit man lang sa mga social media accounts mo? 'Yan na ang kumakalat ngayon lalo't nagbago na ng CEO ang pinakamalaking nagbebenta ng sasakyan dito sa Pilipinas."

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon