Chapter 33

936 43 163
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)


Third Person's POV

In twenty-five years, the name Yohan tried to bury in oblivion suddenly exploded when Keith mentioned that name asking him who that person is.

He took his chopper and flew to Baguio City. He trusted his wife when she asked his permission to go on vacation with Cloud.

Yohan didn't wait for another day. He's going to pick Kate up whether she wants it or not, whether there's a storm in the area or not.

Everything he worked for will not be destroyed just because of Silvian.

Minsan na niyang ginawang miserable ang buhay nito, hindi siya magdadalawang isip na gawin 'yon muli kung kapalit nito ay ang katahimik ng pamilya niya.

Money and power move whatever their owner dictates.

Anak niya si Keith kahit isinunod ni Kate ang ikalawang pangalan ni Sebastian at Samuel sa lalaking 'yon.

Sa ika-limang araw nakauwi sila Cloud, hindi dahil ayos na ang mga daan sa Baguio kundi sinundo sila ni Yohan.

"Yohan, let's go home," mahinang sabi ni Kate lalo't nasa labas na sila ng bahay ni Silvian. Pinaalam niya ang address ng bahay ni Silvian dahil umaasa si Kate na kakalma lang si Yohan.

Kate knows what she did wrong to her husband.

Natatakot siya, dapat inaasahan na niya ang galit ni Yohan. Nakakatakot ito kapag nagagalit.

"Yohan, please. Let's go home, nothing happened," she whispered. Hoping na kakalma ang asawa niya.

Samantalang kinakabahan si Cloud sa isang tabi habang nakatingin sa mag-asawa. Iniisip niya rin ang paliwanag niya kay Baste.

"Where's your other man, Kate?" Yohan asked coldly.

"Sa bahay na tayo mag-usap. Please? I'm sorry." Umaasa si Kate na mapapakalma niya si Yohan.

Tahimik 'to, pero alam niya ang kaya nitong gawin.

'Muntik na niyang napatay si Silvian noon, hindi pwedeng maulit na naman 'yon,' mahinang sabi ni Kate sa kan'yang isipan.

Ipinagdarasal na hindi lalabas si Silvian sa tahanan nito.

Nag-aalala rin si Kate kay Cloud na tahimik lang pero kagabi pa hindi mapakali dahil hindi na nito matawagan si Baste na para bang ayaw siya nitong kausapin.

Kasalanan niya ang lahat at maging si Cloud ay dinamay niya sa kasalanan niya.

"Move, Kate. I just want to say 'Hi' to him," Yohan said firmly.

Hindi siya aalis sa Baguio nang hindi makikita si Silvian.

Natupad nga ang dasal niya nang makita niyang lumabas si Silvian. Kalmado lang ito kaya mas humarang sa harapan niya si Kate.

Nakikita niya ang pag-aalala sa magandang mukha ng asawa ngunit alam ni Yohan na nagising na ang halimaw sa loob niya.

Hindi siya patatahimik nito kaya kailangan niyang kumilos.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon