Chapter 24

899 38 89
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)



WARNING: Harassment!





Isabella Cloud

"Nand'yan pa ba siya?" tanong ko kay Frinn lalo't may pinagtataguan ako.

"Wala na, Mommy," sabi niya kaya naman malakas ko siyang sinuntok sa balikat niya.

"Huwag ka ngang epal, nakiki-mommy. Bakit ikaw ba si Baste?" inis na tanong ko kaya naman malalaki ang matang napatitig sa akin si Frinn.

Naiirita na naman kasi ako sa kan'ya.

Palagi na niya akong inaasar tungkol sa tawag ni Baste sa akin. Bakit kapag mula kay Baste ay ang sarap pakinggan at nakakakilig pero kapag mula sa Tatay ni Lilo na parang mas mukha pang aso kaysa kay Lilo ay nakakairita?

"In love na in love kay Keith ah," asar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

He won't let me win the fight between the two of us.

"Shut up, Frinn. Sana magising sa katotohanan si Gillion at makita niyang mukha kang aso," inis na sabi ko at inirapan si Frinn.

"Alam mo Cloud pumapanget 'yang ugali mo," sabi niya sa akin kaya hindi ko napigilan na matawa ng malakas dahil sa sinabi niya.

Nangasim pa ang mukha niya kaya napailing na lang ako.

"Ugali ko panget, sa 'yo mukha mo mismo," inis na sabi ko kaya nakita kong umirap siya sa akin.

"Gab! Nandito si Cloud!" sigaw niya kaya nanlaki ang mga mata ko at nilibot ko ang paningin ko lalo't baka nand'yan na naman si Gab.

Apat na araw na niya akong ginugulo simula nang magkasabay kami sa elevator sa building kung saan ang condominium ni Baste kung saan ako namamalagi lalo't wala pa naman si Baste.

Kakalipat niya rin pala sa building na 'yon kaya nagkita kami. Matagal na raw niya akkong hinahanap lalo't hindi kami nagkaroon ng magandang pag-uusap nang grumaduate kami.

Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong makita na Gab na papalapit. Nasa mall kami ni Frinn.

Inutusan siya ni Gillion na samahan ako at mag-grocery naman dahil 'yon na lang daw maitutulong niya kay Gillion.

Sunday naman ngayon kaya naman walang trabaho si Frinn samantalang abalang-abala talaga si Gillion sa trabaho niya na maging weekends ay nagtra-trabaho pa rin siya.

Nakita namin si Gab kanina at pakiramdam ko nakita niya ako kaya todo ang tago namin ni Frinn.

Maybe I need to be happy because Baste is not here, but it's different now, I'm pregnant and I don't want any trouble with anyone.

Hindi 'yon magandang imahe para sa akin.

"Bakit ba tinataguan mo 'yon? Si Baste nga hinahabol si Bea, magpakasaya ka rin," mahinang sabi ni Frinn.

Naglalakad na kami ngayon at may tulak-tulak na push cart.

"You know Gab. Gab likes me so I want to stay away from him. Tsaka kaibigan mo si Baste, pinagbubuntis ko ang anak namin ni Baste. Bakit gusto mo akong makipagmabutihan sa iba?"

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon