Chapter 44

966 35 105
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)




Keith Sebastian


"Mom sabihin mo na sa akin, alam kong alam mo kung nasaan si Cloud," mahinang sabi ko habang nakatitig kay Mom. Natapos na ang bagong taon pero hindi ko na nasilayan ni anino ni Cloud.

"Huwag mo akong kulitin, Baste. Wala akong alam anak," mahinang pagsisinungaling sa akin ni Mom kaya naman napabuntong hininga ako.

Alam kong meron siyang itinatago, alam ko rin namang si Cloud 'yon.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang itago sa akin.

Hindi naman ako manggugulo.

Hindi na lang ako nangulit lalo't ako pa nga bang magagawa ko?

Umalis ako sa bahay nang walang napala. Mababaliw na ako kakaisip kung paano ko mahahanap si Cloudy.

Naglalakad ako sa mahabang hallway sa condo ngunit natigil ako nang makita ko si Frinn na titig na titig sa nakasarang pinto ng condo ni Gillion kaya naman natigilan din ako.

I smiled bitterly when I saw Frinn's large suitcase.

"You're leaving?"

Napatingin siya sa gawi ko nang magsalita ako kaya naman nakita kong ngumiti si Frinn ng mapait at napahawak sa batok niya.

Nakikita kong pinipilit niyang ngumiti kahit na walang buhay ang mga mata niya.

"O-oo... finally, wala nang konsomisyon si Gillion," mahinang sabi ni Frinn at tumawa pero mabilis niyang tinapos 'yon.

"Gusto mong uminom?" mahinang tanong ko sa kan'ya.

Kailangan ko lang ng kahit isang taong makakausap.

"H-hindi pwede e. T-tutulungan ko si Gianna na mag-ayos ng gamit para sa p-paglipat namin sa bahay na nabili ko," mahinang sabi ni Frinn dahilan kung bakit natigilan ako.

Is his relationship with Gillion really over?

Wala na talaga?

"Frinn... magpapakasal kayo?" mahinang tanong ko kay Frinn at nagkibit balikat lang siya na syang pahiwatig na hindi rin niya alam.

Nabuntis niya talaga si Gia.

"U-una na ako, Keith."

"May b---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Frinn.

"Please take care of Gillion, Keith."

Titig na titig lang ako kay Frinn habang sinasabi niya sa akin 'yon. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"He's not mentally and emotionally stable... I hurt him. Hindi ko man sinadya ang mga nangyari pero napasaktan ko sa siya," mahinang sabi ni Frinn at yumuko.

Napayuko rin ako dahil sa sinabi niya sa akin.

Paano ko maaalagaan si Gillion kung maging ako man ay hindi rin maayos? Paano ko siya maaalagaan kung wasak din ako?

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon