Chapter 34

892 35 135
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)













Isabella Cloud





"Hindi ka pa rin pinapansin ni Baste?" tanong ni Mama Katelyn. Inaayos ko ang mga dadalhin kong pagkain ni Baste.

He's been quiet for a week now, if I'm not mistaken, which is why I'm so irritated. Kung hindi ko lang iniisip na napasaktan ko siya ay gusto ko rin sanang sabayan ang galit ni Baste pero ayoko namang mas lumala.

"Hindi pa rin po, I mean nag-uusap naman kami bago matulog, yumayakap naman siya sa akin pero tuwing ioopen ko 'yong tungkol kay Silvian ay tatahimik lang siya," nakangusong sabi ko lalo't alam kong may distansiya pa rin ang relasyon namin ni Baste.

"Kailangan mo pa ba ang tulong ko 'nak? Gusto ko talagang humingi ng tawad sa ginawa ko," mahinang sabi ni Mama sa akin kaya naman ngumiti ako at humawak sa kamay ni Mama.

"It's okay, Mom. You have already explained your side to Baste. I'm sure he understood that, the only thing he couldn't accept was that I lied to him. I need to work on Baste's trust again."

"But you're pregnant. Hindi niya ba maintindihan 'yon?" tanong ni Mama kaya naman natawa ako.

"I need to be fair, Mama. Just a little pinch from Baste and we will be fine." Nagbiro na lang ako kaya naman ngumiti sa akin si Mama pero may lungkot sa mga mata niya.

Alam kong iniisip niya na nagloko siya kay Tito Yohan.

"Mama, hindi pa rin kayo ayos ni Tito Yohan?" mahinang tanong ko nang matapos ko nang ilagay sa tupperware ang kare-kare na niluto ko para kay Baste.

"Kailan ba kami naging maayos no'n? Akala mo pipe," malamig na sabi ni Mama kaya naman natawa ako.

I'm afraid of Tito Yohan now. I feel that he doesn't want me for Baste.

Naging tahimik lang ako habang nagsasabi ng reklamo sa akin si Mama. Hanggang sa pumunta kami sa hospital ay patuloy pa rin ang pagrereklamo niya dahilan kung bakit natatawa na lang ako.

Masaya ako dahil kahit papaano ay gusto pa rin akong makasama si Mama kahit na alam kong galit sa akin ang asawa niya.

Sisihin ba naman ako ng matandang 'yon na kinunsinti ko si Mama.

Mabuti na manahimik na lang kung walang alam.

Gustuhin ko mang mainis lalo kay Tito Yohan ay wala akong panahon na isipin pa siya, uunahin ko pa ba siya kaysa sa aking dalawa ni Baste?



"Ihahatid pa ba kita hanggang sa opisina ni Baste?" tanong ni Mama pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng hospital. 

Mama is no longer too busy at the hospital, but is focused on their large pharmacy. MR pharmacy was transferred to Mama and Tito Yohan's name a long time ago. Mama's family founded that, but because of the help of Tito Yohan's family, 29 percent of MR pharmacy is shared by Tito Yohan, while Mama's share is 50 percent which is the reason why she became the CEO while 21 percent is the combined share of board members.

Mama's pharmacy branches are in different provinces. 



"Hindi na po, Mama," nakangiting sabi ko kay Mama lalo't alam kong 15 minutes from now ay may importanteng meeting si Mama.

Nang magpaalam na ako kay Mama ay sinamahan ako ng isang nurse para ihatid sa opisina ni Baste. 

Umaasa ako na kumakain palang siya o oras palang ng pahinga niya. Sa isang linggong nakakalipas ay talagang inaagahan kong magising para ipagluto siya ng umagahan at ng lunch niya.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon