Chapter 45

1.1K 35 49
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)



Isabella Cloud

My recovery from pain went well. Ang paglisan ay naging mabuti sa akin. 

Ayos na ba ako?

Ang maisasagot ko lang ay hindi na masakit, hindi na gano'n kabigat tuwing iisipin ko. 

Galit pa rin ba ako kay Keith?

Hindi na gano'n kabigat kung iisipin ko siya, palagi ko naman siyang naaalala ngunit madalas ko lang pigilan ang sarili ko lalo't hindi nga naman ako makakausad kung sisisihin ko pa rin siya.

He's... he's doing his part.

Keith is fighting my case. I just found out that the person who did this to me is in jail but no one wants to tell me who is that person is.

Everything I left behind is getting better so why shouldn't I be better?

Maayos ang naging takbo ng buhay ko rito sa Canada. Alam kong ginagawa pa rin ni Sir Silvian ang lahat gano'n din si Mama na hindi malaman kung nasaan ako.

"Konti na lang malalamog na ang cake sa harapan mo," sabi ng lalaking nasa harapan ko kaya napairap na lang ako. 

"I didn't know that you liked the head architect of your company so quickly," I teased him.

Malakas na tumawa si Gioval dahil sa sinabi ko kaya naman binato ko siya ng tissue. Gamit ko na 'yon kaya halos mapatayo siya para lang iwasan ang tissue na binato ko.

"Ang dugyot mo talaga, Cloud," inis na sabi niya kaya naman inirapan ko siya.

Ako ang Head Architect sa bagong branch nila Gioval dito sa Canada. Si Gio ang nagbigay talaga sa akin ng trabaho nang hirap akong makausad at makipagsabayan dito sa Canada. 

Masyado silang advance dahilan kung bakit nangapa ako sa pamamalakad nila pero hindi nagtagal ay nakapag-adjust naman ako.

"I'm just thankful. 'Yong unang Head Architect na humawak sa pinapatayong building ay ayaw pumayag sa design na nire-request ko," inis na sabi ni Gioval kaya naman napairap na lang ako.

"Panget naman talaga ang suggestion mo, pumayag lang ako kasi kailangan ko ng trabaho," sabi ko naman kaya malalaki ang mga mata niyang napatitig sa akin.

"Ang yabang ah... parang 'di nanapak ng Engineer ah," asar sa akin ni Gioval dahilan kung bakit napataas ako ng kilay sa kan'ya.

"Inaya mo akong makipag-date ngayon... akala ko ba nanliligaw ka sa isang doctor," malamig na sabi ko at naalala na naman si Keith.

"Mukhang ayaw naman niya sa akin," sabi ni Gioval kaya napataas ang kilay ko sa kan'ya.

"Kung ayaw sa 'yo susukuan mo na?" tanong ko sa kan'ya.

"Joke lang naman... mas gusto ko naman si Ricky kaysa sa 'yo. Ang panget ng ugali mo, Cloud. Literal talaga panget," mahinang sabi niya sa akin kaya napanguso naman ako.

Kahit paano nakahanap ako ng mga kaibigan sa magkapatid na Guiverra. Si Gioval ay nasa healing process palang yata.

Gio, on the other hand, is having a hard time courting Bea. Hindi ko masisisi si Bea lalo't grabe ang sakit na nararamdaman niya. 

"What do we bet... let's make a bet... do you know Keith? It's Bea's ex, do you think Bea will return to Kuya if Bea lives in their house together with that man?"

Well hindi alam ng lalaking nasa harapan ko ngayon na ex ko rin si Keith. Ang alam niya lang ay magkaibigan kami ng Kuya niya.

"Hindi ko alam... siguro hindi na babalikan ni Bea si Gi lalo't tanga na lang si Bea kung babalikan pa niya ang manlolokong 'yon."

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon