Chapter 9

819 37 111
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Isabella Cloud 

"Pasensiya ka na, Tita Kate, traffic lang po," mahinang sabi ko pagkaupo na pagkaupo ko sa katabing upuan ni Tita Kate.

"It's okay, Cloudy. Hindi naman ako naghintay ng matagal," sabi ni Tita Kate kaya ngumiti naman ako sa kanya.

Hindi ko alam kung saan niya ako ipupunta pero may ideya na ako. Baka sa mga mamahaling brand na naman niya ako ipupunta at bibilhin lahat ng nagustuhan niya para sa akin.

"Saan po tayo ngayon pupunta tita?" tanong ko lalo't hawak-hawak na niya ako sa kamay ko.

"Papa-wax, dear," sabi ni Tita Kate kaya naman nagulat ako. Papa-wax ng ano? Para saan?

"T-Tita Kate," napeke ako ng tawa ko, "wala po akong buhok sa kili-kili, Tita. Nag-aahit naman ako."

Tumawa na lang ako na naiilang dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag o kung paano ba hindi lalabas na naiilang ang sinabi ko.

"Sino bang nagsabi sa kili-kili lang? Ipapa-derma natin 'yan later. Kipay... buhok sa kipay, Cloud," sabi ni Tita Kate kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita lalo't hindi ko naman inaasahan ang sasabihin ni Tita Kate. 

Nagbibiro lang naman siya hindi ba? Kasi... bakit naman 'yon pa ang naisipan ni Tita Kate na gawin ngayon?

Hindi pa rin naman ako handa ipakita kipay ko, paano kung lalaki mag-wawax? Lalaki ba? Aba hindi ko alam. Sariling sikap lang ginagawa ko para lang kalbuhin.

Tsaka isa pa wala naman akong dapat na i-impress e. Ako lang naman ang nakakakita.

"Don't tell me you don't have hair there either?" Tita Kate asked. 

Parang wala lang sa kanya na pinag-uusapan namin ang tungkol sa kipay namin.

"T-Tita meron naman kaso, kaya ko naman tanggalin 'yon kahit mag-i---"

Tinignan niya ako habang nakangiti na tila may pinahatid sa akin. Nasa titig niya na manahimik na lang ako at sundin na lang siya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko. 

Sumama ako sa kanya kasi akala ko may sasabihin siya sa akin na importante.

Hanggang sa nakahiga na ako at may babae na inaayos na ang mga kagamitan na gagamitin mamaya sa akin.  Tumingin ako sa katabi kong higaan at nakita ko si Tita Kate na tahimik lang na nagbabasa ng magazine. May kalayuan siya at may tuwalya namang nakaharang sa nakabuka naming hita.

"T-Tita," tawag ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Yes, dear?"

"Hanggang lunch lang po ako pwede, uuwi si Tatay later at kakain po kami ng sabay-sabay sa dinner," mahinang sabi ko at umaasa na maiintindihan niya ako.

"Okay. Moreover, I'll drive you home. After touring you around the mall," she whispered.

"Tita ano po bang sasabihin niyo sa akin?" mahinang tanong ko para rin mawala ang kaba ko lalo't si Tita Kate ay tila hindi kinakabahan kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko lalo't ito ang unang beses ko.

Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko kahit babae naman ang nakatingin sa kipay ko.

"Later... let's talk later."

Hinayaan ko na lang siya lalo't hindi ko rin naman siya mapipilit na sabihin na sa akin ang gusto niyang sabihin.

Halos tawagin ko lahat ng santo nang maramdaman kong nilapatan na ng wax ang aking pinakatinatago-tago.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon