Chapter 21

1K 42 51
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)



Isabella Cloud


Hindi ko alam kung paano ko pakikiusapan si Tatay na itigil na ang ginagawang paghihirap kay Baste.

"Pogi naman ng katulong namin," rinig kong sabi ni Frinn at nanggagaling 'yon sa sala kaya naman dahan-dahan ako bumaba. May pasok ako ngayon at maaga pa naman. Hindi ako pwedeng lumiban sa trabaho.

Sumilip ako sa sala at nakita ko si Frinn na nakaupo sa sofa habang si Baste naman ay nagwawalis. May hawak pa siyang pamunas para yata sa mga divider sa sala.

Nakita kong pumasok si Tatay sa bahay at nanlaki ang mga mata ko nang putik-putik ang mga paa niyang dumaan sa nalinis nang bahagi ni Baste sa sala.

"Bakit ka nakaupo d'yan? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Tatay kay Frinn pero sinimangutan lang ito ni Frinn bago inirapan si Tatay kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

Nagtatampo kasi si Frinn kay Tatay dahil sa ginawa nitong paghabol sa kan'ya ulit ng itak kahapon.

"Si Nanay Esmeralda ang masusunod, hindi mo naman 'to bahay e," mahinang sabi ni Frinn kaya naman galit na hinawakan sa tenga ni Tatay si Frinn kaya naman napasunod ang katawan niya sa paghila ni Tatay sa tenga niya.

Samantalang si Baste ay pagod na kinuha ang mop para linisin ang putik dahil sa paa ni Tatay.


Napailing na lang ako lalo't ayoko suwayin ang plano ng Tatay ko.





Naaawa lang talaga ako kay Baste.


"Aalis na po ako," mahinang sabi ko kaya naman nalipat ang tingin sa akin nila Frinn.


Agad kong nakita na ibinaba ni Baste lahat ng hawak niya at lumapit sa akin bago kinuha ang bag na may lamang laptop.


"Bakit ka nagbubuhat ng mabibigat?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin kaya naman napakunot din ang noo ko.


"Ano ako bata? Kaya ko namang b---"


"You're pregnant, baka nakakalimutan mo," may inis na sabi niya kaya naman masama akong napatingin sa kan'ya bago siya irapan.


Inis na ibinigay ko sa kan'ya lahat ng hawak ko kaya nagulat siya. Napaatras siya dahil sa ginawa ko. Bago ko pag-isipan ang ginawa ko ay nagawa ko na kaya maging ako ay nagulat din.


I've noticed changes in my body and mood these past few days.


"S-sorry," mahinang sabi ko nang makita ko ang gulat sa reaksyon ni Baste pero imbis na negatibong salita ang natanggap ko ay nginitian lang ako ni Baste.


"It's normal. It's okay. Come on, I'll take you to your work," he whispered.


Titig na titig ako kay Baste dahil sa naging reaksyon niya.


Inaasahan ko na magagalit siya lalo't wala naman siyang ibang ginawa kundi tulungan lang ako at para sa akin naman talaga ang sinasabi niya. Para hindi kami mapahamak ni baby.



"Hahawak ako sa 'yo," mahinang sabi niya sa akin kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.

Panay paalam na niya sa akin katulad na lang nang sinabi ko sa kan'ya na kung pwedeng magpaalam muna siya sa akin bago niya ako hahawakan.

Lalo't hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing madadampi ang balat niya sa akin.

Kakaibang kuryente ang hatid no'n na dahilan kung bakit ako kinakapos ng hininga.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon