Chapter 18

1K 48 110
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)





Isabella Cloud 

"Ingatan mo 'yang anak ko, Frinn ah. Baka talagang tanggalan kita ng ulo," malamig na sabi ni Tatay habang nakatitig kay Frinn na inaayos ang maleta ko.

"Tama bang pagkamalan akong Tatay ng pinagbubuntis ni Cloud, Tito baka gusto mong magsorry sa akin," nakangusong sabi ni Frinn kay Tatay.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako. Galit ang mga magulang ko kay Baste dahil sa ginawa niya sa akin.

Hindi ko masabi na may nangyari sa amin kasi lasing si Baste samantalang ako naman ay nasa tamang pag-iisip na nilukod lang ng pagmamahal kaya hinayaan kong may mangyari sa amin. Hinayaan ko lang lalo't nagpadala ako sa mga salita niya habang lasing siya.

"Huwag kang magsalita!" sigaw ni Tatay kay Frinn kaya naman yumakap sa braso ni Nanay si Frinn.

"Kaya nagkakaroon na kayo ng maraming puting buhok e, huwag na kayong magalit, uwu," sabi ni Frinn.

Nakita kong mas nagalit si Tatay pero hindi naman niya magalaw si Frinn lalo't nakakapit si Frinn kay Nanay.

"Kuya Frinn... gay ka po?" biglang tanong ni Chi-Chi kaya nanlaki naman ang mga mata ko lalo't hindi dapat nagtatanong si Chi-chi ng gano'n.

"Chi-chi!" malakas na tawag ko sa kan'ya.

"Nagtatanong lang naman po ako lalo't parehas sila ng kinikilos ng teacher ko sa PE," sabi ni Chi-chi bago humingi ng tawad kay Frinn.

"Chi-chi... it doesn't matter if I'm gay or not," Frinn said. 

"Sayang kung hindi ka po gay, ang ganda niyo kapag naging babae," sabi ni Chi-chi habang nakangiti. Dahil nga talagang bobo si Frinn ay para itong tanga na nakatitig sa akin habang iniipon niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Well... I'm not surprised anymore. Gillion loves me very much. Small thing," he whispered. Dahil nga nasa likod niya ako ay rinig na rinig ko ang sinabi niya kaya inirapan ko na lang siya.

"Ito maganda kapag naging babae?! Mukhang labanos na may maliit na mata!" inis na sabi ni Tatay kaya malakas naman kaming tumawa nila Nanay.

Kahapon noong nalaman ni Tatay na si Baste ang Ama ng dinadala ko ay nagalit siya. Alam niya kasi na may karelasyon si Baste at 'yon nga ay si Bea.

"Maka-bully 'tong sunog na 'to," sabi ni Frinn kaya naman hinawakan siya ni Tatay sa tenga at piningot siya kaya naman tawa lang nang tawa sila Raine. 

Nag-aaway na naman silang dalawa.

Buti kasama ko si FFrinn, siya ang nagpaliwanag ng lahat-lahat kila Tatay kagabi na kahit kailan daw ay hindi ako nagkamali kahit nabuntis ako ni Baste.

Frinn also said that after all it's time for me to start a family. If I raise my child without a father, my parents should respect my decision. It's okay to be hurt by my fate in love, but it's wrong to push me away, especially now that I need a parent, especially a Father.

Talagang pinaliwanag ni Frinn ang lahat-lahat sa mga magulang ko.

Umamin na rin ako, sinabi kong kinasal na si Bea ay mas nagalit siya lalo't pakiramdam niya ay ginamit daw ako ni Baste para makalimutan si Bea.

Well hindi 'yon totoo. Kasi habang may nangyayari sa amin, si Bea pa rin naman ang nakikita niya.

"Aba sige na, mahaba-haba ang byahe niyo baka gabihin kayo sa daan," sabi ni Nanay at humarap sa akin at hinawakan ako sa t'yan. "Mag-iingat ka roon. Kung ako lang dahil sa nalaman ko ay ayaw na kitang pabalikin sa Manila lalo't baka magkita kayo ng lalaking 'yon."

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon