Chapter 16

996 46 129
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)









Keith Sebastian





In all my decisions, I think about it again and again before trying. I want to be sure of something, especially since I'm afraid of making a mistake and getting hurt because of my wrong decision.

Minsan ko na 'yong ginawa noong inaya ko ang kakambal kong lumabas kahit hindi kami pwedeng lumabas. Lahat ng maling desisyon ko sa buhay ay nauuwi lang sa panget na wakas kaya pinag-iisipan ko ang bawat hakbang na gagawin ko para hindi na maulit ang nangyari sa kakambal ko.

So I want to think about marrying Bea. Oo, alam ko namang siguradong-sigurado ako sa kan'ya. Mahal ko siya e!

But will I let her marry me while I haven't fixed the mess in my family? I will only hurt her especially because she will witness how my family will reject her.

"Keith, bakit ba hindi mo na lang ako ipakausap sa Mommy mo?" tanong sa akin ni Bea.

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ko ng madiin ang kamay niya.

"It's not because I don't want to, Amore. I just need time to talk to them," I whispered hoping she understand what I am saying.

Gusto ko lang naman ng wala nang problema. Ayaw sa kan'ya ni Lolo sa mother side ko, pati si Mom ayaw rin kay Bea, si Dad naman ay hindi naman nagbibigay ng opinyon niya na para bang kung ano ang desisyon ko ay doon siya.

"Keith nauubusan na ako ng panahon," mahinang sabi ni Bea kaya naman napahawak ako sa noo ko lalo't hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Is everything just a problem? Why can't she understand me?

Gusto ko lang naman na parehas kaming tanggap sa bawat pamilya namin para walang maging problema.

Ayokong masasaktan siya dahil ayaw siya ni Mom para sa akin. Ginigipit pa ako ni Mom sa propesyon na gusto ko.

"Our wedding can wait, Bea. Do you want me to talk to your father? I'll go talk to him."

Umiling lang si Bea habang nakatingin sa labas ng kotse ko kaya naman napakagat na lang ako ng ibabang labi ko at walang nagawa kundi ihatid siya sa bahay nila at ipagpatuloy ang panliligaw ko kila Mommy tungkol sa pagpapakasal ko kay Bea.

Sinabi ni Mom na papayag naman siya pero hindi sa ngayon at subukan ko munang tignan ang mga taong malalapit sa akin.

Hindi ko siya maintindihan lalo't sino ba ang mga taong importante sa akin?

Si Bea, sila Frinn, ang pamilya ko at si Cloud.

Ano'ng ibig sabihin niyang mag-focus sa mga taong malapit sa akin?

Hindi natapos doon ang pangungulit ni Bea na madalas ay hindi ko na lang siya sinasagot lalo't hindi pa maayos ang pamilya ko.

I can't bring Bea into the chaotic world. My parents need to accept Bea so they don't hurt the girl I love the most.

Walang masasaktan sa mga taonng importante sa akin. Kailangan ko lang magdesisyon na hindi na kailangan makapahamak ng ibang taong importante sa akin.

Nangyari na 'yon sa kakambal ko. Hindi na ulit ako mawawala ng mahal sa buhay. Hindi ko kaya kaya kung may mawawala man, gagawin ko ang lahat para lang bumalik ang taong 'yon at tanggapin ulit ako.

Wala nang matutulad sa kakambal ko.



I was busier at the hospital because I had to meet the time needed to become a surgeon. I never failed to update Bea even though she often did not reply to my messages. Gusto ko lang iparamdam na hindi namin kailangan na madaliin ang usapang kasal.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon