Chapter 15

1K 47 180
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)



Isabella Cloud





Hindi ko alam kung nakailang rolyo na ako ng tissue kakaiyak dito sa sala namin. Hindi man lang ako mahiya kila Raine na titig na titig sa akin. Wala akong pasok ngayon kaya nakatutok lang ako sa panonood ng K-drama.

"'Te, kumakain lang naman sila ng sabay, bakit umiiyak ka d'yan?" tanong ni Raine sa akin kaya naman masama kong tinignan ang nakababata kong kapatid na lalaki.

Bigla naman siyang natigilan nang masama ko siyang tinignan.

"Sabi ko nga e, mananahimik na ako e," sabi niya at gustong-gustong ilipat ang channel ng TV namin.

"Cloud, ikaw kaya magluto rito! Ang tanda-tanda mo na hindi ka man lang marunong magluto!" sigaw ni Nanay kaya naman mas umiyak ako.

"Bakit ako?! Si Raine ang utusan mo 'Nay, ang sakit kaya ng likod ko," sabi ko kaya naman nakita kong tumakbo si Raine at kinuha niya ang bola niya sa isang sulok.

"'Nay lalaro lang kami ni Joshua," sigaw ni Raine at tumakbo na papalabas ng apartment.

Nakita ko naman si Nanay na tumatakbo papunta sa sala namin.

"Jusko! Ang batang 'yon," sabi ni Nanay at napahawak sa noo niya. Napailing na lang ako at binigay kay Chi-chi ang remote bago ako magpaalam na papasok na muna sa kwarto ko para tapusin ang design ng bago naming kleyente.

Konting tiis lang talaga kahit na maraming inuutos sa akin ang mga senior ko ay ayos lang basta maging permanente ako sa trabaho ay ayos na ako.

Binabalak kong mag-book ng bakasyon para sa pamilya ko para naman mailabas ko sila.

Isang buwan na yata ang nakakalipas simula nang huli kaming nagkita ni Baste. Sinabi ko rin kay Tita Kate na huwag na muna akong kakausapin lalo't hindi maganda ang kinalabasan ng pag-amin ko kay Baste.

Nagalit pa si Tita Kate sa akin lalo't umamin daw ako nang hindi man lang nagsasabi sa kan'ya para raw matulungan niya ako.

Kaya ayon ang huling balita ko ay hinahanap-hanap nga ni Baste si Bea at nakapasa na ito. Isa na itong surgeon. Sila Finn lang ang nagbabalita sa akin.

Simula nang hindi ako makalakad ng maayos at nagpahinga ako ng dalawang linggo ay halos nakiusap lang ako sa Head Architect namin na ipapasa ko na lang online ang mga design lalo't sinabi ko naman na may sakit ako.

Para sana tuloy-tuloy pa rin ang sahod ko. Awa ng Diyos ay wala naman naging problema.

Umuwi ako rito sa bahay nang maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na rin naman ako pinuntahan ni Baste kaya naging tahimik ang buhay ko sa loob ng isang buwan.

Frinn is the only one I often talk to. Kahit gano'n 'yon at hindi ko na nakikitaan na magbabago ay nasasabihan ko naman siya ng mga problema ko.

Aaminin ko naman e, gustonng-gusto kong makita si Baste at bumalik kami sa dati pero hindi madaling kalimutan ang nangyari sa amin kaya minabuti ko na lang na magkalayo kaming dalawa.

Mas naging abala siiya kaya mas mabuti 'yon. At least makakapag-isip kami ng tama ng magkahiwalay.

Magbestfriend pa rin ba kami? Hindi naman mawawala 'yon e. Sa tagal ng panahon na magkasama kami ay hindi na siguro 'yon mabubura. Siguro hanggang ala-ala na lang kami at 'yon na lang ang kaya namin panghawakan sa ngayon.

I don't want to see him that it's okay for him to see me despite what happened between the two of us. It's like he's going to slap me again about the fact that what happened to us that night is not a big deal.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon