Chapter 50

1.1K 29 28
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)

Isabella Cloud

Lutang akong pumasok sa trabaho ngayong araw. Ngayon ang alis ni Keith at hindi ko alam kung kailan ang balik niya rito.

Naiwan yata ang isip ko sa naging pag-uusap naming dalawa ni Cy na siyang dahilan kung bakit dilat ako buong magdamag. Wala akong tulog.

I feel like I need to understand Cy's reason.

"Cloudy!"

Malalaki ang mga mata kong tumingin sa likod ko nang marinig ko ang boses ng lalaking matagal ko nang hindi nakikita.

"Gillion!" malalaki ang matang sinalubong ko ang nakangiting si Gillion na papalapit din sa akin.

"How are you, Cloudy? It's been a long time. Gumaganda ah," natatawang sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"I'm fine! Ikaw kamusta ka na? Wala na akong naging balita simula nang umalis ako. Ano palang ginagawa mo rito?" nakangiting tanong ko.

"Dito kami magpapasko nila mom. Napaaga lang ang dating ko lalo't kailangan kong asikasuhin ang pag-aaral ng pamangkin ko rito," nakangiting sabi ni Gillion kaya naman napatango naman ako.

I stop myself from opening the topic about him and Frinn. As much as I want to know Gillion's plan for Frinn's upcoming wedding, I'm afraid of offending him by what I'm planning to ask.

A lot has changed.

The pain we went through has already shaped us.

We all can't go back to the way we were before.

"Hindi ka pupunta sa kasal ni Frinn?" tanong niya sa akin dahilan kung bakit nabigla ako.

Hindi ko akalain na manggagaling sa bibig niya ang ninanais konv itanong kanina pa.

"I-ikaw ba? Hindi ka pupunta?" mahinang tanong ko subalit ngumiti lang sa akin si Gillion.

"Hindi ko palalampasin ang mga kasal niyo," nakangiting sabi ni Gillion sa akin. "Magkakaibigan tayong lahat kaya dapat lang na suportahan natin ang isa't-isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ng bawat isa sa atin."

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Gillion. Pinag-aaralan ko ang mukha niya, kahit kailan kasi ay hindi kayang magsinungaling ang mga mata ng isang tao.

Saksi ako sa naging pagmamahal nila ni Frinn. Masyado lang hindi sumang-ayon sa kanila ang tadhana sa salirang 'pagtanggap' dahil sa kasarian nilang dalawa ngunit kung pagmamahal naman ang magiging basehan ay alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Kung tutuusin ay napakaperpekto ng relasyon nilang dalawa. Kahit pa ba sabihin walang gano'n na relasyon ngunit kung makikita lang kung paano tignan ni Gillion si Frinn ay tila ba hawak-hawak ni Frinn ang buhay ni Gillion.

It's definitely different if fate plays a game. No matter how deep your love for someone is, if fate decides to end your relationship, there is nothing you can do.

Nakakahinayan man subalit bilang kaibigan ay kailangan kong maging masaya sa bawat daan na tatahakin ng mga kaibigan ko.

Ngumiti ako kay Gillion bago magsalita, "susubukan kong pumunta. Tama ka, hindi dapat natin pinapalampas ang importanteng kaganapan sa bawat isa sa atin."

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon