Chapter 55

961 29 25
                                    

Enjoy Reading, Sweeties



Isabella Cloud

Frinn's wedding ceremony ended sadly. It's hard to start over again, when it comes to your mind that Frinn is married and not to Gillion.

Another thing that keeps going back and forth in my mind is what Keith said that night.

Handa na siyang maikasal ako...

"Mukhang maraming dadalo sa pagsalubong natin ng pasko," nakangiting sabi ni Cy sa kwarto ko. Nandito kami ngayon at patagong nagbabalot ng regalo para sa pamilya ko.

"Hmm-mm," mahinang pagtugon ko at napatingin sa nabalot kong regalo para kay Keith.

Dadalo kaya siya?

Kasama kaya namin siyang magsasalubong ng pasko?

"Tayo lang naman ng mga magulang ko," mahinang sabi ko kaya naman mahinang tumawa si Cy.

"Masaya pa rin lalo't kumpleto ang pamilya mo," nakangiting sabi niya kaya napangiti naman ako kahit papano.

"Oo," maikling sagot ko kaya naman nalipat ang tingin sa akin ni Cy.

"You can take back what we agreed on, Cloud."

"Huh?"

Nagulat ako sa sinabi ni Cy sa akin kaya naman titig na titig ako sa kan'ya.

Maya-maya lang ay umiling si Cloud sa akin.

"Nothing," he whispered.

Tumango na lang ako.

Naging abala ang lahat ng tao sa bahay namin lalo't may kan'ya-kan'ya kaming trabaho para sa maihanda ang magiging pagdiriwang namin ng pasko mamaya.

Si Tatay ang nakatoka sa pagleletchon kasama na rin ang iba namin kamag-anak sa tumayong mga magulang ko.

Si Nanay naman at si Mama ang magluluto ng mga karaniwang hinahanda sa Pasko.

Si Papa naman ang tumutulong sa pag-aayos ng mga palaro mamaya dahil dadalo rin pala ang mga pamangkin ko.

Tradisyonal na pagdiriwang gagawin namin. Alam kong naninibago si Mama at Papa lalo't laki sila sa yaman at iba ang pagdirinwang ng pasko para sa kanila subalit nandito sila para subukan kasama ako ang paskong normal naming ginugunita ng mga tumayong magulang ko.

I'm happy to have many visitors later. Our Christmas won't be sad, especially for Zoe as this is her first Christmas in the Philippines.

I am also happy for Cy, especially since he will once again feel the joy of Christmas in the Philippines.

Dalawa kami ng kapatid kong babae ang inaayos na ang decoration dito sa likod ng bahay namin lalo't maluwang naman.

Dahil nga ako raw ang may alam sa ganito.

Pinaglalaruan naman ni Zoe ang cellphone ko kaya naman kampante ako na hindi siya maglilikot lalo't nasa cellphone ko ang buong atensyon niya.

I also hope that somehow my friends will have some time to visit our house to celebrated with my family even if only for a short time.

Palagi kasing present sila Frinn tuwing pasko sa amin.

Nakakapanibago kung hindi sila dadalo subalit maiintindihan ko naman lalo't may kan'ya-kan'ya na silang pamilya.

"Uuwi pala kami sandali ng Papa mo, Cloudy," sabi ni Mama habang papalapit sa akin kaya nakangiti akong lumingon kay Mama.

"Bakit po?"

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon