Chapter 13

902 39 214
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)





WARNING: MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. IF YOU ARE NOT 18+ READ THIS CHAPTER STILL. DON'T FOOL ME, I'VE BEEN THROUGH IT. HOY CHAROT! 🥴







Isabella Cloud

Dahan-dahan na hiniga namin si Baste sa kama niya rito sa bahay niya na binili para sa kanila ni Bea. Lasing na lasing pa at muntik pa kaming mapaaway kanina. Kung hindi lang kilala si Baste sa Bar ni Tito Yohan ay sigurado akong hindi kakayanin ni Baste makipagsuntukan lalo't lasing siya.

Tinatawag ko agad sila Finn kaso nasa isang business trip si Finn kaya kahit na ayaw kong guluhin si Frinn lalo't parang tanga na naman 'yon ay siya na lang ang tinawagan ko.

Sa totoo lang si Frinn ang tinawagan ko, dalawa sila ni Gillion dumating.

Mga malalandi.

"Tang-ina what if gawin nating pasyente 'tong Doctor na 'to? Isang palo lang ng tubo sa likod ng tuhod ayos na ako," sabi ni Frinn at pinupunasan ang mukhang may pawis dahil nahirapan talaga kami kay Baste lalo't pumapalag siya.

Nasuntok pa nga niya kanina si Gillion na siyang katabi niya kanina sa backseat ng sasakyan. Dapat ako sana ang tatabi kaso sabi ni Gillion ay mas kaya niya si Baste kapag magwawala ito kaya naman ako na ang umupo sa pasenger seat at si Frinn ang nagmamanahe.

"Parang hindi ka naman gan'yang nang maglasing ka noong nakaraang gabi," malamig na sabi ni Gillion kaya natawa na lang ako.

"Sino bang magiging boyfriend mo rito? Ako hindi ba? Ba't sinusungitan mo na naman ako?" tanong ni Frinn kaya namula ang mukha ni Gillion pero alam kong kinikilig siya kahit na masama ang tingin niya kay Frinn.

"Parang pang ano Frinn... lumalandi ka lately," sabi ko pero inilabas lang ni Frinn ang dila niya at tumingin sa akin kaya naman napairap ako.

Boyfriend pa raw ahmp.

Sobrang landi ni Frinn sa totoo lang.

"Salamat sa tulong Gillion," mahinang sabi ko kaya naman naramdaman ko ang sabunot sa akin ni Frinn.

"Aba aandar ang sasakyan ng wala ako? Kabobohan mo na naman ah," sabi ni Frinn kaya naman inirapan ko na lang siya.

"Kaya mo na ba, Cloud? O kailangan mo pa kami? Kung kailangan mo pa, iiwan ko na lang sa 'yo si Frinn para may kasama ka, may naiwan kasi akong trabaho," mahinang sabi ni Gillion kaya naman nakangiti akong humarap sa kan'ya.

"Okay na ako, ako na bahala kay Baste, salamat sa tulong niyo. Hoy ikaw Frinn, akala mo makakatakas ka sa trabaho mo," inis na sabi ko kaya inirapan naman ako ni Frinn bago sila nagpaalam ni Gillion.

Sa totoo lang ay may kailangan akong matapos na design ng bahay kaso hindi pa naman bukas kailangan kaya bahala na. Iru-rush ko na lang at ipagdadasal na hindi ako pagagalitan ng Head Architect namin.

Agad akong tumayo para kumuha ng maligamgam na tubig lalo't alam kong hindi makakatulog ng maayos si Baste kapag naglalagkit ang katawan niya.

At amoy alak din siya.

Binigyan ko ng mensahe si Tita Kate na nakauwi na si Baste at lasing na lasing kaso hindi ako nakatanggap ng reply kaya baka nasa hospital pa rin ito.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon