Chapter 57

1.2K 37 31
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)


Isabella Cloud


"Hindi kita kayang patawarin dahil sa ginawa mo sa akin— sa amin ni Keith," mahinang sabi ko habang nakatingin sa tatay ni Keith.


I want to see him and I also want to end whatever fear and resentment I have. Gusto kong magsimula ng bagong buhay kasama ng mga magulang ko. 

Kasama ng mga taong totoong nagmamahal sa akin. 

Alam kong malaki na ang nagbago sa mga buhay-buhay naming lahat lalong-lalo sa amin ni Keith. Masyado kaming pinahirapan ng tadhanan na malasap 'yong happiness na deserve naman naming maramdaman. 

"Be thankful my son loves you... hindi ko alam kung bakit pinili ka niya kaysa sa akin na kadugo niya," malamig na sabi ng Daddy ni Keith sa akin na para bang hindi talaga siya nagsisisi sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa pamilya ko. 


"Thank you," I whispered. Nilabanan ko ang titig niya sa akin at hindi ko hinayaan na ako ang unang iiwas ng tingin. "Dapat maging thankful ka pa sa anak mo dahil hindi naging kasing sama mo."


Tumawa ang si Tito Yohan dahil sa sinabi ko. 

"Nagkabalikan na ba kayong dalawa? Ako na ang nagsasabi sa 'yo, wala akong kinalaman sa pananaksak sa 'yo," malamig na sabi niya sa akin kaya halos mangalit ang panga ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaamin ang kasalanang ginawa niya sa akin. 


"Huwag ka nang magsinungaling, dahil sa kasakiman mo... nahihirapan kaming pareho ni Keith ngayon."


"Kasakiman? Lahat nang ginagawa ko para sa anak ko! Ano'ng pinakain mo sa kan'ya na maging ako ay tinalikuran niya huh?!" sigaw ni Tito Yohan sa akin. Mukhang naalarma ang mga pulis malapit sa amin dahil lalapit na sana sila sa amin pero umiling lang ako.

Mabuti ngang hindi ko pinapunta sila Papa ngayon dito.

Sigurado akong magkakagulo sila ni Tito Yohan. 

Maging si Mama ay sigurado akong hindi mapapatawad si Tito Yohan sa lahat ng nagawa niyang kasamahan sa pamilya namin. 

Ilang taon niya kaming pinaikot sa kasinungalingang gawa niya. 

"Mabubulok ka rito sa kulungan," malamig na sabi ko. "Magkadugo kayo ni Keith pero hindi siya kasing sama mo," malamig na sabi ko.

"Really? Hey woman," he said coldly while staring into my eyes. "Ang pamilya mo ang nanira ng pamilya ni Keith. 'Yon ang tatandaan mo."

Natigilan ako sa sinabi ni Tito Yohan sa akin. 

"Kung hindi naging sakim 'yang Lolo mo, sana buo ang pamilya ko!" sigaw niya sa akin dahilan kung bakit hindi ako nakapagsalita. 

Titig na titig ako kay Tito Yohan, si Keith ang nasa isip ko.

Nasa isip ba ni Keith na sinira ko rin ang buhay niya?


"So why should I regret everything I did huh?! It's even and right that you lose everything too because I lost everything! Everything!"


"Masaya ka ba sa ginawa mo?" malamig na tanong ko kaya natigilan siya. "Masaya ka bang binuhay mo si Keith sa kasinungalingan? Pinaniwalang Ina niya si Mama? Pinaniwala mo siya sa kasinungaling kaya bakit ka nagagalit sa akin kung tinalikuran ka ng anak mo?" 

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon