Chapter 58

1.6K 49 45
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)


Keith Sebastian

Pasko ngayon, pasko na naman ngayon. I'm looking for satisfaction in my chest again. But still nothing.

Ngumiti ako kay Angelo nang makita kong abala siya sa mga nakabalot na regalo sa harapan niya.

"Papa! Sobrang excited po akong makita sila Paulo!" masayang sabi ni Angelo sa akin kaya naman napangiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya.

"Huwag kang masyadong magpapagod kung gano'n, magpahinga ka na muna dahil paniguradong uumagahin tayo sa bahay ampunan," nakangiting sabi ko kaya naman agad na tumango si Angelo.

"Pupuntahan mo po ba si Miss Cloud?" tanong niya sa akin kaya naman pinakatitigan ko lang siya at hindi siya sinagot.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay sa tila matanda nang pananalita at pag-iisip ni Angelo.

Nagugulat pa rin ako at hindi ko pa rin nababasa ang nilalaman ng isip niya.

"Hindi ko pa alam anak," pag-amin ko sa kan'ya kaya naman ngumiti siya sa akin.

"Dapat unahin ang pamilya sa araw ng pasko, Papa! Kaya mas mabuti kung pupuntahan mo ang pamilya mo," nakangiting sabi niya kaya naman natawa ako at mahina kong pinisil ang pisngi niya.

"Opo, sige na magpahinga ka na," mahinang sabi ko kaya dali-dali naman niyang niligpit ang mga laruan niyang nagkalat sa sala.

Kasalukuyan kong inaayos ang nagkalat na karuan ni Angelo nang makita ko si Lolo. Agad naman akong tumayo upang alalayan siya.

"Dapat tinawag mo po ako para hindi ka na po nahirapan na lumabas ng kwarto niyo," mahinang sabi ko. Kahit na nasa ground floor lang ang kwarto ni Lolo dahil nga madalas na siyang naka-wheelchair ay alam kong mabilis na siyang mapagod dahil sa katandaan.

"Kaya ko pa naman, Keith," mahinang sabi niya kaya naman dahan-dahan ko siyang inupo sa sofa rito sa sala.

Tahimik lang akong bumalik sa pag-aayos ng mga regalo kasama ang mga laruan ni Angelo na siyang nagkalat sa sala.

"Hindi ka ba dadalo mamaya kila Cloud upang salubungin ang pasko? Your Mom is there, she invited you didn't she?" he suddenly asked.

"Hindi ko pa po ako, ihahatid naman po kita mamaya kila Mom para makasama mo sila Cloud, Lolo. Kailangan ko po kasing asikasuhin ang mga bata," mahinang sabi ko kaya naman hindi nagsalita si Lolo.

Patapos na ako sa paglilinis nang magsalita muli si Lolo.

"Inilalayo mo pa rin ang sarili mo. Matagal mo nang napagbayaran ang mga kasalanan na sinasabi mong ginawa mo pero bakit tila habang buhay mong pinaparusahan ang sarili mo?"

"Lolo, hindi ko po alam ang sinasabi niyo," mahinang sabi ko at nang makita ko siyang magsasalita pa ay tuluyan na akong umiling. "Hindi naman po ako lumalayo kay Cloud. Hindi naman po niya ako kailangan na makita pa, wala na akong papel sa buhay niya kaya hindi ko nakikita 'yong sense kung bakit magpapakita pa ako."

"Parte ka ng pamilya ni Cloud," mahinang sabi ni Lolo kaya naman natawa ako.

"Alam ko po, at parte rin po ako ng pamilya ni Angelo... kailangan po ako ng mga bata ngayong pasko... mas kailangan nila ako."

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon