Chapter 51

1K 38 93
                                    


Enjoy Reading, Sweeties!



Keith Sebastian

How strong is love? Does regret always have to come last? Why is one's realization always delayed?

"Uuwi na tayo, Papa?" napatingin ako kay Angelo nang magsalita siya sa tabi ko. Nakasakay kami sa kotse ko.

December na.

Malapit na naman ang pasko. Mararanasan ko na naman kayang maging mag-isa katulad nang nagdaang pasko?

Hindi.

Kasama ko si Angelo at iba pang mga bata. Hindi na ako mag-isa.

"Hmm-mm? Magpapahinga ka na muna, pagkatapos no'n papayagan kitang makipaglaro sa mga kaibigan mo," nakangiting sabi ko kay Angelo.

Nandito na kami sa Pilipinas. Nalaman ko kasing uuwi rin si Cloud kaya nauna na kami ni Angelo. Angelo is my son. I have to spend the remaining days with him. I had no intention of disappointing everything that I've promised to him.

"Papa?"

"Hmm?"

"Nararamdam ko pong makikita ko na ang Angel mo," nakangiting sabi niya sa akin dahilan kung bakit mahigpit akong napahawak sa manubela ng kotse ko.

Hindi ko inalis ang mga ngiti sa labi ko.

"Hindi mo pa ba siya nakikita tuwing tumitingin ka sa salamin?"

Nakita ko ang pagngiti ni Angelo dahil sa sinabi ko. May sakit na humaplos sa puso ko dahil alam na alam kong nalalapit na ang paglisan ni Angelo.

I didn't want to get close to Angelo, but my heart instinctively got close to him.

Takot na akong mawalan ulit ngunit mukhang nakatadhana nang maiwan ako ng mag-isa. Ang tangi ko lang sigurong papel ngayon ay ang bigyan ng magandang ala-ala si Angelo bago siya bawiin ng Panginoon sa akin.

Doon naman lahat papunta. Unfair lang na imbis sa mga katulad kong makasalanan nauunang bawian ng buhay ay nauuna pa ang walang kamuwang-muwang na mas deserving na mabuhay ng matagal.

"Papa?"

"Hmm?"

Tumingin ako kay Angelo sandali bago muling itinuon ang buong atensyon sa daan.

"Thank you..."


Natigilan ako nang narinig ko ang sinabi ni Angelo sa akin.

"Wala akong nakilalang mga magulang maliban kila mother sa bahay ampunan kaya hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagmamahal ng mga magulang pero pinaramdam mo 'yon sa akin kahit hindi naman tayo magkadugo," mahinang sabi niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

Naalala ko kung paanong ang tahimik na batang si Angelo noong una ko siyang nakilala ay unti-unting nakisalamuha sa ibang mga bata kahit pa ba pinapahirapan siya ng sakit niya.

Palagi lang nasa hospital si Angelo, buong buhay niya yata ay nakulong siya sa isang silid at walang ginawa kundi labanan ang sakit na unti-unting lumalamon sa kan'ya.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon