Chapter 25

1K 36 77
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Isabella Cloud

Kahit na natatakot ako ay tinakbo ko ang distansiya mula sa pwesto ko at sa telepono. Hindi ko alam kung sinong tinawagan ko dahil sa taranta ko.

Habang may kausap akong babae ay nakita kong pupunta sana sa pwesto ko si Gab pero nakita ko kung paano siya  suntukin ng ilang beses ni Baste sa kabila ng tama nito sa tagiliran. 

Hanggang sa tumumba si Gab ay hindi siya tinantanan ni Baste kaya patuloy lang ako sa pagkausap sa babae sa kabilang linya. Umiiyak ako pero hindi ko hinayaan na manginig ang boses ko.

Nakiusap ako ng ambulansya lalo't kinakabahan ako.

Ibinigay ko ang location at dinetalye ko ang nangyayari kila Baste. Hanggang sa nakita kong bumagsak si Baste dahil hindi na gumagalaw si Gab.

Agad akong lumapit sa kan'ya habang umiiyak. Nakahawak siya sa tagiliran niya. Ang daming dugo, hindi ko alam kung kaninong dugo 'yon.

Hindi ko nga alam kung may tama rin si Gab. 

Wala akong pakialam sa kan'ya.

"B-Baste," umiiyak na tawag ko sa kan'ya. Nasa mga hita ko na ang ulo niya at namumutla na siya.

"L-lalamigin ka,"  mahinang sabi niya.

Siya na 'tong nasaksak ako pa rin ang iniisip niya. 

"H-Huwag ka na munang magsalita," mahinang sabi ko at madiing hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa tagiliran niya para siguro tumigil ang pagdugo.

"A-are you o-okay?"

"Shh... I'm o-okay," umiiyak na sana ko hanggang sa bigla na lang bumukas ang pinto at nakita kong may humawak kay Baste at kay Gab. 

Hindi ko na alam ang nangyari matapos sabihin ng pulis na dinudugo ako...

"Are you okay?" tanong sa akin ni Frinn kaya naman napatitig ako sa kan'ya at napatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Baste.

"H-hindi pa rin siya gigising?" tanong ko habang nakatitig sa mukha ni Baste. 

"Maraming nawalang dugo, sigurado maya-maya gigising na siya, mag-uumaga na rin. Stable naman na siya," mahinang sabi ni Gillion.

Wala pang 24 hours nangyari 'yon. Kanina nagising ako at sinabi ng Ob gyne na mahina ang kapit ni baby kaya kailangan kong mag-take ng mga vitamins para sa kapit ng anak ko at alagaan ang sarili ko.

It's good that nothing bad happened to my baby when I bled this morning.

"Oras na magising si Gab... dere-deretsyo na ang kaso. I'm sorry, Cloudy," sincere na paghingi ng tawad si Gillion kaya naman napapikit ako.

"H-hindi mo kasalanan 'yon, wala kang kasalanan," mahinang sabi ko.

Nasaksak din pala ni Baste si Gab kaya wala ring malay ngayon si Gab. 

"Bukas kung handa ka na, kakausapin ka ng mga pulis dahil sa nangyari kanina, sasamahan kita at ni Kuya, siya ang abogado mo," mahinang sabi ni Gillion kaya naman tumango ako.

Nakayuko siya ngayon at hindi makatingin sa akin ng maayos.

"Gill, ayos na ako," mahinang sabi ko kahit na takot pa rin. Kanina kitang-kita ko ang mga magulang ni Gab. "Nasaan pala ang mga magulang ni Baste?"

"Nasa London sila ni Tito Yohan pero sigurado akong nagpa-book na sila papauwi rito sa Pilipinas," sabi ni Frinn kaya naman napapikit ako.

"Gusto mo bang umuwi na muna? Kailangan mong magpahinga... kung ayaw mo naman pwede kaming magbayad ng isang kwarto para makatulog ka na," sabi ni Finn na talagang nandito rin.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon